Chapter 13

364 16 2
                                    

Belle's POV

Night life.

Isang karanasan na hinayaan kong lumampas sa buhay ko. Kung tutuusin pwede pa naman akong mag party party ngayon pero siguro mas gugustuhin ko na lang na gamitin ang oras ko sa trabaho at sa asawa ko.

Pero dahil nasa Boracay kami, hindi maiiwasan na matukso sa malalakas na tugtog at kahit masakit sa mata ay kaaya ayang pagsayaw ng mga makukulay na ilaw.

Malayo sa buhay na gusto ko kaso nandito na eh. Might as well enjoy it na lang.

Kasalukuyan kaming nasa isang bar ni Vincent dahil katatapos lang daming mag dinner sa restaurant na malapit rin dito. Napatingin ako sa kanya habang umiinom sya ng tequila. Hindi pa rin kami nag uusap tungkol sa mga nangyari kanina. Masyado sigurong naging mabilis lahat lalo na ang pagpunta namin dito na kailanman ay hindi ko inasahan.

Napaisip ako bigla. Paano kung may mga babae ngang dumaan sa buhay ni Vincent sa loob ng pitong taon na hindi kami magkasama? Pero hindi yun ang nagpapaka kaba sakin ng sobra. Napabuntong hininga ako. Paano kung... paano kung may dumaan ngang ibang babae sa kanya ngunit may namukod tangi sa pitong taon na yon? Paano kung yun ang tinutukoy ni daddy na "Tori"? Kakayanin ko ba? Paano kung dumating ang oras na kailangang mamili sa amin ni Vincent at hindi ako ang piliin nya? Tatanggapin ko na lang ba o ipaglalaban ko sya?

Sa sobrang pag iisip ay naagaw ko kay Vincent ang bagong serve na tequila at nilagok yun ng isang deretso. Halos bumaliktad ang sikmura ko ng malasahan ko ang mapait nitong lasa. Inabot naman kagad sakin ni Vincent ang isang baso na may iced tea. Ininom ko na lang yun kahit hindi masyadong nakatulong dahil nakakasunog sa lalamunan ang tapang ng alak.

"Why did you do that?" nabalik naman ng kaunti ang isip ko sa realidad ng magsalita si Vincent habang nakakunot ang noo at halata ang pagkairita sa mukha.

"I just felt like doing it." Mas lalo namang lumalim ang mga kunot sa kanyang noo. Sinubukan kong tumingin sa kanya ng deretso ngunit ramdam ko na ang unti unting pag ikot ng aking paningin. Paano natitiis ng ibang tao na lumaklak ng ilang bote ng alak gayong isang shot glass lang ay parang gugustuhin mo ng matulog habang buhay sa labis na pagkahilo?

"Tell me Belle, ginagawa mo rin ba ito dati? Nainom ka na ng alak?" may diin ang paglabas ng bawat salita na parang pag hindi nya nagustuhan ang aking sagot ay makakasuntok na sya ng kung ano mang maaabot ng kanyang kamao.

"What? Of course not. You know me, Vincent. Hindi ko kayang mag - inom. Nagulat lang talaga ako kaya yan ang nahagip ng kamay ko." Magtatanong pa sana sya pero nag paalam ako na pupunta ng restroom. Pakiramdam ko kasi ay masusuka ako na hindi.

Pagkalabas ko ng restroom ay may naramdaman akong kakaiba. Ewan. Hindi ko sya maintindihan. Iginala ko na lang ang paningin ko sa paligid upang masiguro na walang masamang mangyayari sakin. Palabas na sana ako ng corridor ng may narinig akong lalaki at babaeng nag uusap sa wikang Chinese. Hindi ako bihasa sa lenggwaheng ito pero naintindihan ko ang iba rito. Gayon na lamang ang gulat ko ng maintindihan ko ang isang pangungusap bago matapos ang kanilang pag - uusap.

"All the bombs here will explode in a few minutes babe."

A/N: Sorry kung sobrang maikli lang 'to guys. Inaantok na kasi ako haha. Saka pasensya na rin kung maiiksi ang chapters ko. Ewan ko ba. Feeling ko kasi mahaba na yun pero sabi nyo maiksi pa. Naninibago rin siguro ako dahil ang tagal kong tumigil sa pagsusulat. Pero don't worry. I assure you na mahaba na ang next chapter. Ganun talaga siguro pag puro bitin ang UD (though maiksi talaga 'tong chapter na 'to)

Written by: dazzledeyez

When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon