Mukha Epologo.
"Mabuhay ang bagong kasal!!"
Sigawan ng mga tao sa loob ng simbahan. Katatapus lang nang seremonyas sa kasal namin at nakalabas na rin kami sa simbahan. Masayang-masaya ako dahil natutupad na ang pangarap ko bilang may bahay sa piling ng mahal ko. Ang lalakeng pinakamamahal ko, ang una't huling pag-ibig ko.
Bago kami sumakay ng sasakyan namin papuntang resepsyon, kumayaw-kaway pa kami ng asawa ko. Ito na talaga ang pinakamasayang araw na naranasan ko. Komplito silang lahat, ang matalik kong kaibigan si Riann, mga kapatid ko si Ynnah, si kuya Yoyoy at ang Mama kong si Yesabel. Syempre masaya silang lahat para sa akin, at todo suporta pa. Mas masaya sana ako kung nabubuhay pa sana ang Papa ko. Kung pwede nga lang hiramin ko muna si Papa at pababain galing sa langit. Pero alam kong imposeble na iyon. :-) ang panalangin ko nalang, sana kong nasaan man ngayon si Papa Yonno ay sana masaya sya ngayon na nanonood.
Napabalik ako sa pag-iisip nang lumapit sa amin ang bestfriend ko.
"Oy best.. congrats ulit ha? Ang swerte mo girl! Mrs. Cuatico kana." Masaya nyang sabi. At yumakap sya sa akin, pero saglit lang.
Ngumiti naman ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako pero.
"Hoy! Ikaw." Sabay tapik nya sa asawa ko sa balikat. "Alagaan mo bestfriend ko ah." Dagdag pa nya.
"Oo naman.. kailan ba ako nabigo sa mga pangako ko? basta pangako, tutuparin ko yan kahit gaano man kahirap." Sagot naman ng asawa ko habang pinagpipisil ang kamay ko na hawak hawak nya.
Tumawa nalang ako ng bahagya sa dalawang mahal ko sa buhay. Ang bestfriend ko at ang asawa ko.
"Talaga lang ha? Hehe. Anyways! Mr. Russel Cuatico. Best wishes sa inyo. Oh! Dalawa ko na kayong bestfriend ha?" Nakangiti parin nyang sabi. Habang nakipag kamay sa amin.
"Salamat." Sabay naming sabi ng asawa kong si Russel.
"Oh paano, I have to go nah. Alam nyo naman ngayon ang flight ko patungong Korea." Sabi nya na bigla nalang nalungkot ang mukha.
Nalulungkot naman ako. At sa kasal pa namin mismo ang alis ng bestfriend ko. Alam kong pangarap nyang mag-abroad at doon nya balak ipagpatuloy ang pag-aaral nya at maging make up artist balang araw.
"Talaga bang hindi kana mapipigilan best?" Tanong ko.
"Mm.. sus! Wag na malungkot, at magpakasaya ka nalang best, babalik din naman ako eh.. so please enjoy, okay?" Sabay tingin-tingin nya sa amin na naka ngiti.
Yumakap ako sa kanya. Mamimis ko talaga ang bestfriend ko. Sa haba ng panahon nang pagkakaibigan namin, ay ngayon lang kami magkakalayo. At sa mismong kasal pa namin. Nalungkot ako, pero masaya na rin para sa kanya. Pinili talaga nya ang pangarap nya. Hindi tulad ko. 18years old palang ako ngayon ay kinakasal na sa 19years old na asawa.
Kumalas sya sa yakap ko at tumingin sakin. "Best.. wag na malungkot ha? Dapat masaya ko ngayon.. at wag mo akong isipin, I'm a braver than you are nga diba? Hehe."
"Oo nga naman Honey. Mm.. good luck sayo Riann." Sabi ni Russel.
"Thanks! Amhp. Sige na umalis na kayo. Congrats ulit sa inyo bestfriends." Si Riann.
"Salamat best." Sabi ko bago sumakay sa sasakyan namin na maghahatid sa resepsyon hall. "Sorry kung hindi ka namin maihahatis best ha? Sorry talaga, ikaw kase eh, hindi mapipigil." Pahabul kong sabi sa kanya.
"Ok lang yon.. I understand naman eh." Kumaya pa.
Ngumiti nalang ako bilang sagot dahil umandar na ang kotse na sinasakyan namin. At nasa tabi ko ang asawa kong si Russel. At pinalakas nya ang loob ko.
Alam ng asawa ko na nalulungkot ako sa pag-alis ng bestfriend ko. Alam nito kong gaano ko kamahal ang mga taong nasa paligid ko.
Kababata at sabay kaming lumaki ni Riann ang bestfriend ko. Classmates kami lagi. Para na nga kaming kambal tuko eh, kaya ngalang ay magkaiba ang status namin sa buhay. Pero wala akong pinipili. Mayaman man o mahirap ay para sa akin ay magkapantay lang. Tao lang naman tayo diba? At iisa lang ang gumawa sa atin.
Noong nasa second year high palang ako, nung pinapakilala sakin ang taong maging asawa ko pagdating nga tamang edad. 14years old ako nun at 15 naman si Russel. Noong.unay hindi ko matanggap. Bata palang pala ako ay mag naitakda na sila sakin na magiging asawa ko. Si Russel ay anak ng matalik na kaibigan ng Papa ko ang Papa nya. Kum'baga ang Papa ni Russel at Papa ko ay matalik na kaibigan. Nung buhay pa ang Papa ko ay nagpagawa sya ng kasulatan at ang Papa ni Russel na e-arrange marriage kami. Noong una galit at hindi ko matanggap. Pero wala na akong magagawa, dahil nangako na sila sa papa ko. First year high pa ako nun namatay sa aksedinte ang Papa ko. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kong sino ang may sala. Sabi nila closed case na daw iyon.
Marami na ang nangyari simula ng pinakilala si Russel sa akin bilang magiging asawa ko. Mabait naman ito at gentleman pa. Hindi lang yan.. matalino at crush ng campus pa. Noong una na hindi pa alam ni Riann na si Russel ang lalakeng ikakasal sa akin ay crush pa nga nya ito.
Noong dumating ang time na nalaman nya, ay alam kong medyo nadismay sya. Pero mabilis naman nyang natanggap iyon.
At hindi naglaon ay naging kami ni Russel two years kaming magka-relasyon. Bago ang kasal naging kami pa. Ang saya ko lang. Wala na akong mahihiling pa.
***
(A/N: Hello guys! Sinsyanah if ngayon ko lang dinugtungan ang story na ito. Matagal ko na po itong nakatatak sa isip ko. Pero ngayon lang ako nakapag-update. :-)
Vote/Comment/BeAFan
Written by Loneily
BINABASA MO ANG
Mukha
General FictionDalawang babaeng matalik na magkaibigan. Ngunit iisa lamang ang lalakeng iniibig. Ano kaya ang magyayari sa dalawang magkaibigan? Sino kaya sa kanila ang magwawagi? Abangan lamang po ang kwentong talagang...... ngingitian ninyo at iiyakan ninyo.. RO...