Prologue

18 0 0
                                    


“Yancy, you have to make it fast. Tinatahak mo na ang huling kanto. You have to get the killer before entering the pier,” Agent C commanded on the other line.

“I got it,” sagot ko habang hindi mapigilan ang aking pag-irap.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng aking sasakyan. If he really enters the pier, it will be too late for us to change the situation.

His target is the latest technology of the Mozanas Corporation. Its a kind of high-end weapon. Preliminary inspection was done here in Spain. It has to be sent to Germany for further improvement and modification. The suspect’s plan must to destroy the technology if they can’t get it.

The report was too sudden na hindi man lang kami nakaplano or nakapaghanda pa. Nakapasok na sa loob ng defense perimeter ang suspect nang maibigay sa amin ang tip. So instead asking why it was sent late, I decided to ran after him myself. In this kind of scenario, blaming others is not an option.

The speed of our cars are at maximum. But with the current situation, imposibleng mahabol ko pa siya. So, I can only resort to the last chance.

“Yancy, Yancy! Anong gagawin mo? That’s dangerous! You can’t do it!” Kaice exclaimed.

“I’ve got no other choice, Kaice.” sagot ko sa kanya.

I set the car’s engine into auto-pilot. Tumayo ako sa kotse at inasinta ng baril ang kalaban.

“Ms. Milan, the suspect is a suicide killer. He is carrying a pressure bomb that will explode once adequate pressure is applied!,” Chester informed me but its too late.

“Tell them to put a barricade in the pier’s entrance! I’ll try to keep my distance before it explode,” sabi ko at pinakawalan na ang bala. I shot his head at 100 meter distance.

When a pressure bomb explodes, it releases a great pressure and impact. At his current speed, bumangga ang kotse niya sa kalapit na poste at sumabog. Mabilis din akong kumaliwa upang iwasan ang impact but it was so great at tumilapon pa ako sa dagat. I felt the numbing pain then I lost consciousness.. everything went black.

. . .

“Yanzhi.. Yanzhi.. Yanzhi.. Anong maipagmamalaki mo? Eh isa ka lang namang anak ng 4th rank concubine sa Palasyo!” sabi ng 2nd rank Princess.

“Kahit na isa kang prinsesa, never kang magiging ka level namin!” panunuya rin ng 3rd rank princess.

Naipikit ko ang aking mga mata. Bukod sa pangungutya nila ay tanging agos ng ilog ang aking naririnig. Sanay na ako sa ginagawa nila. Hindi ko nga alam kung bakit ako lang ang inaaway nila eh hindi naman nila pinapakialaman ang anak ni 5th concubine Zu at 6th Rank concubine Min. Kung tutuusin, magkakapatid kaming lahat sa ama, ang emperor.

“Kasi loser ka, mahina! Katulad ka rin ng ina mong si Princess Yin! Namatay siya dahil ayaw niya sa bobong anak katulad mo!” duro sa akin ni Li Yulan.

Anak siya ng 8th Concubine Youyan. Kahit 8th rank ang ina ni Yulan ay sikat pa din ito dahil sa angking talino nito sa pag-awit at pagsayaw. Kilala din siya sa iba pang kaharian. Ganun na lang nila na kutyain ang ina ko dahil Prinsesa ito ng nagdaang dynasty. Pero ang mas alam kong dahilan ay mas close kami ni Papa.

When I was younger, we used to play a lot.

Kapag namatayan ka ng ina, para ka na ding nawalang ng paa. The family on the mother’s side is our backbone. Pero the family in my mother’s side were annhilated kaya wala na akong laban. Unless may “title” ka aside from your formal title as a princess.

Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung pinapakialaman ang aking ina. Sinamaan ko sila ng tingin at ikinuyom ang aking mga kamao.

“Aba! Lalaban ka na ha!” sigaw ni Yulan at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

“Ano ba! Bitiwan niyo ako!” sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya ngunit hinawakan din ako ng mahigpit ng iba pa.

Kahit pa na tinuruan ako ni Papa na kung paano makipaglaban ay mahina pa din ako. Isa pa ay napakarami nila. Malapit kami sa dulo ng palasyo kung saan dumadaloy ang bukana ng ilog. Buong lakas akong kumawala sa pagkakahawak nila pero itinulak ako ni Yulan sa tubig.

“Aahh!!!!” sigaw ko. Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyari at nawalan na ako ng malay habang lumulubog sa tubig.

ܞܞܞ

    
Author's note

Thank you for reading. Feel free to leave any comments and it will be greatly appreciated. Also I hope you don't mind the grammatical errors. Hehehee 🤗

Also, I'll update twice a week. The chapter one will be published within the day..

Princess AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon