Chapter 47
Wedding
.....................................................
"Salamat Vladd.." sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko.
Madaling araw na kami nakarating ni Vladd sa Baler. Tahimik lang ako sa biahe, hindi rin naman ako nakatulog agad. Nadatnan ako ni Vladd sa carpark kagabi. Medyo tumahan naman na ako, nagmumuni nalang ako nung datnan niya ko. Hindi na sya nag-usisa pa. Wala rin naman akong balak magkwento dahil baka maiyak nanaman ako. Inaya ko na siya noon umuwi tsaka nagpaalam na rin sya sa ibang kakilala. Hindi ko na muling nakita pa sila Brayden at yung Rufine, baka busy nadin sila. Sabi ng management ay makukuha ko raw nextweek ang porsyento ko sa bidding.
"Anything for you, basta kapag ready kana, magkwento ka lang hah. Andito lang ako..." saka niya hinawakan ang kamay ko.
Tumango ako at ngumiti. "Goodnight.. Ingat ka sa pag-uwi" sabi ko lang at kumaway na sakanya.
KINAUMAGAHAN ay tanghali na ako nagising. Umiyak nanaman kasi ako pagkadating eh. Hindi ako matigil sa pag-iyak dahil sa naiisip ko iyong nangyari. Fiancée na nya si Rufine? Why so sudden? Agad niya akong nalimutan? Nakuha niya lang ang gusto niya tapos kakalimutan nalang ng ganun-ganun lang?
Naiyak nanaman ako, kagigising palang ay masakit nanaman ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan pero parang milyun-milyong punyal ang tumutusok sa dibdib ko. Ang mga luha ko namang traydor ay tila parang talon na tuloy-tuloy lang sa pagbagsak. Magang-magang rin siguro ang mga mata ko. Humiga nanaman ako, tinatamad ako pumasok sa shop ngayon.
Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto ko.
"Ate...." mahinahong sabi ni Maricon.
Tinatamad akong bumangon at binuksan ang door knob. Bumungad sakin ang kunot-noong mukha ng kapatid ko.
"Bakit?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko.
"May bisita ka.." sabi niya lang.
"Sino? Si Vladd?" tanong ko. Usually si Vladd lang naman ang bumibisita sakin these past few days. Si Mildred at Hera kasi ay busy sa kani-kanilang buhay. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan nila.
Umiling si Maricon at umirap. Hindi si Vladd? Eh sino naman
"Okay. Sabihin mo mag-aayos lang ako" sabi ko tsaka sinara ulit ang pinto ko. Naligo na ako at nagbihis. Binilisan ko lang mag-ayos para hindi na paghintayin pa ang bisita ko. Nakaka-curious tuloy. Sino naman kaya iyon?
Nagsuot lang ako ng short shorts at plain white loose shirt. Medyo basa pa ang buhok ko nang lumabas sa kwarto.
Nasa sala na ako ng mahagip ang isang babaeng nakatalikod. I think nagbabasa siya ng mga magazines na nasa lamesa. Meron na ring juice at cookies roon.
Agad akong kinabahan. Kilala ko siya' ang likod na yan ay naimemorya ko na kahit saglit ko palang nakikita. Ang buhok na akala ko ash blonde ay light blonde pala. Siguro ay dahil lang sa ilaw kaya ko nasabing ash.
Tumikhim ako. Tumingin siya saakin.
"Oh' Hi!" nakangiting bati niya. Lumabas ang pantay niyang mga ngipin' meron din siyang malalalim na dimples sa gilid ng labi. Ang cute niya' ang hahaba din ng pilik-mata niya. Bigla akong ginapangan ng insekuridad. Feeling ko nanliit ako sakanya. She's like a beauty queen. Ang kulay niya ay parang gatas na sa puti. Ngayon mas nakita ko na siya ng ganto kalapit ay hindi ko mapigilang humanga. Naka-joni jeans lang siya at isang cute na crop top.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤