Siya
Matapos naming magpalamig ay bumalik na kaming pareho sa isang mesa kung nasaan ang mga gamit namin. Hapon na kaya hindi ganoon kainit pero nakasilong pa rin kami sa ilalim ng isang malaking payong.
Bumalik ako sa aking ginagawa na pagproofread, siya naman ay kumuha ng papel at kung ano na ang kaniyang ginawa na hindi ko nasundan dahil nilamon na ako ng laptop.
"Hatid na kita," he said after we finished doing our paperwork. I was about to agree when he stopped me from talking.
"Hep hep! Bawal tumanggi!" Agap nito. Ang kamay ay nakataas pa.
"Hindi naman ako tatanggi," natatawa kong saad. He looks funny with that stunt.
Judgemental lang naman ako nung nakaraan kaya hindi ako sumasakay sa sasakyan nila dahil akala ko ay wala pa siyang lisensya. Naranasan ko na rin naman na sumakay roon ng kaming dalawa lang at masasabi ko namang maingat ito sa pagmamaneho.
"Siguro ikaw yung driver ng grupo niyo," I said as I watch him maneuver the car. He does it smoothly and skillfully.
"Not really. We take turns. Minsan kung sino ang may ari ng sasakyan na dala, iyon ang mag d-drive. They don't want their car to be driven by anyone. Lalo na si Ese."
"Ganon?" Hindi lang pala masungit ang lalaki na iyon, possessive din.
"Hmm. Apat pa lang kaming may lisensya kaya minsan pag may pupuntahan yung mga bubwit, kami ang naghahatid."
"Wow! Galing naman, may instant driver." Natatawa kong saad. Siguro minsan naghihilian ang mga ito kung sino ang maghahatid. Sa aming magkakaibigan ay wala pang marunong magmaneho kaya kapag may lakad kami ay nagcocommute pa kami. Wala kaming magawang service.
"Edi pag may lakad pala ako, call na lang kita," biro ko rito. He gave me a thumbs up and smiled victoriously.
"No worries, Aer! Sasamahan pa kita."
Biro man iyon sa paningin ng iba but I did mean it. Minsan natatanga ako sa pagcocommute dahil hindi ako maalam sa mga lugar kaya kapag may bagong lugar na pupuntahan at ako lang mag-isa ay hindi ko maiwasan magsama ng plus one para in case na mawawala ako ay may kasama ako.
It would be terrifying if I got lost alone.
"Driver na, bodyguard pa. Saan ka pa?" Sinuklian ko ito ng dalawang thumbs up. I clicked my tongue and winked.
"You cannot find someone like me twice, Aera. Limited edition ako!"
"Limited edition dahil sa lakas ng hangin?" biro ko. I like it when Shone is this full of himself because it also means that he is comfortable around me.
"Grabe naman!" He raised one of his brows and laughed.
I laughed at his reaction. Sobrang bilis magbago nung reaksyon niya. One second, mukhang nagsusungit pero after a moment, he would laugh. Lakas talaga ng tama.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Teen FictionEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...