Reminder:
Please expect foul words for some of the chapters in this story, even though I said this might be a godly story. Curse words are placed because of purpose. Thank you for being understanding.
֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍
After sunday, siyempre monday na naman. First day of the week na naman. Pero hindi kami sabay ni Charls, since hindi naman siya dumaan sa bahay nang maaga, kaya ako na lang mag-isa pumasok.
Nang makarating ako sa lobby nakita kong na maraming nakapilang estudyante. Anong meron?
"Be, Devi!" pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Hinanap ko ito at nakita ko sila Ashley at Jernine
"Anong ganap dito?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako.
"Bibisita raw dito sa school ang bandang Double M." sagot naman ni Jernine.
"Double M? Sino sila?"
"Yung Melon Meron, be. Hindi pa 'yon masyadong sikat e. Alam ko wala pa silang kanta." sabi naman ni Ashley.
"Kilala lang sila kasi marami silang song cover." dagdag ni Jernine.
Uso ba talaga ito sa high school? May pumupuntang artist sa school para i-promote ang kanilang band.
Tumango na lang ako.
Maya-maya ay nahagip namin ang aming Class President habang paakyat sa room.
"Mga be, saan kayo pupunta?" tanong niya sa amin.
"Paakyat sa room." sagot ko.
Ngumisi siya, "Manonood daw tayo ng performance ng Double M. Together with other sections, pili nga lang daw."
Lumawak ang ngisi namin 'yon oh, exempted sa klase, gold kasi kami.
"Magkita-kita na lang tayo sa baba, pumila na rin kayo roon, pakihanap ang area ng section natin. Hahanapin ko lang ibang mga classmate natin."
"Sige, see you." sagot naming tatlo.
Nandito na kami sa area na inilaan ng school para sa aming section. Hinihintay na lang namin ang iba.
Habang naghihintay, nilibot ko ang aking paningin. Doon ay napansin ko si Meds na nakangiti habang kausap ang aming kaklase, nakita ko rin siyang sumulyap sa akin. So what?
Agad naman ako tumingin sa ibang direksyon.
"Matalino!" sigaw ng presidente namin, she is referring to the name of our section.
Napatingin naman kami sa kanya, "Ayos na mga be. Magsisimula na raw." sunod niyang sabi.
Wala kaming upuan dito, dahil daw tatalon lang naman daw kami sa kanta. Ano ito, concert?
Ilang minuto ang lumipas, may naririnig kaming nagsisigawan, mas lumalakas ito. Nang inangat ko ang aking paningin sa stage, nakita ko ang isang grupo ng mga musikero. Baka ito ang sinasabi nila Double M.
"Hello Santo Tomas National High School. Kumusta kayo?" sambit ng isang lalaking may hawak ng gitara na nasa gitna.
"Waaaahhh!!!"

YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomantizmAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...