Chapter 8

8 0 0
                                    

Simula noong araw na 'yon, mas lalong kaming inaasar ng mga kaklase namin. Minsan naiinis ako pero mukhang nasasanay na rin. Hindi ko rin alam, parang ayos lang sa akin kung asarin man nila kami o hindi. Mukhang wala rin namang pake si Meds, nangingiti pa ang hayop.

Tapos na rin pala ang first periodical exam namin, as usual madali lang naman for me, knowing na nag-aaral talaga ako nang matino. Sana kayo rin.

Nandito ako sa school namin, kasabay ko pala today si Charls— na kanina pa nag ra-rant na nahirapan daw siya sa math. Huh? Dali-dali lang no'n e, mga integers at set lang 'yon dahil wala pa naman kami sa algebra.

"Ilan ka kaya, Devi— sa mga exam?" tanong niya habang umaakyat kami papunta sa klase.

"I don't know, kahit ano, basta mataas." sabi ko.

"What if hindi na ikaw ang nakakuha ng highest score?" balik niyang tanong sa akin.

Napatingin ako sa kanya, nakita kong nakataas ang kilay niya na nakititig sa akin at parang desperado sa sagot ko. Bakit hindi ako ang makakakuha ng higher score?

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, si Mederi. Alam natin na Valedictorian din siya sa Christian School nila back elementary. Palong-palo rin 'yon sa klase."

Oo nga ano. What if hindi ako ang highest sa exam? Or Worst hindi na ako ang top one?

"Hindi ko rin alam. Kung gano'n ang tadhanang para sa akin... ay tatanggapin ko na lang." sabi ko habang naglalakad nang mabagal. Malamang hindi ko tanggap, gusto ko lagi ako ang top one.  Ako ang pinaka sa lahat.

"O siya, papasok na ako sa room ha." sabi ni Charls, napalingon ako sa kanya, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng classroom nila.

"Ay nga pala, Devi. Hindi ka magaling magtago ng feelings. Pinapakaba lang kita, nag-overthink ka agad." nakangising sabi niya.

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya at tinalikuran ko na lang siya.



Nang makarating ako sa silid-aralan namin ay umupo na agad ako sa upuang nakatalaga sa akin.

Pumasok ang unang naming teacher, bumati kami sa kanya, at nang maka-upo kami ay agad siyang nagsalita, "Matalino, marami ang nakakuha sa inyo ng mataas na score sa exam. Expected naman iyon. Class President, paki-kuha ito."  nakita kong may  inabot siya sa aming Class President.

Test paper namin?

"Paki-announce ng mga scores. Mula lowest hanggang highest 'yan. 39 over 50 naman ang lowest, pasado pa rin 'yon class. Keep it up." sabi ng aming guro.

"Ok po, Ma'am." sabi ng aming Presidente at nagsimula na siya mag-announce ng mga score.

Alam kong hindi mababa ang score na nakuha ko kaya chill lang ako habang nakikinig sa kanya.

"four left na lang." sabi niya.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bakit kaya???

"Lopez, 46 over 50."

Nag palakpakan ang mga kaklase namin. Mataas na rin 'yon, not gonna lie.

Pero kinakabahan pa rin ako, gusto ko kasi na ako ang highest. Hindi lang dito sa exam, kung hindi pati na rin sa lahat ng bagay.

"Marcelo, 48 over 50" nag palakpakan ulit sila.

"Dalawa na lang ang natitira, sino kaya sa inyo ni Desarrollo at Agradecido ang highest?" tanong ng isa naming kaklase, medyo malakas ang boses nito. Kaya napatingin ang iba naming kaklase kung saan kami naka-upo.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now