2019 self: Ugh, this is katas of my pagka-jeje. Bear with this! Haha!
[1]
Hindi na ako aasa. Kaonti na lang. Kasi naisip ko, para pala akong screen at ikaw ang screen protector ng cellphone ko---malabo kapag nandyan ka, pero magagasgasan at masasaktan naman ako kapag wala ka. Sa sobrang labo mo at nating dalawa, daig pa natin ang mga pirated CDs, yung tubig na nahaluhan ng putik, mata ng mga nerd at talagang mas malabo pa tayo sa plastic labo.
Pero ang masakit, hindi ko talaga alam kung malabo ba talaga tayo. O ako lang itong nag-iisip na mayroong TAYO?
"Ally!"
"AY TAENG KALABAW KA!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa taong humawak ng balikat ko mula sa likod. Kinusot ko kaagad yung papel na pinagsusulatan ko bago ko sya tignan. "Ano ka ba naman, Ariel!"
Tumawa siya pagkatapos ay umikot para umupo sa armchair na kaharap ko. "Sorry! Nagulat pala kita." sagot nya.
"Ay hindi. Napasaya mo 'ko nun." I sarcastically smiled and rolled my eyes. "Di nag-iisip. Tsk." bulong ko.
"Okay, edi lagi na lang pala kitang gugulatin," napatingin ako sa kanya at agad na kinabahan. Hindi ko alam kung dahil ba malapit sya o sadyang malakas lang talaga ang epekto nya sa akin? "Kasi gusto kong napapasaya kita eh." saka pa sya ngumiti ng nakakasilaw. Uminit ang pisngi ko kaya tinago ko yon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay.
"Gegu." I cussed pero tumawa lang sya. Gago ka talaga, Ariel! Gago ka kasi natatanga ako kapag kaharap kita. Gago ka kasi paasa ka. Pero kung gago ka, mas gaga ako. Kasi kakasabi ko lang sa sarili ko kanina na hindi na ako aasa, pero ito nanaman ako at umiinit ang pisngi. Dahil sa'yo.
"Ano ba kase yung sinusulat mo at para kang kriminal na nagulat? Uyy. Letter para bukas?" inasar nya pa ako at sinundot-sundot ang tagiliran ko. Sumimangot ako.
"H-hindi. Tsk. Ba't naman ako gagawa ng letter para sa iba?" Para sayo kase 'to! Manhid! "Tsaka ano bang meron bukas, ha?"
"Valentines, ano ka ba!" sagot nya. Biglang may sumundot sa puso ko. Alam mo yung pakiramdam ng tumitibok pero may masakit? Gan'un. Alam ko kung anong date bukas. Ang masakit, Valentines lang ba talaga para sa kanya yung okasyon bukas? "Eh kung hindi love letter yan, patingin nga!"
Nilayo ko kaagad yung kamay ko kase tinangka nyang abutin yung nakakusot na papel. "Ayaw." sagot ko.
"Damot naman," ngumuso pa sya at eto nanaman ang siraulong puso ko, bumibilis ang tibok. "Sige na! Kukuha lang ako ng idea! May gagawan din ako ng letter eh!"
Napatigil ako saglit sa huling sinabi nya. "M-may... gagawan ka ng letter?" lumunok ako habang tinititigan sya sa mata.
"Oo." nginisian nya pa ako. "Bakit, akala mo ikaw lang?"
"Who's the girl?" I asked and try to sound like his normal friend. Ngumiti sya ng malapad at naglean-in. Dahil doon ay napaatras at napasandal ako sa armchair ko. Tumigil sya ng mga 3 inches in front of my face at tinitigan lang ang mga mata ko.
"Gusto mong malaman?" hindi ako makasagot. Pakiramdam ko tuloy hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, dagdagan pa ng pag-init ng pisngi ko. "Secret! Peram muna nito ah?" dugtong nya tsaka lumayo habang tumatawa. Winagayway nya pa sa kamay nya yung pulang nakakusot na papel na hawak ko kanina.
Nagsiakyatan lahat ng tubig sa katawan ko papuntang mata ko. I really felt like crying dahil sa inis, pero sa ilang taong tinago ko yung feelings ko sa kanya, bihasa na ako pagdating sa pagpapanggap at pagpipigil. Everything for me is clear now, lahat ng ito, laro lang para sa kanya... dahil... magkaibigan lang kami. Pero kung gan'on nga, hindi nya na kailangan pang malaman yung nararamdaman ko. Kaibigan lang, Ally. Don't hope for more.
"Tsk. Akin na yan!" tumayo ako at pilit na kinukuha sa kanya yung papel. "Wag ka nang manggaya! Plagiarism!"
"Damot mo naman, Ally. Pabasa lang naman eh! Para kanino ba 'to?!" lumaki ang mata ko at lumakas pa lalo ang tibok ng puso ko nang sinimulan nya nang buklatin yung papel sa ere.
"Wag! Teka!"
"Hmm. Para kanino kaya 'to?" tinaas nya pa lalo yung papel kaya mas lalong lumukot ang mukha ko kasi ang tangkad nya. Dahil d'on, yung balikat nya yung diniinan ko para ibaba nya yung papel ko. "Ouch! Wag kang magulo, Ally!"
"Ano'ng wag magulo?! Ariel naman eh! Ang kulit mo!" tumalon-talon ako para makuha yung papel habang tinawanan nya pa ako. Buklat na sana talaga yung papel nang...
"Ariel!" napatigil sya sa pagtaas-taas ng kamay nya kaya sinamantala ko yung chance na nag-pause sya para makuha ko yung papel mula sa kamay niya. Pagkatapos, napatingin ako d'un sa babaeng nakatayo sa may pintuan na tumawag kay Ariel. And in that moment ko lang talaga naramdaman yung sudden stab sa puso ko, lalo na nung nakita ko yung ngiti nya. Ngiti nilang may ibig sabihin, pero sila lang dalawa yung nagkakaintindihan. Alam nyo yung feeling na may spark? At nakaka-OP kapag tumabi ka sa kanilang dalawa?
"Nandito ka lang palang kumag ka!" lumapit kay Ariel si Sarah at tumawa naman silang dalawa. I felt like crying nanaman kaya tumalikod na lang ako sa kanilang dalawa tsaka bumalik ulit sa upuan ko.
"D'un ka muna sa tabi! Sandali na lang." sagot ni Ariel pagkatapos nilang mag-usap at magtawanan ni Sarah. Kinakalikot ko n'un yung bag ko at halos mapatalon ako sa gulat nang pagharap ko eh, nakaupo nanaman sya sa armrest ng armchair na kaharap ko. Leshe talaga 'tong isang 'to! Papatayin ako sa gulat!
"Ano ba! Para kang kabute!" reklamo ko at nilabas yung notebook ko bago nagsulat ng kung anu-ano. Nag-chuckle lang sya saglit tapos naging seryoso naman yung itsura.
"Ano... Ally..." napatingin ako sa kanya. Ngumuso pa sya na parang hinahanap yung words na gagamitin nya. "Magaling kang kumanta, diba?"
"Nah. Mahilig lang ako sa music." sagot ko tapos tumungo ulit para magsulat.
"Ano bang magandang kanta yung pwedeng makapagpakilig sa isang babae kapag hinarana ko sya?" napatigil ako saglit sa pagsusulat at prinocess sa utak ko yung sinabi nya. Tumibok nanaman ng masakit ang puso ko bago ko sya tinignan. "I mean-"
"M-manghaharana ka?" I asked, and again, trying to sound like his normal freaking friend. "Nice, huh? True love na talaga! Idol!" tumawa ako bago tumungo ulit at bumuntong-hininga para i-hold on ang pasaway na luha ko.
"Oo. True love na talaga 'to, Ally. Haha! So ano? Ano bang magandang kanta?" umangat ako ng tingin para kunwari mag-isip, at hindi sa mukha o mata nya para kahit papano, maitago ko naman 'tong nararamdaman ko. Pero ang gago lang dahil sya mismo ang humahabol ng titig ko.
"S-siguro yung... You Got Me na lang ni Colbie Calliat." ngumiti ako ng mapakla sa kanya bago tumungo ulit para kunwari magsulat.
"Oo nga, no?" sabi nya at pakiramdam ko, ngumiti sya. "Dabest ka talaga, Ally! Salamat ah!" naramdaman kong ginulo nya muna ang buhok ko bago sya tumakbo at lumayo. Tumakbo papunta kay Sarah. Papunta sa taong mahal nya.
"Teka, Ariel!" hinabol ko sya ng tingin sa likuran ko. Lumingon sya sa akin nang ngiting-ngiti. I tried also to smile my sweetest to him, kahit sobrang hirap. Kahit yung totoo, masakit talaga.
"Good luck." sabi ko bago humugot ng malalim na buntong hininga kasi nararamdaman ko nanaman yung taksil kong luha. "Tsaka... C-congrats. Ang swerte nya. Ang swerte n-ng babaeng gusto mo."
"Talagang swerte sya, Ally. Don't worry, ipapakilala ko sya sa'yo bukas." ngumiti ako at ngumiti din sya bago sya tumalikod at pumunta kay Sarah. Doon, nakita ko kung pano silang nagtawanan at nagkulitan.
Sobrang sakit.
Tumalikod ako sa direksyon ng mga kaklase ko at doon, sobrang naramdaman ko yung sakit. Pinigilan kong gumalaw at tumaas ang mga balikat ko para hindi nila mahalatang umiiyak ako.
Mali ito, Ally. Mali 'to dahil ikaw naman talaga ang unang nahulog. Ikaw yung unang nagpakatanga sa mga ka-sweetan nya. Ikaw yung unang kinilig sa mga banat nya. Kaya wala kang karapatang masaktan ng ganyan!
Tama.
Hindi ako dapat umiiyak ng ganito.
BINABASA MO ANG
A Weird Thing: Love (Completed)
Teen Fiction░s░h░o░r░t░ Love is a weird thing. You find someone you like and you're like, yes, I'll let this one ruin my life.