Isa ba kayo sa Milyon milyong taong nagpapakatanga sa pag ibig? Nagpapakapuyat sa gabi sa pag aantay ng 11:11 para makapagwish na sana magustuhan ka ng taong gusto mo? Nangangawit sa kakatingala sa langit tuwing gabi para magbilang ng siyam na bituin para makapag wish sa ika-siyam na araw? O kabilang ka sa bilyon bilyong taong nagsasabing 'Walang Forever'?
Isa ka man sa mga iyan. Makulay man ang LoveLife mo o Hindi. Wag kang malungkot , dahil maswerte ka at naranasan mo yan
Naranasan mo ang masaktan. Ipagpalit sa iba. Ipang rebound. I-2 time. Lokohin. Pag laruan at kung ano ano pa
Para sa akin mas gugustuhin ko pang maranasan ang mga iyan
Hindi ko alam kung Anong pakiramdam. Yung Pakiramdam na sobrang mahal na mahal mo yung tao na kahit ano gagawin mo para sa kanya. Yung Gusto mo lagi kayong magkasama. Kung gaano kasakit pag iniwan ka ng mahal mo. Yung gaano kasakit kapag niloko ka ng taong mahal mo
Lahat ng yan Hindi ko pa nararanasan.
Mainlove?
Hindi ko din alam yon.
Love at first sight? Kalokohan.
Hindi ko alam kung wala ba talaga akong puso o bato lang ito.
Wala naman akong mapait na nakaraan para maging bato ang puso ko
Pero bakit ganon?
Bakit Hindi ako dapuan ng lecheng love na yan!
Naitanong ko na din sa sarili ko baka tomboy ako. Na baka sa babae ako nagkakagusto
Pero sa tuwing tumitingin ako sa mga maaarteng babae na akala mo napakalilinis nila Ay Hindi ko masikmura ang magkagusto sa kanila
Hindi din naman sa mga simple at normal na Babae dahil isa lang ang nangingibabaw
Boring.
Nagkakacrush naman ako
Pero Hindi yung akala mo mamamatay sa selos kapag nakita mong may kasamang Babae yung crush mo. Yung laging iniistalk na kulang na lang pati oras ng pag ihi't pag tae e alam mo. Yung laging nakabuntot tss
Pag nagkacrush ako yung parang naamaze lang ako dun sa tao. Parang naastigan lang
Pagkatapos nun wala na
Tinry ko ding pumasok sa mga relationship na yan. Baka sakaling magmahal ako
Pero ang ending?
Failed.
Ako pa lagi ang nakikipaghiwalay sa kadahilanang
Bored na ko.
Nakakainis Diba
Baka nga alien ako at kinuha yung puso ko nung nasa ibang planeta pa ako tapos pinadala ako dito sa earth ng Walang puso
Grabe. Nagiging weird nako
Napatigil ako sa pag iisip ng may tumapak sa paa
Bwiset. Bagong Pedicure pa naman yan. Tsss
"Sorry miss"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita
Tiningnan ko lang siya ng blanko Kong ekspresyon
"Okay Hindi ko sinasadya miss" Tugon niya ng mapansin niyang Hindi ako nagsalita
Kumunot ang noo ko dahil bukod sa pagiging tanga niya epal pa siya
Wala naman ako sinabing sinadya niya eh
Nang mapansin Kong magsasalita pa siya Ay inunahan ko na siya. Ayokong ipamuka niya pa ang pagiging tanga niya
"Wala akong sinabing sinadya mo tanga. Malay ko ba kung inborn na sayo ang pagiging tanga"