Rule#1:Fan Ka So Act Like His Fan

38 5 0
                                    


Yan ang ating Rule#1 mga ka fan girls, minsan kasi nakakalimutan natin na isa lang nila tayong fan kaya grabe tayong maka demand ng oras nila para saatin.

Yung tipong kukulitin mo sya sa IG tapos hihintayin mong ma seen nya, girl fan ka nga eh you should respect his personal space.

Wag nyo akong gagayahin, nagawa ko na rin kasi yan noon, well mas malala pa nga, dumating pa nga sa punto na akala ko binanlock na ako ng idol ko eh.

Idol natin sila hindi nila responsibilidad na pansinin tayo all the time, pinapansin naman nila tayo minsan diba?, kaya nga may mga fan meetings eh.

Hayaan natin na magkaroon ng personal life ang idol natin, gumawa nga ng private account sa IG diba, so ibig sabihin pribado, wag pakialaman may public account sya ibig sabihin yun yung pang fans ok.


Fan RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon