Chapter XIV

8.6K 194 1
                                    

KINABUKSAN, pumunta sa rooftop sila Tryna at Keen dahil inaya siya ng binatang doon kumain. Nagbukas na kasi ang kainan at ihawan sa rooftop para sa mga taong pumupunta roon. Hindi niya alam kung bakit siya inaya nitong kumain doon. Pinasuot pa siya nito ng kulay pula na dress. Hindi naman revealing ang dress pero bagay na bagay naman iyon sa kaniya. Ang binata ang bumili nun para suotin niya. Samantalang nakasuot naman ito ng formal suit na bumagay sa binata. Mas gumwapo pa ito lalo sa postura nito.

"Anong gusto mong kainin?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.

"Gusto ko ng isaw, inihaw na hita ng manok, inihaw na hipon, isda at malaking lobster!" Natatakam na sagot niya rito.

Nanubig ang bagang niya sa pagkatakam na ikinatawa ng binata. Tinawag nito ang serbidor at sinabi ang lahat ng order niya.

Nang makaalis ang serbidor para lutuin ang order nila, iginala niya ang mata sa paligid. Maraming mga babae't lalaki ang kumakain roon. Parang magkasintahan ang mga naroon at masayang kumakain.

Pakiramdam niya ay magkasintahan din sila ng amo niya. Uminit ang pisngi ni Tryna sa isiping iyon. Bigla niyang naalala ang panaginip sa nagdaang gabi. Napapanaginipan niya ang amo na hinahalikan at... at––napakagat-labi at napayuko na lang siya para itago ang pamumula ng mukha niya.

"Hey! Are you okay?" Tanong ni Keen sa kaniya.

"Ayos lang ako," maikling sagot niya sabay kamot ng noo.

Keen chuckled.

"Why are you blushing, honey?" Malamyos at nanunukso ang tinig na tanong nito.

'Honey'

Iyon ang narinig niyang sinasabi ng amo sa panaginip niya kagabi.

"H-hindi ah!" Tanggi niya.

Muling natawa ng mahina ang binata saka hinawakan ang kamay niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Tryna na para bang may naghahabulan sa loob.

"Bakit mo nga pala ako dinala rito?" Pag-iiba niya.

He stunned for a moment.

Kalaunan ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga saka nagsalita.

"I wanted to date you." Deretsong sagot nito.

She gasped.

"Date?" Gulat na tanong niya. "Iyong ginagawa ng magkasintahan?" Dagdag pa niya.

He smiled.

"Yes." He answered.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Anong bakit? Bawal ba kitang i-date?" Salubong ang kilay na tanong ng amo niya.

Napaiwas siya ng tingin. H-hindi naman sa ayaw niya pero kasi––hindi sila magkasintahan para mag-date sila. Isa pa, kahit slow siya minsan, tatak pa rin sa isip niya na amo niya ang binata––tulad ng sinabi ni Venice sa kaniya noon nang minsan silang nagkita sa pasilyo.

Ilang beses na siyang muntikang hamakin ng babae dahil sa amo niya. Palaging sinasabi ng babae na pag-aari nito si Keen. Sa pagkakaalam niya wala namang kasintahan ang amo niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang playboy si Keen. Kahit slow siya ay alam naman niya kung ano ang estado ng amo.

"H-hindi naman sa ganun––kaya lang, hindi tayo magkasintahan para mag-date." Nakaiwas tinging saad niya.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon