PROLOGUE

44 2 0
                                    


NAKATINGIN lang sa flat screen television si Ayanie dahil balita na naman ang nasabing apat na kalalakihan na tinatawag na NEWS dahil ilan sa mga malalaking kaso ang nalutas ng apat na binata.

'Siguro ay dapat na akong humingi ng tulong sa kanila pero paano kung NEWS lang ang tanging alam ko sa kanilang apat?'

Napatingin siya sa mga kahon na naglalaman ng mga pagbabanta sa buhay niya na ngayon ay nasa trash bin na sa kusina niya.

Nang una, akala niya ay isa lamang regalo ang natanggap niya dahil nakakahon 'yon ngunit nang buksan niya ay isang patay na pusa ang nakalagay sa loob ng kahon kasama ang isang link na kalaunan ay napagtanto niyang hindi lang basta link---isa iyong hidden message.

'cffe70d8a8046beb5879bc6b23585381'

Ngunit hindi niya malaman ang nilalaman ng sulat na iyon dahil wala siyang alam sa mga gano'ng bagay.

Pansamantala niya munang binalewala iyon dahil ayaw niyang magpadala sa takot na nararamdaman. Naisipan niya munang lumabas ng bahay niya at magpunta sa malapit na cafe nang may makabangga siyang isang binata.

"I'm sorry, Miss," agad na pagpapaumanhin ng binata nang biglang may dumating na dalawang kamukha nito.

"Dude, saan---oh, you are Ms. Ayanie Loraine Chan, right?" saad nang isang binata nang makita siya. May dala itong bag ng laptop na nakasabit sa isang balikat nito

Alanganin naman siyang tumango dahil baka ito na ang nagpapadala ng mga patay na hayop at sulat sa kaniya.

"You look...scared," puna ng isa pang binata habang nakatingin sa kaniya. "Any problem? May be we can help you."

Hindi niya alam kung sasabihin niya sa mga ito ang problema niya dahil hindi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan ba ang tatlong binatang kaharap.

"Trust issues, eh? Don't worry, you can trust us," saad ng binatang nakabangga niya. "To gain your trust, let me tell you a secret," dagdag pa nito at lumapit sa kaniya saka bumulong sa tainga niya, "I am South of NEWS. That one is East." Tinuro nito ang isang binata na agad namang kumaway at sunod na iminuwestra nito ang kamay sa isa pang binata na siyang may dalang bag ng laptop. "And  that one is West."

'South, East, West...nasaan ang North?'

Tila nabasa naman ng binatang kaharap na nagngangalang South ang iniisip niya. "North...or should I say Ran? Whatever, he's in his house," saad nito at nagkibit-balikat.

Napaisip siya sa alok na tulong ng mga binata ngunit ayaw niya rin ng basta na lang na tulong kaya naisipan niyang magkaroon ng deal sa pagitan niya at ng tatlong binata.

"I'll accept the offer but I'll pay," saad niya na pansamantalang ikinatahimik ng tatlong binata. "I need a bodyguard. Don't worry, magbabayad ako."

"North can do the job," tugon ng sa tingin niya ay si East. "Deal, Ms. Chan."

"What? Alam ba ni...North 'to?" Nag-aalangang tanong niya.

Umiling si East. "Nope. But we decided for him, so wala na siyang choice. Kapag umayaw siya, he'll pay. So care to tell us your problem?"

Tumango siya at isinama ang tatlong binata sa bahay niya. Akmang magsasalita na siya nang sumingit ang sa tingin niya ay si West.

"Wait, puwede ko bang pakialaman ang CCTV sa bahay mo?" tanong nito at wala siyang magawa kung hindi ang tumango. Nang ilabas nito ang laptop nito at nag-umpisang magtipa ay nagsalubong ang kilay nito. "Fvck! May ibang tao pa bang may access sa CCTV ng bahay mo?"

Umiling naman siya. "Wala maliban sa mga guards."

Ilang minuto pa itong nagtipa sa kaharap na laptop kaya napatingin siya sa CCTV na nasa loob ng bahay niya at napansing nakapatay na ang mga ito. "Now talk. Wala ng ibang makakarinig ng usapan."

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon