CHAPTER I

8 1 0
                                    


Ensnared Against in a Blissful Hues



Chapter 1








O to the M to the G, He followed me!



I stalked him. And wow... A Criminology Student? Damn. Kaya naman I followed him back. Gwapo kasi, aminin na natin girls basta gwapo auto followed back! He's a basketball player din, nakita ko sa post nya. Ang lakas ng appeal nya shit!



Mayroon syang tatlong posts. He have 5.4K followers, yung sa'kin nga hindi umabot ng 1 thousand, sana all famous.



khaiser_von
Hi



Yung chat nya isang 'Hi'. Just Hi? Apaka common naman ng Hi. Ano to? May kailangan sya? Para lang syang mga nagcha chat sa'kin dati. Yung mga pa feeling close something, yung gustong manligaw sayo tapos pag magpapakipot ka, manliligaw ng iba! Kapal ng mukha. Sila yung papasok sa mundo mo tapos bigla ka ding iiwan. RIP sa inyo, mga ghost.



Come to think of it, bakit ang isang criminology student nag private message sa'kin? Sawa na ba sya sa mga education student? Sa mga nursing student? Or kaya sa kapwa nya crim student? Charottt! Awit, overthink malala.



dinanoa_davino
Hello




I replied 'Hello' because deserve ng isang Hi ang isang Hello ko. At saka Hi lng naman yung first message nya, ano ako pa yung magkakamusta? Ako yung mag question for getting to know each other? Ako kukusa? ano sya sinuswerte? Hindi naman ako yung nag first move, mga papansin. My Hello is expensive, you know.



Hindi na sya nag reply pagkatapos no'n, hindi naman nag seen. Awit Lods, ignore? Ghosting? Baka busy? Wait... Bakit nga ba ito yung pinagkakaabalahan ko? I don't give a damn about this kaya naman pinuntahan ko yung mga pinsan ko sa garden namin para manuod din ng mga fireworks. I hope maganda yung 2023 ko.



"Oh? Tapos ka ng kumain ng ubas sa ilalim ng table nyo?"



Biglang tanong ni Raven nang makita nya 'ko. Chinika ko kasi sa kanila sa group chat namin na ita-try ko yung trend na 'eating 12 grapes' thingy sa new year. Raven is my pinsan slash bestfriend. He's a boy pala. One year lang yung gap namin. Incoming 2nd year college na sya, marine engineering. While me, incoming 1st year college taking a culinary course. Ako ang susunod sa yapak ni Mama, maging isang Chef. We'll maybe nasa lahi na talaga namin sa side ni Mama ang pagiging Chef. They never forse me with this course, sariling desisyon ko 'to. I love cooking.



"Yup, ang bilis nga kasi merong nag chat sa'kin sa Instagram."



"Patingin!" hinablot nya bigla yung cellphone ko. Puta, dahan dahan iPhone yan! Pinag ipunan ko ng 2 years yan ershet ka.



Biglang lumapit si Jasper at Taylie sa'min para maki chismis. Mga chismoso't chismosa!



Mga kaibigan ko din sila slash mga pinsan ko din. Silang tatlo, pinsan ko sa side ng Papa ko. Si Jasper same age ko lang, pero incoming 2nd year college na din sya just like Raven. Kinuha nya is Agricultural Engineering. Si Taylie naman ang bunso namin, one gap lang kami pero same kami'ng incoming 1st year college. She's taking civil law.



Nakakalito ba?



Raven, born in October 11, 2003.
Jasper, born in February 06, 2004.
Me, born in December 10, 2004.
Taylie, born in October 20, 2005.



Ensnared Against in a Blissful HuesWhere stories live. Discover now