Puting rosas

19 6 1
                                    

Kanina ko pa hinihintay ang boyfriend ko dito sa simbahan pero wala hindi pa rin sya dumadating, naglakad-lakad ako at nakita ang pamilyar na lalake na papalapit sakin.

Si yuan, ang ex boyfriend ko na ilang years ng hindi nagpa-ramdam sakin nang walang dahilan. Nakipag-hiwalay ako sa kanya noon pero bakit nandito sya sa simbahan?

Nakangiti syang lumalapit sa akin, napansin kong may hawak syang puting rosas at nang makalapit sya sa akin ay agad ako nitong yinakap na ikinagulat ko naman.

Ramdam kong kumirot yung puso ko nang yakapin ako nito, ang totoo nga'y mahal ko pa rin sya pero dahil strict ang parents ko ay pilit nila akong ipapakasal sa lalakeng hindi ko naman mahal.

"It's been a long time, it's nice to see you again calliope..." pabulong nitong saad at mas humigpit ang yakap sakin.

Nang hindi ko na makayanan ang nararamdaman ko ay doon na ko umiyak at yinakap sya pabalik, "K-kaya nga eh" utal kong sagot.

Those hugs made me feel comfortable, bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at saka inabot sakin ang naka-tuping papel at isang puting rosas.

Alam ko na ang ibig sabihin ng puting rosas na ito — this white rose is one of my favorite flowers.

Tumingin ako sa kanya, nakita ko syang umiiyak na. "Alam mo siguro yung ibig sabihin nyan diba?" tanong nya habang umiiyak pa rin.

Unti-unti akong tumango at pilit na pinapatahan ang sarili, "S-salamat y-yuan..." wika ko at saka pinunasan ang luha.

Hinawakan nya ko sa baba at iniharap sa kanya, "Kung nagparamdam lang siguro ako sayo noon, siguro ay ako dapat ang ikakasal sayo" naluluha nyang sambit.

"Pinapalaya na kita calliope, s-salamat sa lahat ng magagandang ala-ala" ani nya at saka ako muling yinakap, mas lalo akong nasaktan.

"M-mahal pa rin kita calliope pero hindi na pwede dahil may iba ka ng napupusuan" wika nya.

Gusto kong umamin na mahal ko pa rin sya pero huli na ang lahat dahil ikakasal na ko bukas, bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at saka ako hinawakan sa pisngi.

"Hindi man tayo sa huli pero patuloy pa rin kitang mamahalin calliope" sabay ngiti nya at saka ako hinalikan sa noo.

Lumisan sya sa simbahan at ako naman itong patuloy pa ring lumuluha, bumabalik yung sakit. Binuklat ko yung nakatuping papel at binasa.

Ibinigay ko sa iyo 'tong rosas
na ang ibig sabihin ay pinapalaya
na kita, alam ko namang may
napupusuan ka ng iba

Bakit pa ako hahabol  sayo
kung iba naman ang napupusuan mo,
pero kahit na may gusto kang iba
ay patuloy pa rin kitang mamahalin
mula sa malayo

Nais kong malaman mo
na hinding-hindi ko isasara ang unang pahina dahil ikaw pa ang gusto kong paksa, at nais ko din na malaman mo,

Na ako'y patay na,
namatay ako noong desyembre 12
araw ng kaarawan mo,
namatay ako dahil sa kagustuhan kong pumunta at humingi sayo
ng tawad sa kadahilanang hindi ako nagparamdam ng ilang taon

Kaya lang naman hindi nagparamdam sayo dahil nga ayokong malaman mo na meron akong sakit at ito'y sakit sa puso,
ngunit ngayo'y nalaman ko ng ikakasal ka sa iba'y masaya na ko

Dahil meron ng papalit sa akin
na magmamahal sayo ng tunay,
salamat sa maikling panahon na nakasama kita calliope, mahal na
mahal kita.

Nagmamahal; Yuan.

Ang ibig sabihin ay patay na sya at multo na lang nya ang nagparamdam sakin kanina, ipinikit ko ang mata ko at inalala ang lahat ng masasayang ala-ala na kasama ko sya.

Mahal pa rin kita yuan at hinding-hindi magbabago yun.

End.

.
.
.
.

Author's note: Hello readers salamat sa pagbabasa na maikling kwento na nailathala ko, take care of you readers hihi.

12/24/22.

Puting rosas (short story)Where stories live. Discover now