"Mag meryenda muna kayo Ali at Berta." Sabi ni Carla sabay lapag ng dalawang baso ng juice tsaka cookies sa harap namin.
Nasa bahay nila kami Gaya na din sa pakiusap ng ama nito.
Mabuti na lang din at wala kaming ginagawa ni Roberto at nakatambay lang ngayon.
"Nag abala ka pa Carla, salamat." Sabi ko.
Iyong Isa kase nilantakan na ang pagkaing hinanda nung Isa. Hindi man lang nahiya eh.
"Hindi ka man lang ba naboboryo dito?" tanong ko.
Masyadong tahimik kase, at pansin ko lang na hindi palakausap si Carla. Kung hindi ka magfifirst move eh walang mangyayari.
"Hmm minsan pero nasanay na din naman ako na laging nandito sa bahay, tanging kaharap ang TV at minsan ang ilang gadgets." Sabi nito saka sumimsim ng juice.
"Hindi ka na ba nag-aaral?" tanong ko.
Basta may matanong yun na.
May part sa akin na gusto din talaga syang makilala.
"Hindi ko na natapos pa, actually tapos na Sana ako if hindi lang nawala si mama, nakaapekto kase ang pagkawala ni mama sa pag-aaral ko, napabayaan ko kase." Sabi nito.
Kita ko naman ang pagbakas ng lungkot sa mukha nito Kaya hindi ko maiwasang magsisi, tingin ko masyadong sensitive pa para sa kanya ang bagay na iyon, ang pagkawala ng mama nya.
" Pasensya na. "
Napatingin naman ito sa akin.
" Bakit ka nagsosorry?"
Napakamot muna ako sa sintido bago sumagot.
"Eh kase mukhang nabuksan ko pa ang sugat dyan?" sabi ko sabay nguso sa dibdib nya. Napasunod naman sya dito at namulang nag-iwas ng tingin.
"Bakit ka namumula? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
Bakas pa rin kase ang pamumula ng mukha nya.
Naka Rinig naman ako ng tikhim sa tabi ko Kaya napalingon ako Kay Roberto na may ngisi sa labi.
"Bakit?"
"Hahahha Wala, bakit? Masama ba tumingin sayo?" sabi nito.
"Oo Kung ganyan ba namang mukha ang titingin sa akin." Sabi ko Kaya nakatanggap naman ako ng hampas dito.
"Pero Kung si Carla ok lang?"
"Ah oo.... Teka huh? Pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ako bakla.".
Hindi pa rin mabura ang nakakalokong ngiti nito Kaya inalis ko nalang ang tingin dito. Nakakabwisit kase ang pagmumukha nya.
Lagi nyang tinutulak na may gusto ako Kay Carla na wala naman talaga. Lakas mang-asar eh.
" Ang cute nyong tignan. " Sabi ng boses sa harap namin.
Si Carla na nakangiting nakatingin sa amin.
Parang natutuwa pa nga na nag-aasaran kami.
"Iww anong cute ganda? I'm beautiful not cute." Sabi nung Isa.
"Feelingera talaga." bulong ko pero narinig din naman ng katabi ko Kaya nahampas nya na naman ako sa braso.
"Aray ha! Dati maarte ka lang ngayon sadista ka na, yan ba ang epekto ng pagpipills sayo?"
"Panira ka kase, inggiterang palaka." irap na Sabi nito.
Muli ay narinig ko ang mabining tawa nang nasa harap namin.
Wala sa ano'y napangiti ako sa nasilayan.
Ewan ko pero gusto kong masilayan muli ang mga ngiting iyon Kaya gagawa ako ng paraan Para makita kong muli ang matatamis na ngiting iyon.
Dahil Doon pakiramdam ko abswelto na si Roberto sa mga pangbibwisit nya. Kung ngiti lang naman nya ang kabayaran, handa akong paghirapan ang lahat kahit tanggapin pa mga pang-aalaska ni Roberto basta't masilayan ko lamang ito.
BINABASA MO ANG
Ang Anak ni Mang Kanor(GXG) SHORT STORY~OnGoing
Short StoryAng buhok nyang kulay ginto, mala anghel na mukha at iba pang magandang katangiang nanaisin mo sa isang babae ay nasa kanya na. Para syang nag-iisang hinog na mangga sa mga nagkukumpulang berde. Napakaswerte ng taong mamahalin nya, pero Sabi nga nil...