Chapter 5

11 0 0
                                    

Reminder: 

Please expect foul words for some of the chapters in this story, even though I said this might be a godly story. Curse words are placed because of purpose. Thank you for being understanding.


֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍


Payapa naman ang ilang linggo ko. Aral-bahay lang gano'n. Hindi muna ako umaattend sa church at hinayaang si Charls pumunta. Sabi niya medyo close naman niya ang ilang tao doon. Good for her.

Ngayon ay nakahiga ako sa aming mahabang sofa. Kararating ko lang galing school so pahinga muna. Tamang scroll lang sa newsfeed ko nang biglang may ang appear na chat head, Hello, Devi. Sasali k s presentation for Nutrition Month hindi b? Sabi doon.

Nang tingnan ko ito, langhiya! Si Meds.

Agad ako nag-reply, Hnd


Nag-reply ulit siya, Ttoo ba? Nsali na kta, actually groupmates nga ulit tayo e. HA?


From Development Desarrollo: Hoy! Desisyon k? Wala akng taym sa mga presentation nayan. Ang gusto ko lng mag-aral.


Nabanggit ang Nutrition Month noong nakaraang araw sa klase. Gusto ko sana sumali ngunit noong nagpresenta ako na gusto ko mag-leader, umayaw na naman sila. Parang mga gago.

Actually naiinis ako, makita ko pa lang siya naiinis na ako. Aaminin ko na, nai-insecure ako sa kanya. He's perfect, parang lahat ng ginagawa niya smooth at pabor sa lahat hindi tulad ko na kailangang magbigay ng extra effort. Paulit-ulit? HAHAHAHA


From Mederi Agradecido: You must have. Extra curricular activity ito, alm mo nmang may extra gradesss :)


Napatigil ako sa nabasa. Alam ko, aware ako. Pero kasi bakit siya pala desisyon, paanong nag desisyon siya para sa akin. Hindi ko nga kaya maging groupmate ang isang Meds Agradecido. Maliban sa ang galing niya yata sa lahat, mukha siyang may tinatago. Social butterfly na may halong for clout lang.


From Development Desarrollo: Ano bng ggwn?

Kung mahirap, huwag na lang. Sasali na lang ako sa ibang open for groupmates.


From Mederi Agradecido: Sbi ni Haven, mrunong k ring sumayaw? :) So baka sasayaw lng tyo ng Wellness, para hindi heavy.

Sabi ni Haven? Gagi close sila?


Huminga ako nang malaim, mukhang hindi nga mahirap. Sige na nga! Sayang grades!

From Development Desarrollo: Ge.


From Mederi Agradecido: Ayon oh! Cge, gagawa ako ng groupchat, add ko lahat ng members doon pra mapag-usapan ang practice tomorrow. Thank you! God bless.


Ni-seen ko na lang after ko mabasa ang last chat niya. Bahala na bukas.


Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now