Chap5

101 12 0
                                    

"What are those?" sabi ni Carla sabay turo sa isang stall ng tuhog tuhog sa Kanto.

"Street foods, ihaw. Kumakain ka ba nyan? gusto mong Itry?" sagot ko.

"Nakita ko na din ang ganito dati pero never ko pang nasubukang kainin. Mahigpit si Dad pagdating sa pagkain eh."

"Kung ganon ito na ang oras para tumikim ka. Sabi nga nila hindi kompleto ang pagpunta o pagtira mo sa pilipinas Kung hindi mo man lang naranasang kainin ang mga Street foods na tulad nito." Sabi ko sabay turo sa mga nakatuhog na paninda.

Hinila ko kase sya Para makalapit kami.
Madami ding mga bumibili na napapatingin sa kasama ko. Agaw pansin kase.

Ang ganda naman kase sa suot nitong floral dress, nakapin ang buhok nitong wavy sa gilid na kulay brown at may pagkablonde, parang pinaghalo Ganon, plus ang kutis nitong malagatas.

Kumuha naman ako ng isang isaw at nilagay sa ihawan nagsama narin ako ng tig-Isa ring BBQ at maskara ng baboy. Kilala naman ako ni manong dahil suki na ako sa kanya Kaya hinahayaan na nya ako minsan.

"Eto subukan mo 'tong fishball, masarap' to." Sabi ko saka ko nilapit ang tinusok kong kapiraso sa bibig nito.

Napatingin muna ito sa akin at sa kamay ko bago sinubo.

Medyo napapakunot ang noo nito habang ngumunguya kaya bigla akong napaisip na baka hindi nya nagustuhan.

" Hmmm I like it! Ang sarap." Sabi nito.

Napahinga naman ako ng maluwag sa Sinabi nito.

Oo nga Pala inaya ko syang mamasyal ngayon. Kami lang dahil may pinuntahan din si Roberto.

Kasama Sana sya Gaya ng kagustuhan ni Mang kanor pero pumayag din sa huli dahil sa pakiusap ng anak.

Pero bago kami napunta dito ay, binalaan nya muna ako na kapag nasaktan o may nakita man lang syang galos sa anak nya ay matitikman ko daw ang itak nya.

Kaya eto kami ngayon sa Parke, Sinabi din nya na gusto nyang Itry yung iba pang filipino foods at ito ang naisip kong gawin.

Kumain lang kami at panaka-nakang  nag-uusap, nagtatanong din kase sya about sa pagkain.

"Nag enjoy ka ba?" sabi ko dito.

Tumingin muna ito sa akin saglit bago ako sinagot.

"Yup, thank you Ali!"

"Ali?" sabi ko.

Natawa naman ito sa Sinabi ko. Pansin nya siguro ang pagtataka sa mukha ko.

"Hmm Ali in short of Alita, mas bagay kase sayo yung Ali kesa sa Alita masyadong girly hahaha."

Natulala naman ako nang tumawa ito.

Ano pa ba ang maipipintas sayo?

Siguro lahat na ng kagandahan ay nasa kanya na. Talaga namang maswerte ang taong mamahalin nya.

"Ganon ba?" sabi ko.

Tumango naman ito Kaya napangiti na lang ako.

Nasa harap na kami ng bahay nila at yung papa nya ay halatang kanina pa naghihintay sa may gate. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi, nakakatakot na naman kase yung hitsura nya.

Lumapit ito sa amin na hindi inaalis ang tingin.

Sa aura nya na halatang karespetado-respetado talagang kakabahan ka.

"Magandang hapon Mang kanor." bati ko dito.

Tumango lang ito tsaka bumaling ng tingin sa anak.

"Pumasok na tayo." Sabi nito.

"Ah Carla, mang kanor mauna na po ako. Salamat po ulit sa pagpayag na ipasyal ko si Carla." singit ko dito.

Hindi naman nagtagal pa at umuwi na rin ako. Bago ako makarating sa bahay ay nakasalubong ko muna si Roberto.

"Baklaaa!!! Kamusta ang date?" sabi nito na may nakakalokog ngiti sa labi.

"Date mo mukha mo."

Mukhang inabangan pa ako Para mang-asar.

"Asuussss! Kahit hindi mo man sabihin knows ko na kinilig ka sa date nyo, aminin mo nalang kase na type mo si ganda."

"Pwede ba wag mo ako simulan Roberto, andyan ka na naman sa mga pang-aasar mo."


Napairap naman ito sa Sinabi ko.

"It's Berta! Kaloka makauwi na nga baka masira pa beauty ko sayo, may kikitain pa akong fafa mamaya." Sabi nito na agad tumalikod.


Kita ko naman ang pagkumpas ng balakang nyang may foam sa gilid. Bakla talaga.

Ang Anak ni Mang Kanor(GXG) SHORT STORY~OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon