prologue

7 0 0
                                    

Nag hahanda ako para sa date namin ni Vince mamayang hapon. Ano kaya magandang suotin? Balak ko na kasi siyang sagutin, halos apat na taon na rin siyang nanliligaw.

Grade 12 siya nag start manligaw sa akin and sumunod din siya sakin sa college, same university ba. Ngayon ay third year college na kami, I'm taking mass communication and siya naman ay isang psych major.

Ay ito! Red off shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Perfect na ito, and ang romantic ng dating. Nung mag la- lunch na kami ng parents ko kaunti lang ang kinain ko para mamaya ay ma appreciate ko lalo ang foods.

"Iha, bakit naman isang sandok lang ng kanin ang kinuha mo? Mabubusog ka ba nan?" Sabi ni mama na abala sa pag hiwa ng karne.

"Ah kasi may pupuntahan kami ni Vince mamaya.." Pilit kong tinatago ang sabik at kilig sa aking tono. "Manlilibre kasi yun panigurado." Palusot ko nalang.

"Hmm ganun ba? Sige basta may matitira naman tayong ulam, initin mo nalang pag uwi mo mamaya at mag iingat din sa lakad ninyo."

"Yes ma, salamat."

Pagkatapos ng ilang oras na iniintay ko andito na ako sa mall at iniintay siya sa harap ng National Book Store, di rin nagtagal ay dumating na rin siya.

Naka green polo shirt at trouser pants siya at ang kanyang sapin sa paa ay puting sneakers na bumagay lalo sa porma niya.

"Hey sorry I'm late.. shall we?"

Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya.

Iniintay kong hingin niya ang aking kamay pero sumenyas na mauna ako maglakad.

After ng mga kalahating oras nang paglilibot habang kumakain ng ice cream ay bigla niyang hinablot ng marahan ang kanang braso ko at ako ay  napatingala sa kanya. Masyado siyang matangkad kaysa sa akin kaya medyo nahirapan akong tignan siya at nahihiya pa ako.

Bat ganito ang bilis ng tibok ng puso ko?

Gusto ko na sabihin ang sagot sa apat na taon na pinag samahan namin..

"May gusto ako sabihi-"

"I have something to sa-"

Halos sabay kami nag salita at pareho rin ang aming binigkas magkaibang lenggwahe nga lang.

"Ay sige ikaw muna. Ano sasabihin mo?" Nakangiti kong tanong at sabik na mapakinggan ang sasabihin niya.

Pupuriin niya ba ang kasuotan ko? Tatanungin na ba niya ako ulit?

Ang dami kong naiisip na tanong. Kinakabahan ako na nasasabik.

"I'm sorry.."

Ha.. bat humihingi ito ng patawad?

"Ano? Bakit? Wala ka namang ginawang hindi maganda ah."

Napabuntong hininga siya at tinignan ako ng diretso.

"I'm sorry I can't wait for your answer anymore. I have someone na."

Ha.. hayup.

Ayun broken hearted ang lola mo kahit na hindi naman naging kami. MU oo, hayup na MU yan.




My Kind of Love Where stories live. Discover now