Sabine's POV
"Ma, alis na po ako."
"Sige baby, ingat ka ah."
Naku naman. Baby? Itong laki kong ito? Kahit medyo payatot ako pero ay ewan! Di pa ako nasanay. Papunta ako ngayon sa isang mall sa isang di kalayuang lugar para bumili ng mga kailangan kong gamitin sa play namin. Kinakabahan na talaga ako parang gusto kong laktawan ang August. Whew. Medyo kabisado ko naman na yung mga linya ko kaso parang gusto ko laging maihi kapag nag-papractice na kami ni Cyrus. Okay na rin pala kami ni besfriend. Haaayyyy. Ibalik na lang sa dati ang lahat para walang problema. Okay din naman kami ni Red. Yabang nga nun eh. Feel na feel ang pagiging Elias eh tsugi din naman siya sa dulo.
"Look, who's here?"
Pagtingin ko naman sa may gilid ko may nakita akong hindi kanai-nais. Kaya tiningnan ko na lang ulit yung damit na tinitingnan ko. Hindi kasi nakasama si Jasmine sa akin kasi busy siya sa pag-papractice nung rape scene niya. Haha. Kailangan ko tuloy mag-solo flight dito.
"Best, is she the one?" You are the one that I've been waiting for my whole life through... Lesbiana ata itong kasama ni Nadine ah. Anong ako yung the one? Wala sa akin yung flush ng toilet bowl.
"Yes, Paula. Siya yung nalilink kay Red."
Paula? Paula? Paula? Homaygad. Napatingin tuloy ako sa kanila. In fairness maganda naman siya yun nga lang mukhang yun lang ang asset niya. After ko silang titigan eh aalis na sana ako kaso lang baka akalain naman ni Paula na bastos ako.
"Saang gossip site mo naman nabasa yan Nadine?"
"It's all over the net! Pinag-uusapan din kayo sa fan page ng school natin sa facebook! If I know alam mo ang lahat ng ito and you're adding fuel to the fire."
"Ah ganun ba? Ikaw ba si Paula? May narinig akong tsismis na niloko ka daw ni Red. Ipinagpalit sa isang matronang ubod ng yaman." hehe
"What? That is so not true! Red's a good guy! He'll never do that to me! Sinong nagkalat ng tsismis na yan?"
"Si Nadine."
Tapos tiningnan niya naman yung BFF niya. Totoo naman yung sinabi ko. May rumors talaga na ganun about sa Ex ni Red. Hindi ko lang sure about doon sa matrona part pero tinanong ko kasi kay Cyrus kung ano pa yung sinabi ng haliparot niyang girlfriend tapos yun nga nakwento niya yung mga sinabi ni Nadine about Red which were all lies.
"Well, it's true. Niloko ka ni Red."
"No, he didn't." Oh noez. Kailangan ko na yatang umexit.
"Ah, alis na ako."
"Saglit lang!" Na-shock naman ako kay Paula. Kailangan talagang sumigaw sa loob ng mall?
"Best, he didn't okay? Wag kang nagkakalat ng rumors about him! You might end up hurting him! Kapag nasaktan mo siya that means you've hurt me too. I'll be mad at you for the rest of my life. Baka hindi na ako kausapin ni Red kapag nalaman niyang my BFF is spreading rumors about him! I can't take that!"
Kailangan ba talagang masaksihan ko ang kadramahang ito?
"And? It's still a fact that he made you cry! I can't take that too! And I even sacrificied so much.”
Ano daw?
"What are you saying?" Tapos tiningnan ako ni Nadine.
"I'll tell you some other time."
Gusto niya rin si Red kaya nagpaubaya siya? Ang dami namang nagkakagusto kay kumag.
"Oh, your name is Sabine, right? I won't let you have Red. He's mine. I'll do everything to make him come back to me. After all, he won't date a commoner like you." Ay ganun? Ako? Commoner?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?