Background

7 0 0
                                    

Ako nga pala si Samantha Beatrice P. Ector.

Leave it to my friends to describe me. But all I can say is, I'm not like most girls.

Enough about me, matanung kita..

Naranasan mo na bang mag take ng risk dahil gusto mong subukan ang isang bagay na minsan, akala mo di mo gagawin?

Yung parang kilala ka ng mga tao bilang ganyan kaya napaka imposible na may gawin kang ganito.

Kung oo, nagsisisi ka ba? Ako, litong-lito ako. Di ko alam kung oo, o hinde. Kasi, ewan. Di ko ma-explain. Minsan kase, ok lang sa akin. Pero minsan rin, parang naiisip ko na...

hindi ako ito.

Ayaw ko sa mga ganito. Bakit? Bakit nagawa ko pa rin?

Well, baka hindi ko lang talaga kilala ang sarili ko. O baka naman gusto ko ngunit bawal.

Napakaweird ng buhay. Bipolar. Di ba pwedeng normal? yung steady lang? walang paikot-ikot, at walang problema!

Pero naisip ko.. boring ang life kung walang problema. Hindi magbabago ang mga tao. Wala. Kung chickboy, chickboy. Kung maabuso, maabuso. And nothing can change that because there is no reason to change at all. Wala kasing PROBLEMA. Walang realization na magaganap.

Pero kahit 180 kilos na problema ang ibagsak mo sa lalaking itago natin sa pangalang..

Bryce Alexander S. Fallardo, hinding hindi siya magbabago! Gago parin! Langya. 

Bigyan ko kayo ng background sa kanya..

Si Bryce, nakilala ko siya noong 1st year high school kami. Sa unang araw naming pagkikita, napakaloner niya. Mala-anghel ang mukha. Akala ko tahimik, matalino, at mabait.

Tama nabasa mo. AKALA KO LANG. langyang akala yan. -_-

Sa katunayan, 2nd year na dapat siya eh. Pero, doon sa dati niyang school, na expell siya't na retain dahil binutasan niya ang gulong ng kanilang principal. Sino ba namang gumagawa nun?! napaka old-style! Wala bang bago? pff Pa-uso!

Hindi pa kami close friends noon. Parang normal lang. Lalapit kung may kailangan sabihin. Pero di masyado ako lumalapit sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko lumapit, sadyang iniiwasan ko lang maging ka closesa mga tulad niya. May idea ba kayo kung ano siya?

Isang napakalangyang mabisyong tao. Kape ang peg. All-in-1.

Smoke, Drink and, who knows, maybe drugs, too.

Yang 1st year, may nakarelasyon yan siya. Maganda. Model. Pero, what is beauty if the brain is empty. Hindi ko hate ang girl. In fact, classmate ko siya! Friends kami. Naremember ko nga palagi siyang nagpapadrawing sa akin ng spongebob, kasi favourite ni Bryce, at doodles ng 2nd name ni Bryce habang klase eh. Hindi siya adik noh?

Pero nagiba ang lahat noong 2nd year.

At doon nagsisimula ang aking kwento, my friend...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Complicated.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon