Kasabay ng pagbuhos ng
malakas na ulan,
Naiwan akong mag-isa habang
pinagmamasdan kang lumisan,
Lulan ka ng sasakyan patungo sa lugar
na maglalayo sa ating pag-iibigan,
Mabuti nalang at malakas ang ulan,
hindi makikita ang pagtulo ng luha mula sa aking matang tila nag-uunahan.
Mahal, paalam..
"Miss Fernandez," I froze as I heard my surname. Lumingon ako sa aking professor, naghihintay ng sasabihin niya.She let out a sigh, "Let me remind you, nanganganib kang bumagsak sa subject ko this semester. I hope this is not about your story being rejected for the play, Giel."
Naiwan akong nakaupo sa desk ko nang sabihin 'yon ng adviser ko. I wasn't aware na maaari na naman pala akong bumagsak. While I was busy fixing my broken heart, my grades were already in danger.
What if bumagsak na naman ako for the third time? Of course, he will get mad, and he'll just choose or force me to stop my studies.
I heaved a deep sighed bago tumayo para umalis na. Isinabit ko ang bag ko sa kaliwang balikat ko at lalabas na sana nang biglang may magsalita sa likod.
Si Jasper. Niyayaya akong mag-inom.
"Pass ako." Seryosong sabi ko rito.
Nakita kong bahagya siyang napangiti.
"So the rumor is true. Nagiging good girl na ang isang Giel Fernandez,"
Nahampas ko agad siya ng kapit kong folder dahil sa pang-aasar niya.
"Good girl, ako 'no! Masyado ka ah."
"Masyadong ano?"
"Masyadong tamang hinala!"
"Nakakagulat lang kasi Giel. 'Twas like you know," Nag-gesture pa siya ng something unbelievable at tinuro ako bago tinuloy ang pagsasalita. "Na sa ating magkakaibigan ikaw ang pinakamalala. Ikaw pa nga ang nag-influence sa'min sa mga bar, eh."
"Ang exaggerated, ha. Grabe ka. Nagmumukha akong masama--"
"You are,"
Napakunot naman ang noo ko. "You're being a really bad friend." I glared.
"Come on, Giel. Just admit it. Wala namang mawawala," I don't know where did he get the guts to wink at me kahit pa alam niyang makakatikim s'ya ng combo sa'kin.
"Tara sa bistro!" Sigaw ko nang wala sa oras.
"Woah Giel. Seryoso ka? Sudden change of hearts?"
I just rolled my eyes before turning my back on him. "Basta libre mo, Trinidad."
"Sure, Fernandez."
Malungkot ako ngayon. Malungkot ako araw araw, actually. And I deserve to give myself a break from everything.. siguro, kahit ngayon lang. After this, i'll try to complete my missing tasks so that I won't fail one subject. Nakakapagod na rin mag-comply sa incomplete grades.
"Tatlo sa'kin." I said pagkaupo namin sa table kung saan kami madalas tumambay. Napatingin sakin si Jasper at napailing.
"Dalawa nalang. 'Di tayo magpapakalasi--"
"Make it 4."
Sinamaan niya ako ng tingin at muli siyang umiling bago tumawag ng pwedeng mag-assist sa'min.
Sa bistro na 'to kami madalas mag-inuman ng mga tropa including Jasper. Kilala na kami rito at regular costumer. We discovered this place two years ago. 'Yun pa 'yung time na bago palang kami magkakakilala at nagkataon na pare-parehas kaming may problema. An idea popped on my mind at bistro ang unang lugar na pumasok sa utak ko. They all agreed at simula noon, binalik balikan na namin 'to.