Promised
Kanina pa kami naglalakad ni Shone sa gitna ng tirik na tirik na araw. We both don't have anything to cover up from the heat. Minsan ay nagtatago ako sa kaniyang anino para kahit papaano ay maibsan naman ang init na nararamdaman ko.
We only have our bottled water that we bought to the store near the school. Nasa bulsa ng bag ang sa akin pero ang kay Shone ay hawak hawak niya. Mukhang malamig pa.
"It's so hot today," I said, looking up at him while blocking the sunlight using my hand. "No?"
"Do you want to feel refreshed?" Kunot ang noo niyang tanong dahil sa init.
"Sinong hindi?" Feeling ko nga mauubusan na ako ng hininga pag nagpatuloy pa kaming dalawa. Tanaw ko pa ang tindahan na pinagbilhan namin ng tubig, dapat pala ay nanatili muna kami roon.
"Hold this then." Inabot niya sa akin ang bottled water at walang ano-anong inilapat ang mga kamay sa magkabila kong mukha.
His slighty damp and cold hand covered my face. Hindi maipagkakailang naibsan nga kahit papaano ang init na nararamdaman ko.
"You forgot to being your umbrella," he uttered, making a statement. Palagi iyong nasa bulsa ng aking bag.
"Oo nga. Nakakainis." Nanghihinayang kong saad. Kung kailan kasi kailangang kailangan ng payong ay doon ko pa nalimutan ang payong.
"Wait. Hawakan mo muna iyang tubig ko." Inilagay niya ang bag sa kaniyang harap at binuksan iyon. Pinilas niya ang matigas na papel sa likod ng kaniyang yellow pad at saka ibinalik ang bag sa likuran.
He placed his hands at my back. Ginawa niyang pangharang ang papel ng yellow pad kaya hindi na masyadong natatamaan ang aming mukha.
"Better?"
I merely nodded as a response. Ilang saglit pa kaming naglakad bago namin matagpuan ang ihawan na dinadayo ng mga estudyante pagkatapos ang klase.
Kung gugustuhin naman namin ay pwede kaming mamasahe na lang pero para makatipid ay inaya ko na lang si Shone na maglakad dahil kaya naman at hindi kalayuan.
Tumigil kami sa silong malapit sa tindahan. Tinanaw naming pareho ang usok na nanggagaling sa tindahan.
Bahagya kong tiningala si Shone dahil matangkad ito sa akin. His arms are crossed as he stares back at me, waiting for me to tell him what I want.
"Shone, hindi ko talaga alam," I uttered with my whiny voice. Kinakabahan na talaga ako kahit na hindi pa kami lumalapit.
Para naman 'to sa research namin pero kabang kaba ako dahil sa hiya. We need a respondent and we can find them here.
"You'll approach her lang naman. Para matuto ka." Pagpipilit niya sa akin. Hinawakan nito ang mga balikat ko at saka ako iniharap kay ate tindera.
Pag kumakalap kami ng datas, siguro napansin niya na hindi ako masyadong magaling sa pag-approach sa mga tao kaya gusto niya akong matuto.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
JugendliteraturEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...