DELIA
Maaga akong umalis ng bahay para pumasok, nauna pa ako kay Luna. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Ngayon na alam ko na na si Harry ang papakasalan ko ay dapat ay matuwa ako ngunit parang may pag alinlangan parin ako, hindi ko alam ang gagawin ko.
Dumaan muna ako sa MM cafe para bumili ng Mocha Cookie Crumble ko. Nakasanayan ko na to na 'bis na kape ang iinomin sa umaga ay ito ang binibili ko.
Pag tapos kong umorder ay umupo ako sa gilid ng wall glass kung saan kitang-kita ko ang mga dumadaang sasakyan sa labas.
I sipped my frappe and look outside again to unwind my mind. Bakit ba ako nagugulohan? I deeply sighed to calm myself.
"Ano bang iniisip mo na parang pasan- pasan mo ang mundo?”
Napaangat ang tingin ko at halos mapatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko si Primo na nakaupo sa harap ko habang may hawak-hawak na kape.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh! Bakit nandito 'to? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"P-Primo... Kanina ka pa riyan?"
Sumimsim muna siya ng kape bago ako nginitian at nag salita. "Actually kanina pa ako nakasunod sa 'yo mula pa sa labas. Hindi mo lang ako napapansin,” aniya at pinatong ang kape niya sa ibabaw ng mesa.
"So kumusta ka? Are you okay now?" tanong nito. Namula ako dahil sa tanong niya. Taena! Parang walang nangyari ah. Kumusta ba kung masakit ang little baby ko? Matapos niya akong ararohin mangangamusta? Butasan ko kaya tagiliran nito.
"I-I'm fine,”'sagot ko at tumayo. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
“I'm sorry,” biglang sabi niya.
Napatanga naman ako dahil doon.
Parang nainis ako sa sinabi niya. He's sorry dahil nakuha niya na ang gusto niya sa 'kin?Binawi ko ang braso ko at tinignan siya ng masama. "Jerk!" i uttered and runaway.
Ano ba ang eni-expect ko sa babaerong lalaki na 'yon? Taena naman kasi Delia ang bobo mo!
Pag labas ko ay agad akong nag para ng taxi ngunit hindi muna ako dumeretso sa set. Mamayang hapon pa naman ang taping kaya ayos lang maaga pa naman at ayoko pang makita ang pagmumukha niya!
Bumaba ako sa sea side malapit sa likod ng MOA. Tinanggal ko ang sapatos ko at bumaba sa mga bato.Buti pa rito ang tahimik nakaka relax.
Lumapit ako sa dalampasigan at umupo. It's so relaxing. This is the best place pag magulo ang utak. When i'm in London pag may problema ako lalo na no’ng umalis si Harry ay palagi akong tumatakas sa palasyo at mag beach ng mag isa dahil doon gumagaan ang pakiramdam ko."Delia!" Napalingon ako at nakita ko si Primo na papalapit sa sa 'kin. Bigla akong napatayo dahilan upang madulas ako sa bato.
Sobrang bilis ng pangyayari, napamulat na lang ako na hawak- hawak na ako ni Primo.
"Dahan-dahan kasi!" aniya na bakas sa tono ang pag-aalala. Agad akong napaatras nang mabitawan niya ako.
Lumayo ako sa kaniya nang isang metro at muling umupo sa bato.
"Hey? Are you mad?" tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin. Nakakainis! Bakit ba ako nag iinarte?
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
“Look. I'm sorry, I'm sorry dahil nag take advantage ako sa 'yo. Huwag mo isipin na ginawa lang kitang parausan ko.”
Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko dahil sa inis sa narinig ko. The term parausan, nakaka insulto nakakababa ng pagkababae.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 2: Primo Youseff ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)
Ficción GeneralPRIMO YOUSEFF is the ultimate chic boy actor-model who hasn't had a serious relationship because for him, it's just a fling with no strings attached. He believes that a career is more important and should take precedence over love. Until one day, a...