Si Carla na anak ni Mang kanor, kilala sa lugar namin dahil na din sa angking kagandahan nito.
May lahing banyaga Kaya Ganoon na lang Kung lapitin ng mga kalalakihan pero sa kabila naman ay kinaiinggitan ng ilang kababaihan.
Pero h'wag ka, Kung gaano karami ang manliligaw nya ay wala ni Isa ang nagtatagal dahil sa ama nitong si mang kanor.
Pupunta ka palang sa pinto, itak na ang sasalubong sayo. Sobrang higpit sa kaisa-isahang anak nito.
At ngayon nga'y nandito kami ng bestfriend kong bading para manood ng eksena sa bahay nila ngayon, Kung nagtataka kayo Kung ano iyon ay isang manliligaw na naman ang magtatangka ngayon na bihagin ang puso ni Carla.
May ilang chismosa din ang nag-aabang sa mangyayari sa bahay nila. Dito kase saamin eh masyadong open Kaya kitang kita mo at Dinig na Dinig mo ang mga nangyayari sa kabilang bahay.
"Ano na kayang nangyari sa loob 'no?" sabi ko sa katabi ko na busy sa kakalikot ng selpon. Mukhang may nilalandi na namang lalaki.
"Hay naku! Magtatanong ka pa, so obvious naman gurl ng mangyayari why ask pa?" sabi nito na hindi man lang inalis ang mata sa selpon.
"Pwede ba h'wag mo nga akong tawaging gurl nakakasuka! Sabunutan kaya kita dyan." asar kong Sabi dito.
"Ang arte ha? Ano namang problema doon eh babae ka naman talaga? Yun nga lang babae din ang hanap."
"Kahit na, kadiri! Pogi, gusto ko tawagin mo akong pogi." Sabi ko na ikinatingin nito.
"Pogi? Saan naman banda?" sabi nito na may pang-uuyam na tingin. Asar ang bakla ng 'to, basag trip talaga.
"Ewan ko sayo! Baklang' to."
"Toh naman pikunin, sige na po Mr. PoGay hahaha." nang-aasar na Sabi nito.
Magsasalita pa Sana ako pabalik nang makuha ang atensyon ko nang nagsisigaw na lalaki na patakbong umalis sa bahay nila Carla.
"Ayy kawawa naman si pogi, mukhang tinakot naman ng husto ni Mang kanor" komento ng katabi ko.
"Kung ako nalang Sana ang niligawan nya edi Sana kami na ngayon." dagdag nito na ikinatingin ko dito.
"Ang landi mo talagang bakla ka."
"Bakit? Seryoso naman ako Kung sakali, hindi na din naman sya lugi sa akin dahil mamahalin ko sya ng buong buo, kompleto din makukuha nya pag nag cash out sya."
Agad ko naman itong nabatukan dahil sa Sinabi, siraulo talaga.
"Pero eto seryoso na, Kung ako Kay mang kanor bawas bawasan din naman nya ang kahigpitan sa anak, naku sayang din baka tumandang dalaga si ganda nyan."
"Hindi naman si mang kanor ang problema eh." sagot ko dito.
Nagtatakang tiningnan naman ako nito.
"Kundi ang mga manliligaw ni carla mismo, sus si mang kanor lang yan bat sila natatakot sa kalbong yan? May itak lang sya Kaya natatakot sa kanya ang mga tao, sabihin na din Natin na retired police sya eh ano naman?" sabi ko dito
Pansin ko naman ang paglaki ng mata nito na nakatingin sa likod ko.
" Hoy! Problema mo? "
Pero hindi nya man lang ako sinagot.
Kaya wala na akong nagawa Kundi lumingon na din Para tingnan Kung anong tinitignan ng baklitang ito.
Pero Ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko.
Huminto Ata Pati pag tibok ng puso ko.
Jusko! Kunin nyo na po ako.
Si mang kanor na seryosong nakatingin saakin ngayon habang katabi ang anak nito na may nakapaskil na pag-aalala sa mukha.
"A-ah eh magandang hapon sa inyo mang kanor at sayo din Carla, naku! Madilim na Pala hehe mauna na po kami." Sabi ko saka ko hinila si Roberto paalis sa harap ng bahay nila.
—————————
A/N: Nu masasavi nuo mga luds sa bago kong stowwy? :) penge din ako stars hihi, tenchuu. Sana mag enjoy kayo, hindi ko Alam kalalabasan nito, baka Isa na namang korning kwento na galing sa korning baklita rin hahaXDPs. Plss don't expect a lot, open ako sa kahit anong criticism, need ko lang honesty nyo regarding dito.
Susubukan kong matapos 'to, another short story na hindi ko ineexpect na magagawa.
Nagfefeeling writer na namn kase ako hahahha. Pasensya na Kung may grammatical error, wrong spellings, or ang pagkajeje ko man, minsan duling kase ako hahaha.
BINABASA MO ANG
Ang Anak ni Mang Kanor(GXG) SHORT STORY~OnGoing
Short StoryAng buhok nyang kulay ginto, mala anghel na mukha at iba pang magandang katangiang nanaisin mo sa isang babae ay nasa kanya na. Para syang nag-iisang hinog na mangga sa mga nagkukumpulang berde. Napakaswerte ng taong mamahalin nya, pero Sabi nga nil...