CHAPTER 5: DISGUISE.
(Kurt Dennizel Thompson po yung nasa picture. Credits po sa totoong may-ari ng picture)
Kurt's POV.
Maaga akong gumising dahil kailangan kong paghandaan ang gagawin ko. Pinaayos ko na rin yung mga damit ko sa maid namin para magbibihis na lang ako.
Napapaisip na siguro kayo kung ano ang binabalak ko. Simple lang naman, I will make that amazona girl fall in love with me. Kase kung ang mga babae naniniwala sa the way to a mans heart is through his stomach. Kami namang mga lalaki walang pinaniniwalaan na ganyan. Doon kami sa paraan na alam naming makukuha namin ang isang babae.
Kasama sa plano ko ang pag-didisguise. Naisip ko kase na hindi siya magkakagusto kung yung Kurt na kinaiinisan niya yung manliligaw sa kanya. Salamat sa tulong ng madaldal niyang kaibigan dahil nalaman ko kung anong lalaki ang makapag-papatibok sa puso niya.
Nagbihis na ako para maaga akong makaalis. Hindi muna ako papasok bilang si Kurt. Pupunta ko sa school bilang si Kian Apollo Thompson. Pangalan ng pinsan ko ang gagamitin ko. Mukha kaseng pang good boy yung pangalan nung ungas na yun 'e.
Matapos kong magbihis ay diretso na ako sa garahe para kunin ang montero sports kong kotse bigay din ito ni Daddy nung birthday ko. Sa school na ako kakain ng breakfast. Ayokong kumain dito sa bahay sesermonan lang ako ng magaling kong kapatid.
Puro sa mga babae lang naman na nagiging girlfriend ko ang sasabihin nun. Porket daw gwapo ako mananakit nako ng babae. Tss, kasalanan ko ba na gwapo ako at iniiyakan nila ko?
Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na. Hindi na ako makapag-hintay kapag nagkita kami ni Elena.
~~~~~
Lei's POV.
Pabalik na ako sa room namin. Kakagaling ko lang sa rest room. Nagre-touch lang ako sandali. Nakaka-stress kasi ang mga quizzes at activities. Sumabay pa ang paulit-ulit na pagtawag sa'kin ni Timothy at gustong makipagbalikan. Umasa pa sya na magiging kami. After ng ginawa nya sa'kin? Hinding-hindi ko na s'ya babalikan pa. Magbigti man siya, ako pa may sagot ng lubid eh.
Dahil sa masyado akong busy sa pag-aayos ng kikay kit ko. Hindi ko na namalayan na may nakabunggo akong isang lalaki.
"Sorry miss." nakayukong sabi niya. Inayos niya pa ang nerdy glass na suot niya.
"Titingin kase sa dinadaanan ha!" mataray kong sabi. Nalaglag tuloy yung mga gamit ko.
Kinuha ko yung gamit na nalaglag. Pero 'di ako na-inform na balak niya rin pa lang pulutin 'yon kaya nahawakan niya tuloy yung kamay ko..
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin rin saken at nagkatitigan kaming dalawa. Ilamg segundo rin kaming nagtitigan. Gwapo naman siya, mukhang mabait. Hindi ko namalayan na pareho na pala naming hawak ang kikay kit ko.
"Sorry." sabi niya at inabot sa akin ang kikay kit ko.
"I'm Kian and you are?" tanong niya naman. Hindi pa ako makasagot dahil nakatitig pa rin ako sa kanya. Para kaseng may kamukha siya. Pero hindi ko maalala kung sino.
"Elleina." sagot ko at inabot ang kamay niya para makipagshake-hands.
Nang maisip kong baka malate ako. Naglakad na ako at iniwan na sya 'don. Ngayon ko lang siya nakita dito. Baka naman bago lang.
Bumalik ako kaagad sa room namin. Pagkapasok ko wala pa namang teacher at ang gulo nila yung tipong gusto ko ng sigawan. Pero hindi naman ako gano'n, naglakad lang ako.
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
KurzgeschichtenHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?