Chapter 4

11 0 0
                                    

Noong malaman ni Charls na mag ch-church kami today at mukhang nayaya niya na rin ako sa wakas ay ang saya ng gaga.

"Sa may pangatlong street daw mula sa bahay nila Agradecido." sabi ko nang makalabas ako ng bahay at nandoon na si Charls, hinihintay ako.

"Alam ko 'yon, Devi. Ako bahala, d'yan lang naman 'yon." sagot niya sa akin.

Expected na alam niya 'yon, duh!



Nandito na kami sa harap ng church kung saan nagsisimba ang pamilya Agradecido. Hindi ko na rin inalam kung wala o nandito na ang mga ka groupmates ko dahil hindi ko rin naman sila close, nandito naman si Charls, p'wede na pagtyagaan.

Pumasok kami sa loob at may mga tao agad na nakapansin sa amin. Ngumiti sila at yumuko nang kaunti, mukhang binabati kami. Kaya ganoon din ang ginawa namin.

Palinga-linga lang kami dito sa loob, halatang bago pa lang kami dito.

Sa labas, ay kulay dilaw ang bahay sambahan, pero noong makapasok kami ay puti na ang dingding.

Habang nililibot ng aking paningin ang loob ng simbahan ay may nahagip akong isang tao, si Agradecido, Emerge Myles Mederi. Napansin niya agad kami kaya'y ngayon ay papalapit siya sa amin.

"Be, si Meds oh! Papunta dito sa atin." bulong ni Charls sa tabi ko, "Saan kaya kuya niya?"

"Hello, Devi!, Hello Haven." bati ni Meds nang makalapit sa amin.

Kilala niya si Charls, baka kasi certified fan ng kuya niya itong kasama ko kaya kahit si Meds kinukulit ni Charls. Hwag naman sana.

Tumango ako at hinayaang si Charls ang bumati sa kanya, "Hello, Meds. Good morning sa'yo."

"Blessed Morning." sabi ulit ni Meds habang nakangiti sa amin.

Pinaupo kami ni Meds sa may bandang gitna, hindi siya umalis malapit sa amin hanggang maka-upo kami.

Nilibot ulit ni Charls ang paningin niya sa loob ng church, mukhang napansin 'yon ni Meds kaya napatanong siya, "Ay, looking for someone, Haven?"

Sabi ko nga be, mukhang alam din ni Meds na crush ni Charls si Beau.

"Ay wala, yung ano... yung ka groupmate niyo, kasi 'di ba niyaya niyo rin 'yon sila, ayon yung sabi ni Devi sa akin." palusot ni Charls.

Napangisi si Meds, "Mayo, kanina pa sila nandito, actually ayon nga sila oh." tinuro niya yung mga tao sa harap.

Napangisi na lang ako, pangit kasi ng excuse ng kaibigan ko, bwiset HAHAHAHA.

"Pero ang isang hinahanap mo, kararating lang." sabi ni Meds habang nakatingin sa may likod, sa may pinto.

Napatingin din kami doon. 

Si Beau. Naroon si Beau.

Lumapit si Beau sa kapatid, at dahil malapit si Meds sa amin... malapit din kami kay Beau.

"Kuya, Blessed Morning! Sila De-"

"Development Zollie Desarrollo and Haven." sabat agad ni Beau.

Gulat naman ako, buong name ang sinabi sa akin.

Alam niya buong name ko? Paano? Hindi naman complete name ang na sa facebook ko. 

Kilala ko rin siya dahil kay Charls at nakasama ko siya noong elementary kami. Pero siyempre malabo na ito sa aking ala-ala.

"Yah, haha."

"Hello, Beau." si Charls habang nakangiti.

Ngumiti lang si Beau sa kanya, ngiting pilit.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now