Chapter 9

10 1 0
                                    

Another day na naman. Wala naman nagbago, panay kwento pa rin si Charls sa akin tungkol sa crush niyang si Beau Galen Agradecido. Nakaka-attend na rin paminsan-minsan si Charls sa church nila Meds at Beau. I wonder bakit hindi siya consistent sa pag-attend?

Hindi ko na lang itatanong, baka pareho lang kami, hindi pa comfortable sa ibang place with ibang tao. Pero good for her, sana naman ay totoong nagsisimba talaga siya at hindi lang si Beau ang habol niya.


Ilang days na ang nakalipas nang magkaalaman na ng scores sa periodic exam namin. At ito, ilang days na rin noong magkatabi kami ni Meds sa isang subject, dito pa talga sa likod— ayaw ko nga sa likod e!

Walang akong magagawa malamang sa alamang. Kaya tiis-tiis lang,self.

Second to the last subject namin at pumasok ang aming guro. Dumaretso siya sa harap at nagsalita, "Class, may gagawin kayong presentation. Radio Presentation..." tuloy-tuloy siya sa pag-explain ng gagawin namin. Kami naman ay tango nang tango.

"Lastly, by partner ito, even numbers naman total niyo, kaya lahat talaga may partner. Kayo na bahala kung sino ang partner niyo." nang marinig namin 'yon ay agad nagbulungan ang mga kaklase ko na parang nag pa-plano na sila na lang ang mag partner.

Agad kong tiningan si Ashley, nang makita niya ako ay tinuro niya agad ang kaharap niyang kaklase namin, mukhang nakakuha agad siya ng ka-partner ha!

Tumango na lang ako tumingin naman kay Jernine. Mga ilang segundo bago siya napatingin sa gawi ko, tinaas ko ang kilay ko para magbigay hiwatig na tayo na lang ang mag-partner,be!

Napangiwi siya at nagkamot ng kilay, sabay nguso sa katabi, may ka-partner na rin siya.

Bahala na! Hindi ko naman kasi masyadong close ang mga kaklase ko. Mabait naman si Sir, alam kong magtatanong 'yan mamaya kung sino pa walang pang partner. Matatalino naman mga kaklase, star section kaya ito ano!

Makalipas ng ilang minuto ay biglang nagsalita si Sir, "Section Matalino, tapos na kayo maghanap ng partner? Sino pa ang walang partner?" sabi na.

O hindi ba't magtatanong si Sir!

Agad kong tinaas ang aking kamay para ipaalam sa kanya. Na-istatwa ako nang mapansing dadalawa lang kaming nakataas ang kamay... Si Meds!

Inilibot ko ang aking paningin para maghanap kung sino pa ang walang partner din. Please sana meron pa!!!

Nang wala akong makita ay binaba ko agad ang aking braso, so no choice ulit?

"Mukhang kayo na lang ang walang partner, Agradecido at Desarrollo. O siya, kayo na lang." sabi ni Ma'am habang nakangisi sa amin.

"Ayon oh! Sila na lang!" sigaw na naman ng isang kaklase namin.

"Ayyiiee!!!" dagdag ng ilan, mga hayop!

Nakita kong tumango na lang siya, kaya napatango na rin ako.

"Ok, class. Gamitin niyo itong time ko para mag-usap at pagplanuhan ang gagawin niyong radio presentation. Huwag lang kayo masyadong maingay at baka puntahan tayo ng mga tao sa kabilang room at faculty."

"Ok, Sir. Salamat po." sagot namin sa kanya.



Lumingon ako kay Meds, "Game. Anong plano?" casual na tanong ko.

Hindi naman na ako naiilang kay Meds. Medyo nakaka-usap ko na siya. Especially dito sa last subject namin. Minsan dinadaldal niya ako, ang daming tanong, ang dami niyang chika. Niyaya niya ulit ako na magsimba since nandoon din naman si Charls.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now