Chapter 35 - Sorry na

38 5 0
                                    

[ Krystel's POV ]

Maaga na naman akong pumasok kasi iniiwasan ko nga si Lei.Iniiwasan ko yong pagkamanyak niya.

Gusto kasi niyang sunduin ako papasok sa School.Buti nalang at hindi kami nagkikita kasi may practice sila maghapon para sa audition ng battle of the band nila ngayong year na to.

Kong nandidiri ako sa pagpapakasweet niya,mas nandidiri ako sa pagiging manyakis niya.Hindi lang sa nandidiri ako sa kanya.

Ano kasi.Ah basta parang bigla akong tinamaan ng kahihiyan.Buset naman kasi!Nahihiya ako kasi nahawakan na niya yong isang precious part ng katawan ko.At ang nakakahiya pa doon eh nalaman niyang flat chested ako.

Gumagamit kasi ako ng bra na may foam,hindi lang niya kasi hinawakan.Pinisil niya pa kasi.

Napahawak nalang ako sa chest ko.Hinawakan kong mabuti,kahit anong gawin ko sobrang liit talaga.Bakit ba ang liit?

"Tanggap mo na ba na flat chested ka?"

"Maybe?"

Akala ko may biglang yumakap sa akin yon pala may nagtali lang ng jacket sa bewang ko sa likod ko.

"Hindi bale nang Flat chested ka,malaki naman sa likod"

O_O teka nga.Napalingon ako sa likod ko at.

"Wag mo akong lalapitan manyakis ka ! "

Lumayo ako kay Lei.Buset andito na naman tong manyakis na ito.Hindi parin tumitigil sa pagiging manyakis !

"Teka lang babs,pwede naman kasing pervert eh ! Ang cheap kaya ng manya --- "

"Tanga Ininglish mo lang ! Parehas lang din yon.Wag ka na ngang choosy"

"Babs naman --"

"Lalalalalala"

Tinakpan ko yong tenga ko at nagkakakanta at kunwari walang naririnig.

"Babs naman Sorry na,wag mo na akong iwasa---"

"WAG KA SABING LALAPIT!"

Nong lalapit na sana siya,tinanggal ko yong jacket niya at binato sa kanya.

Tumakbo na ako palayo sa kanya.Napatingin ako sa paligid,nakakapagtaka.Bakit wala pang studyante dito sa academy?Halos lahat ng buildings sarado pa.

Siguro masyado pang maaga.Dumiretso muna ako sa Room namin para tumambay,mamaya sundan pa ako ng manyakis na yon.

Pagkatapat ko sa pintuan ng Classroom namin may naglagay na naman ng jacket sa bewang ko.

"Ano bang problema mong manyakis ka?"

Medyo inis na tanong ko kay Lei.Tatanggalin ko na sana yong jacket kaso pinigilan niya ako.

"Wag mo munang tanggalin babs"

"At bakit ? "

"Ah,eh k-kasi ano.May tagos ka"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.OMG nakalimutan ko nga palang maglagay ng bread kanina bago pumasok.Shemmss nakakahiya.Sa sobrang kahihiyan binuksan ko nalang yong pintuan.

Dederetso na sana ako sa Cr kaso nagulat ako sa nakita ko sa loob.

Napatingin uli ako kay Lei.

"Babs Sorry na" he appologized sincerely

Pagkabukas ko ng pinto,bumungad sa akin yong mga nagsiliparang baloons na may nakataling papel na may nakasulat na mga letrang

"S O R R Y N A K R Y S T E L"

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon