"Ano ba yan ang boring naman, talagang kumain lang kayo tapos umuwi agad? Hindi na ako magtataka na wala kang jowa. Siguro nung nagpaulan ng kalandian ay nasa hulihan ka." Sabi ni Roberto.
Nagkekwentuhan kase kami ngayon sa balkonahe ng kanilang bahay.
At eto nga nagtanong Kung anong nangyari kahapon Kaya wala na akong nagawa Kundi ikwento.
" Paano naman kase eh inangkin mo lahat ng kalandian. "Sabi ko.
Inirapan naman ako nito.
Kung titingnan mas maarte pa sya sa totoong babae. Hindi naman maganda, may make-up lang.
Pero seryoso, magandang lalaki din naman sana sya kase Sabi ng mama nya nung naglilihi daw sya ay pinaglilihian nya ang picture ni ion veneracion kaso nga lang nag brownout Kaya ayun napurnada.
"Alam mo naman Kung gaano kahigpit si mang kanor, buti nga pinagbigyan ako na ilabas anak nya kaso may time limit at 3 hours lang at dapat saktong alas singko ay nasa bahay na nila kami."
"Mahabang oras na din yun bakla, hindi lang pagkain ang magagawa nyo, bat hindi mo inaya sa perya?" sabi nito.
"Sira ka ba? Eh Alam mo naman na Gabi na sila nag ooperate."
"Ay oo nga pala, pero kahit na! Next time dalhin mo naman sa ibang lugar hindi puro sa Kanto lang, ang cheap mo ha?"
Napairap naman ako sa Sinabi nito.
"Oo na."
"Oo nga Pala hindi ka ba pupunta sa kanila ngayon?" pag iiba ng topic nito.
"Ano gagawin ko doon?"
"Eh diba nanliligaw ka?"
"Dapat ba araw-araw nanliligaw?"
"Ay tanga! Malamang!" Sabi nito.
Napalatak naman ito sa noo na parang pinasakit ko pa ulo nya.
Eh sa wala akong Alam tungkol sa panliligaw, tsaka baka mainis pa sa akin si mang kanor Kung lagi nya akong makikita sa pamamahay nila.
"Ano ba gagawin ko? Alam mo naman na wala akong ka idea idea sa panliligaw eh, bat hindi mo Kaya ako tulungan?" sabi ko.
Sya naman may pasimuno nito eh.
"Alam mo my dear friend, Paano ka matututo Kung aasa ka lang sa iba. It's time to shine Sabi nga ni Layla. Gawin mo ang sa tingin mo na magugustuhan nya."
"Paano ko naman malalaman Kung anong gusto nya?" naguguluhan na tanong ko dito.
"Edi ask her duhhh!?"
Hinila ko naman ang buhok nito dahil sa Sinabi.
"Ouch! Bakla ka mapanakit ka ha? Kung hindi lang kita frenny baka ginantihan na kita." irap na Sabi nito.
"Ang arte mo kase, ang Sama na nga sa Mata ng make-ups mo tapos dadagdagan mo pa ng kaartehan, Daig mo pa babae eh."
"Excuse me, FYI babae ako. Isinilang akong lalaki pero ang puso ko ay babae, kaloka ka!" Sabi nito.
Pasuklay suklay ito sa mahabang buhok na abot balikat. Sa totoo lang muntik nang mapatay si Roberto ng papa nya dahil sa nalaman na bakla ang bunso nya, junior pa naman ng papa nya Kaya Ganoon na lang ito magalit pero sa huli natanggap din naman Kaya masaya ako na ok na sya sa pamilya nya.
Iba ang Saya kapag tanggap ka ng pamilya mo eh.
Pero ang nakakalungkot lang eh mahirap, marami ang hindi tanggap, na sarado ang isip sa mga tulad naming transformer, dejoke LGBTQ yun.
Ganon siguro talaga.
Sabi nga ng iba masyadong unfair ang mundo.
Pero hindi... Dahil ang totoo
Ang tao ang unfair.
Wala sa Mundo ang problema kundi nasa tao.
Wala namang ibang magsisisihan kundi tayo tayo, ano naman ang kasalanan ng Mundo diba?
"Hoy!"
Nabalik naman ako sa ulirat ng tapikin ako sa balikat ni Roberto. Kaya Napatingin ako dito.
Kita kong nakatingin ito sa harap Kaya wala sa ano'y napalingon na din ako.
"Mang kanor?" sabi ko.
Tama kayo dahil andito si mang kanor sa Harap namin. Nakakagulat naman ang taong toh parang bigla bigla na lamang sumusulpot.
"Ano po pala sadya nyo mang kanor?" sabi ng kasama ko.
"Aalis ako, Kung pwede Sana doon na muna kayo sa bahay Roberto dahil walang kasama ang anak ko." Sabi nito.
Napangiwi naman si Roberto sa tinawag nito sa kanya Kaya napatawa nalang ako sa isip.
Tulad ko, kilala din ni Mang kanor si Roberto dahil mas malapit bahay nila Roberto sa kanila at minsan na rin nito nadalaw dito. Yung papa kase ni Roberto eh pulis din Kaya magkakilala si mang kanor at ang papa nya Kaya sabihin nalang natin na may tiwala si mang kanor Kay Roberto.
"Ah eh sige po mang kanor, makakaasa po kayo." sagot nito.
Tumingin muna ito sa akin bago nagpasyang umalis.
Hindi ko Alam kung Para saan yun pero sa uri ng tingin nya ay tingin ko isang pagbanta iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Anak ni Mang Kanor(GXG) SHORT STORY~OnGoing
Historia CortaAng buhok nyang kulay ginto, mala anghel na mukha at iba pang magandang katangiang nanaisin mo sa isang babae ay nasa kanya na. Para syang nag-iisang hinog na mangga sa mga nagkukumpulang berde. Napakaswerte ng taong mamahalin nya, pero Sabi nga nil...