DVL23

2.4K 45 0
                                    

Sa gitna nang aming paglalaban ay napansin kong dumarami sila, nakakaramdam narin ako nang pagod.

Sa aking sobrang pagod makipaglaban ay ako'y natumba na, nasa punto narin ako nang hindi ko na kayang lumaban.

"Sandali!!! Sasama na ako!!!" sigaw ko.

Tumigel na rin sila at inalalayan na nila ako para dalhin sa kanilang kotse.

Sa gitna nang aming paglalakbay ay nakasalubong namin si Cj.

"Bitawan niyo si Yuer!!" sigaw nito.

Medyo nawala ang kaba ko dahil iniisip ko na iisa sila ni Sunlight.

Fast-forward, siya ang lumaban sa mga lalaking nakaprenda saakin.

Napansin ko na mukha siyang lampa rin kaya habang nakikipaglaban siya ay kinakabahan na ako sa nangyayari sakanya.

"Umalis ka na Yuer!!" sigaw nito saakin.

Nagdadalawa ang isip ko kung papakinggan ko siya o sa hindi dahil sa kinawawa na ito nung mga lalaki.

Dahil bugbog sarado na siya for sure na ako nanaman ang tatargetin nila kaya tumakbo ako agad kaso hinarangan ako nung isa sakanila.

"Ooppss....! Subukan mong gumalaw!!" sambit niya.

Bigla niya akong sinakal.

"Sabi ni Ma'am kung pipiliin mong magtigas ay hindi na namin kailangan dalhin ka sa kaniya, idederetso ka nalang namin sa paraiso ha!!! Hindi ba materialistic rich ka!!? Maraming bagay doon mas classy!!" saad niya habang ang higpit nitong manakal.

Naalala ko ang sinabi ni Sunlight na umarte akong wala nang buhay kung sakaling may gumawa nang ganun saakin, kaya ginawa ko rin ito.

"Ano!? Nasa parais–!!!" dagdag niya kaso naputol ito.

Nacurios naman ako kung bakit napabitaw ito nang parang may nangyari sakanyang hindi maganda.

Sumilip ako nang kunti at bumungad sa harap ko si Cj, mukhang pinokpok niya ito.

Muli kong binuklat ang aking mga mata, napansin ko na nakalantay na ang mga kalaban sa sahig.

Mukhang pagod na pagod narin si Cj.

Binatokan ko ito agad.

"Sabing ikaw yan eh!!!" sigaw ko.

Iniisip ko na siya ay si Sunlight.

"Oo na, nakilala muna ako. Umalis ka na rito... delikado..." sagot niya na ang boses nito ay hingal na hingal.

Tuwang-tuwa naman ako kaya nahawak ako  sa braso niya at inalog ko ito agad.

"Huh!! Sabe na eh!! Ayaw pang umamin!!! Matalino pala ako eh!!! Kaya palaa...!!! Bakit yan ang pinili mong personality!?" sambit ko muli.

Tinatanggal nito ang kamay ko sa braso niya.

"Nothing, I just realized na you don't need money to be happy. I just want to learn how to be satisfied, and enjoy the small things."

"Hays!! Oo nga pal–"

"Miss Yuer!!!?" boses mula sa aking likod.

Lumingon naman ako rito.

"So, ikaw nga yan... hanap po kayo sa party!? Kanina po pa kayo hinahanap." sambit ng Auctioneer.

"Dito muna ako!! Balitaan mo lang ako!!" sambito ko muna kay Cj

Kaso lumisan agad ito saaming harap na walang kibo kaya sumabay narin ako sa Auctioneer.

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon