Chapter 30
Trust
"Lola!" tawag ko sa kaya habang mabilis siyang lumabas sa van.
Nakasunod ang mga kasambahay na may dalang paperbag. Hinihingal na ako sa bilis ng kilos niya muntik pa akong masaraduhan.
"Sino ba kasi 'yon, Lola at bakit ganyan ang reaksyon mo?"
Sinandig niya ang ulo sa kamay habang naka-upo na sa sofa. Pilit pinapakalma ang sarili. Namataan ko ang pagsama ng tingin ni Lola sa likod ko. Tiningnan ko ito at nahuli ko si Lolo.
"Huwag kang makialam dito, Maynard at kailangan ko lang pagbantaan. Hindi ko siya sasaktan," depensa ni Lola.
I shifted my gaze once more to Lola.
"Lola naman. Ano na naman ang pumasok sa isip mo? Sino ba kasi 'yon?!"
"Gianna, nagkita ba kayo?" puna ni Lolo.
Nasapo ko ang noo ko ng hindi nila ako kayang pansinin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila.
"Ano ba kasi iyon, La?" I once more attempt.
"Oo, Maynard. Huwag kang makialam na rito. Kailangan ko lang bantaan ang aking apo."
Pumikit si Lolo na tila walang laban sa mga salita ni Lola.
"La, ano ba kasi?"
"Ikaw Calista. Tapatin mo nga ako, may nalaman ka bang magkaugnayan sila ni Paul?"
"What?" I furrowed my brows.
"Sagutin mo ako ng maayos, Calista!"
Napaatras ako sa sigaw niya.
"Lola," pigil ko sa galit niya.
Hindi ko kayang umakyat sa bulwagan dahil sa matulis na titig niya kasabay pa ng tinig.
"Naging kayo ba ni Paul?" pagkla-klaro niya.
Lolo reacted, trying to stop whatever she wanted to tell me. Hinawi ni Lola ang kamay ni Lolo.
"What?!" sabay kalabog ng puso ko. "Hindi naging kami, La," mahinahon ko ng sagot.
"Kayo man o hindi. Bantayan mo ang magiging nobyo mo at ilayo mo sa kaibigan mo," banta niya at pinanlakihan ako ng mga mata.
"Sino ba kasi ang babaeng 'yon, La?" Umiwas siya ng tingin. "Kasal na si Victoria kay Wilbert. At bakit naman may mang-aagaw? Do you think it will be like your ex?"
"Calla," mahinahong pigil ni Lolo sa akin.
Umiling ako at diretsong tiningnan si Lola.
"Malay ko ba, Calista. Kahit may asawa na 'yan ay pwede pa iyang maghanap ng iba. Kaya protektahan mo ang gusto mo!" umuugat na ang leeg niya kakasigaw.
KUmunot ang noo ko. MY jaw clenched."Hindi siya katulad ng kaibigan mo noon, La."
"Sinasabi ko lang ang opinyon ko, Calista," sabay baling sa kaliwa at sapo sa noo.
Nanunuri ako sa bawat kilos niya.
"Lola naman e," pa irap kong ani sabay kuha ng unan sa couch at upo.
"Apo, listen. Why did you just calm down, okay?"
Natawa ako sa naiinsultong paraan. Tumingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka.
BINABASA MO ANG
Home of Hopes (Caledonia Series #1)
Teen FictionStatus: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but the truth is that when you don't want that person in this certain place and time...he will come. •Cov...