Reminder:
Please expect foul words for some of the chapters in this story, even though I said this might be a godly story. Curse words are placed because of purpose. Thank you for being understanding.
֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍
Tuluyan na akong nanahimik buong klase matapos ang ang subject na 'yon. Tarantadong mga kaklase ko, mula nang nagka-partner lang kami sa acting ay lagi na nila kaming tinutukso, bagay daw kami. Mga gago! Tao kaya ako.
Pero para sa grades, bahala na talaga! Kami naman ang may pinakamataas na score kanina.
Siyempre as usual, kasabay ko talaga si Charls umuwi. Mukhang wala pa kaming masyadong close sa klase kaya hindi pa makahanap ng kasabay para hindi na namin maistorbo ang oras ng isa't-isa kung maghihintayan pa at kung cleaners or may ibang agenda.
"Oo, gago! Gagawin ko 'yon. Bye! Alis na kami." sigaw ni Charl sa may loob ng room nila, nandito na siya sa labas.
Lumingon siya sa akin at ngumisi, tinaasan ko siya ng kilay.
Lumapit siya sa akin, "Hoy! Bagay daw kayo doon sa chismis ng kanina ha"
"Ha? Adik ka ba? Hindi ko maintindihan grammar mo." sabat ko sa kanya, hindi ko naman talaga gets, ang gulo niya!
"Hahahaha. Sensya naman. Sabi ko, may nag chismis sa akin kung anong nangyari sa room niyo kanina, plus... yung moment niyo ni Agradecido. Ayan ha, baka mainlove ka sa kanya. Ok lang 'yan friend, sa akin yung kuya, sa'yo ang bunso."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, pati ba naman itong babaeng ito mang-aasar din. Grabe, bilis ng chismis sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko at tinalikuran ko na siya.
Narinig kong sumigaw ulit siya sa kanyang kaklase na nagpapaalam at agad akong sinundan, "Hoy! Magkwento ka naman. Tinalikuran agad ako? Malay mo, fake news yung nakarating sa akin. Hindi ka man lang mag sh-share?"
Napahinto ako at nilingon siya, "Wala namang fake news sa sinabi mo maliban na lang sa 'Baka mainlove ka sa kanya' at kanina pa ako inaasar ng mga kaklase namin. Langhiya! Si Agradecido nakangisi lang, ni hindi man lang nag r-react ng 'Guys, tama na o 'di kaya'y sumosobra na kayo' nakakainis lang." umirap na lang ako sa hangin.
"Baka naman kasi gusto niya rin na inaasar siya sa'yo. Yieee kilig puki." sabi ni Charls na nasa tabi ko na ngayon.
"Gago ka! Bunganga nito."
Pagkatapos noon ay lumabas na kami ng school. Napahinto ako noong nang hawakan ni Charl ang braso ko, "Gagi. Wait lang, Dev. Si Beau oh!"
Ay, ayan na naman ulit siya.
"Bakit miss mo? E 'di ba, nag church ka sa kanila, last sunday?" tanong ko sa kanya, habang tinatanaw si Beau, hindi ko napansin noong una, pero kalaunan ay nakita ko na.
"Hindi ako naka-attend e."
"Uy, Haven." pamilyar na boses, tinawag si Charls. Napalingon din naman kami.
Gagi si Meds.
"Hindi ka um-attend last sunday ha. May nangyari ba?" seryosong tanong ni Meds sa kanya.
Lumipat ang tingin ni Meds sa kanya, "Uy, Binibining Development..." nakangisi na siya.
"Gago." pataray na sabi ko.

YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomanceAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...