Chapter 5:

10 0 0
                                    

Queen's POV

Lintek talaga yung mga abnormal na yun. Argh!

Eh sa badtrip ako mag english! Nasa pilipinas tayo pero english ng english!! Mga pakitang tao!

Bwisit na lalakeng yon! Malay ko ba sa reckless na yan!! Magkatunog naman yun sa neckless ahh..

"Ow to the Em to the Gi" sabi ni Janelle

"Ang gwapo talaga ni danilo noh? Pero mas gusto ko yung lalaking kausap mo queen" tumingin sila lahat saakin

"Tss." Tinarayan ko sila.

"Janelle, Gia, Mitch and Abigaile.." Sabi ko

"NAGMAMAKAAWA AKO TANTANAN NIYO NA AKO OKAY? KAYO NA BAHALA SA MGA UGOK NA YON DAHIL AYOKO NA MAKITA PAG MUMUKHA NILA! GETS NIYO???" Tapos tinalikuran ko na sila.

"Oh bat ako nasama?" Sabi ni Gia

Naglakad lang ako

Ayoko na talaga.

Naiistress ako.

Stressed na nga sa bahay eh pati ba naman dito?

**

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan kong nagaaway si mama at papa. Linampasan ko lang sila at dumeretso na ako sa kwarto ko. Hay. Nakapagod na.

Sinara at linock ko ang pintuan ko at naupo sa kama ko. Pinatong ko ang gamit na dala ko sa tabi.

Tumayo ulit ako para kunin yung laptop ko sa table at bumalik ako sa kama.

Pagka open ko, nagtwitter at facebook ako. Pampatanggal ng stress.

Facebook muna.

Michelle Andres sent you a message.

Binuksan ko ang message niya.

Girl!! OKay kAh lUngz??? SoRrY nuAh!!
Sent 5:34pm

Loko!!! Hanggang ngayon ba naman???? Ay ewan!!

Sinara ko ang laptop ko dahil ampanget ng pambunggad ni mitch saakin. Jeje talaga.

Kami lang ata ni Gia ang matino sa barkada.

Alam niyo bang si Mitch ang naka isip ng Jijimamons na group name?! Jusko Paano?!!?? Tumanggi kami ni Gia don pero gustong gusto ni gaile at elle eh!

Leche.

Napahiga nalang ako sa kama ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa mukha ko.

Sht talaga Queen. Bakit ang gulo ng buhay mo?

*Ring* *Ring*

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

GIA is Calling..

Sinagot ko naman agad

"Hoy" mahinang sabi ko

"Queen!!!" Sigaw niya

"Bakit??" Bakit siya sumisigaw?

"Queen.." Bakit ba ako kinakabahan dito

"Wala lang hahahahhahahahahahha bye" ay pusa

Lintek na gia yan wala nanaman nagawang maayos. Pero buti nalang hindi siya jejemon.

Tumingin ako sa table ko, nandun parin yung mga pictures namin ni.. nevermind

**

"Mag selfie selfie selfie selfie tayo pag may tim-" pumundo kang abigaile Dimaano ka!

"Tigil!!" Sigaw ko kaya napatigil kumanta si gaile at napatigil mag strum ng gitara si elle.

Our Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon