Ama at ang anak

14 2 1
                                    

Isang araw mayroong anak na puno ng katamaran inabot ng katandaan siya sa pagaaral ng kolehiyo at mayroon nalang siyang iisang kamag-anak at ito ang kanyang Ama.

Sila ay tanging magsasaka at ginagapang ng Ama ang pag-aaral ng kanyang anak.

Isang beses kinausap ng ama ang kanyang anak ng masinsinan.

"anak kailan ka ba titino sa pag-aaral"

"Pa, babalik ba tayo sa usapang iyan nakakasawa narin pakinggan"

"anak iba na to, mamili ka ng kurso na gustong gusto mo at dapat ipagtapos mo agad at ibibigay ko ang kahit anong gustohin mo."

"ganon ba?, o sige kukunin ko po ay law, at ang kapalit e isang (lambor Gni).

Tumagaktak ang pawis ng kanyang ama at ang binanggit ay...

"Oo anak makapagtapos ka lang."

Dumaan ang panahon at nakitaan ng kanyang ama ang kanyang kasipagan.

Nakapagtapos siya ng 1st year, 2nd year hanggang makagraduate.

Sa panahon ng graduation ay...

"Anak tuwang tuwa ako at nakapagtapos kana din sa wakas"

Ngunit sa isip ng kanyang anak ay matatanggap niya ang pinag-usapan nila ng kanyang ama.

"Oo nga pa pinaghirapan ko talaga iyon."

At nagsalita ang kanyang ama..

"Ito anak ang regalo ko sayo"

Inabot niya ang isang Biblia. At nakita niyang nangangalit ang ngipin ng kanyang anak at hindi tinanggap ang biblia.

Nagsalita ang kanyang anak...

"Ano to? Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan ko ito lang?"

At nagmadali na siyang umalis at tuluyang naglayas.

Pagkatapos ng tatlong taon may natanggap na liham siya mula sa kanyang kapitbahay at nakasulat roon ay malubha ang sakit ng kanyang ama at di na tatagal ang kanyang buhay.

Ngunit nanatiling matigas ang kanyang puso, at di manlang dinalaw ang kanyang ama.

Dumaan ang panahon na namatay ang kanyang ama at hindi rin siya pumunta kahit sa libing.

Isang araw pinuntahan niya ang kanilang bahay at nakita niya roon ang sasakyan na ninanais niya. At pumasok siya sa kanilang tahanan at nasumpungan niya ang biblia na inaabot ng kanyang ama at hinawakan niya ito at binuklat.

Ng mapansin niya na may susi roon sa loob ng biblia.

At napatulo na lamang ang kanyang luha sa kanyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Much Does God Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon