Prologue

3 0 0
                                    


If I have a chance to bring back my life, I will choose to leave. Bringing back my life would give me another miserable life...

"Good morning, Mahal" malambing na wika mula sa labas ng kwarto ko.

Nagising ako ng maramdamang bumukas ang pinto, bumungad sakin si Mama na may dalang breakfast.

I'm 27 year's old, had a brain tumor.

"Good morning, Ma" wika ko bago ngumiti ng tipid sa kanya. Lumapit siya sakin bago nilapag sa harap ko ang pagkain.

"Kain ka na anak." Inayos ko muna ang pagkaka-upo ko bago dahan-dahang humarap sa kanya. Sumadok siya bago ako unti-unting sinubuan dahil nanghihina akong gumalaw.

"Ma, pagtapos po ba nito pwede na akong lumabas? Gusto ko po kasing makakita naman ng ibang tao bukod sa inyo." I chuckled before looking at her. Ngumiti siya at tumango bilang pagsang-ayon sakin.

"Basta kumain ka muna hah?" Tumango ako bago muling tinanggap ang sinusubo niyang pagkain sakin.

Pagkatapos kong kumain ay naglinis na ako ng sarili at tinulungan naman ako ni Mama.

"Wow, ang ganda naman ng anak ko" masayang bati sakin ni Papa pagkakita niya sakin bago hinalikan ang nuo ko.

Ngumiti ako sa kanya bago siya niyakap.

"Pa, I love you!" Mahinang sabi ko sa kanya. Tumingin muna siya ng matagal sakin bago tumalikod, nakita ko siyang malalim na nagbuntong hininga bago muling humarap sakin.

Ngumiti siya sakin bago ako hinawakan sa kamay. "Nak, pagod ka ba? Gusto mo bang mag mall tayo o mamasyal?" Alok niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya bago tumingin kay Mama na hawak ang wheelchair na kinauupuan ko.

"Ma, pahinga ka naman... ayos na ako dito." Ngumiti lang siya sakin at parang nanginginig pa ang mga labi niya habang bakas naman sa mukha niya ang lungkot at awa sa akin.

"Ayos lang ako anak, si Mama pa ba?" Mahina siyang tumawa bago umiwas ng tingin sakin.

Huminga akong malalim bago pumikit at dinamdam ang mga sandali.

Itinulak na ni Mama ng dahan-dahan ang wheelchair para makalabas na kami ng bahay.

Unti-unti kong binukas ang aking mga mata, bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag...


"Happy birthday to you... Happy birthday to you..." masayang kanta ng mga kasama ko sa trabaho habang nakangiti sakin. Nasisilaw ako sa sobrang liwanag ng sinag ng araw sa labas ng building namin.

"Thank you po." Sabi ko bago inihipan ang kandila ng cake na hawak ng isang katrabaho ko.

"Thank you very much!" Muling sabi ko bago nagkaayayaan na kumain na.

"Glea, Ilang taon ka na?" Tanong ng isang katrabaho ko. Nagtinginan naman ang ibang kasama namin, naghihintay ng sagot ko. Ngumiti naman ako bago sumagot sa kanila.

"27 po! Malapit na mawala sa kalendaryo" Sabi ko bago natawa, natawa naman ang iilan at nag-asaran pa kami.

"Glea, may boyfriend ka na ba? Kung wala si Lane na lang daw!" Biro ni Joseph, katrabaho rin namin. Inaasar na naman kami, tumatawa lang ako habang nag nagsasandok ng pagkain ko.

"Hoy tignan nyo si Lane! Namumula oh..." malakas na sabi ni Joseph bago malakas na tumawa. Napatingin naman ako kay Lane na kaupo sa isang lamesa sumusubo pa ng spaghetti halatang walang kaalam-alam sa mga nangyayare.

"Ano na naman ba, Josephine!" Malakas na sabi ni Lane kaya mas lalong natawa ang ibang mga kasamahan namin.

"Glea, alam mo bang ito si Lane simula pagpasok mo dito sa opisina parang na glue ata ang mata at lagi sayo nakatingin!" Pang-aasar ni Tate, katrabaho din namin.

"Ohhhhh!" Pang-aasar ni Joseph, natawa na naman kaming lahat. Nakita kong tumayo si Lane at pumunta kay Joseph bago siya binatokan. Natawa ako dahil nalaglag pa si Joseph sa upuan niya.

"Ouch! Napakasakit mo naman mag mahal bestfriend!" Pang-aasar pa rin ni Joseph kahit nasa lapag na nakaupo.

"Tama na yan! Kumain na tayo!" Sabi ko bago umupo sa lamesa namin para makakain na.

"Hoy bes! Hindi ka na lugi kay fafa Lane!" Sabi ng kaibigan ko, tumingin lang ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Alam mo bang siya lagi pinagkakaguluhan dito sa opisina? Tuwing madadaan siya sa ibang Department madami ng tumitingin sa kanya as in! Ikaw ba naman gwapo na, mayaman pa, gentlemen, mabait! Balita ko rin na nag top 1 siya sa board exam nila sa engineering! Tignan mo grabe na ka-successful!" Totoo naman yon kaya hindi na ako nakipag-talo pa sa kanga at sinimulan na muli ang pagkain.

"Ahm... Happy birthday Glea." Sabi ni Lane bago inabot sakin ang isang bigkis ng bulaklak. Halata ang kaba sa mukha niya habang nilalahad sakin ang regalo niya. Ngumiti lang ako sa kanya bago nagpasalamat at tinanggap ang regalo niya.

I didn't find him that attractive compared sa mga nakikita ng mga ka-office mate namin. Gwapo siya at halatang mapapalingon ka talaga kapag na daan siya sa harap mo.

Pagkatapos naming kumain at mag-celebrate ay bumalik na rin kami agad sa kanya-kanyang trabaho namin dahil sobrang tambak ng mga gawain.

"Glea, gusto mo kape?" Alok sakin ni Lane.

"Yeah, sure. Black coffee, please" I said without giving him a glance. Naramdaman ko naman na umalis siya sa tabi ko kaya nagumpisa na ako ulit mag-fucos sa trabaho ko.

Minutes later ng naramdaman kong may naglapag ng baso sa tabi ko, nilingon ko siya bago nagpasalamat. "Thank you, Lane." Tumango lang siya bago umalis.

It's already late nung maisipan kong umuwi na, nagligpit na ako ng gamit ko at bumaba na sa first floor ng building namin.

I'm an Accountant kaya medyo hectic din ang schedule ko araw-araw. Halos computer, calculator at walang kataposang mga report na lang ata lagi kong kasama sa buhay.

When I reached the ground floor agad akong nagpaalam sa guard bago dumertsyo sa waiting area ng building namin. Hindi ko kasi dala ngayon ang kotse ko kaya mag-grab na lang siguro ako.

I booked a grab pauwi, habang nag-aantay someone tap my shoulder. Handa na sana ako hampasin siya ng puno ng report kong bag kung hindi ko lang siya na mukhaan.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Kabadong sabi ko sa kanya habang halata pa rin ang gulat at takot sa mukha ko.

"Nag-aantay rin?" Sabi niya bago umupo sa upuan na katabi ko. Kung may sakit ako sa puso siguro nahimatay na ako ngayon.

"Alam mo bang muntik na kita hampasin nito?" Pinakita ko sa kanya ang bag ko na puno ng mga report.

"Sorry..." Sabi niya sakin. Bwesit na 'to, edi sana lipong siya ngayon at baka magka-head injury pa ng dahil sakin.

"Bakit ka ba late umuwi? Dami ka rin ba trabaho?" Tanong ko sa kanya bago umupo sa tabi niya.

"Yeah, and also waiting for someone." Sagot niya bago tumingin sa akin.

"Ikaw Lane, dami na nga natin trabaho nakuha mo pang maglandi ah." I said. Tumawa lang siya at hindi na sumagot.

Dumating na rin agad ang grab kaya mabilis akong kumilos at nagpaalam sa kanya na uuwi na ako. Tumango lang siya bago umikot sa side ng driver at may inabot doon. Hindi ko na tinanong dahil busy ako sa pagayos ng bag ko papasok sa loob ng sasakyan.

"Sige, manong kayo na po bahala jan." He said before leaving. Doon ko lang na pansin na may dala naman pala siyang sasakyan niya dahil nauna pa ata siyang umalis samin.

Napailing lang ako bago pumikit, what a busy day...



_______________________

Cloudyve

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You For The 27th Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon