CHAPTER 2

16 0 0
                                    


BUONG maghapon ay nasa loob lang ng bahay si Ayanie at nag-iikot-ikot sa paligid ng bahay pati ang bakuran at natagpuan niya na lang ang sarili sa poolside ng bahay ni North. Namangha na talaga siya sa pagkakagawa ng bahay ng binata dahil kung titingnan mula sa labas ay mukhang maliit at simple lang ito pero ngayong naiikot nya ang loob ay may kalakihan din pala ang sinakop nitong space.

"Enjoying the view?"

Napalingon siya sa binata na nakasuot ng usual outfit nito na sleeveless shirt kaya kita ang braso nitong halatang alagang gym at sa pang-ibaba ay jersey shorts. Magulo ang buhok nito at mukhang hahabulin ng suklay na ikinatawa niya ng mahina.

Napansin iyon ng binata kaya sinuklay nito ang sariling buhok gamit ang kamay at doon ay nakita niya ang nakatagong hikaw na natatakpan ng magulong buhok nito.

"May hikaw ka pala?" saad niya saka lumapit sa puwesto ng binata habang ang mga mata ay nasa tainga ng binata---sa hikaw nito.

Tumango ang binata. "Yeah, since highschool."

Hindi niya napigilan ang sarili at hinawakan ang tainga nito kung nasaan ang hikaw na ikinagulat ng binata.

"What do you think you're doing?" sita ng binata sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin at hinawakan lang ang hikaw sa tainga nito.

'Ang ganda ng design, lakas maka-badboy.'

Pero sa kalagitnaan ng kanilang tahimik na paligid ay bigla silang nakarinig ng ilang putok ng baril na mula sa harap ng bahay kaya agad siyang hinawakan ni North at hinila papasok sa loob ng bahay.

"Fvck! Don't ever show yourselves to me, bastard. I'll fvcking kill you!" madiing bulong ng binata saka siya hinila paakyat at hinarap siya. "Go to your room, woman. H'wag kang lalabas hanggat may naririnig kang putok ng baril."

Napatango naman siya dahil hindi na ito bago sa kaniya. Sa dami ba naman ng gustong pumatay sa kaniya ay magugulat pa ba siya sa biglaang pagpapaulan ng bala ng baril.

'Be safe, North.'

GIGIL na binuksan ni North ang nag-iisang itim na pinto sa bahay niya at kinuha ang mga baril sa isa sa mga lalagyan na naroon dahil ayaw tumigil ng mga bumabaril, balak yatang lagyan ng butas ang buong bahay niya.

"Get yourselves ready, m0therfvckers. Hindi niyo yata kilala ang kinakalaban niyo."

Lumabas siya na may hawak na baril ang magkabilang kamay, limang magasin na puno ng bala ang naka-strap sa kaliwang hita at tatlong pocket knife na naka-strap sa kanang hita niya na natatakpan ng suot na jersey shorts.

Nang makitang may dalawang motor na dala-dalawa ang sakay at isang van ang nakaparada sa harap ng bahay niya ay napamura siya.

"Fvcking shit! Talagang pinaghandaan ng mga gago ang pagbisita."

Nang makita siya ng isa sa mga nakasakay sa motor ay agad siyang pinaputukan na mabilis niya namang naiwasan at nakapagtago sa pinakamalapit na pader.

"Damn it!" daing niya nang tumama ang likod niya sa matigas na pader.

"Bata, ilabas mo na lang ang anak ni Mr. Chan. Ikaw lang ang kawawa kapag ipinagpatuloy pa natin 'to. Ikaw lang ang mahihirapan!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakasakay sa van.

"Don't tell me what to do! Hindi ko ibibigay sa inyo ang gusto niyo!" sigaw niya pabalik. Wala siyang pakialam kung patayan ang gustong mangyari ng mga lalaking 'yon, hindi niya ibibigay si Ayanie dahil mula nang binigyan niya ito ng kuwarto sa bahay niya ay kargo niya na ang dalaga.

"Sige, paulanan ng bala iyan! Patay kung patay basta kunin niyo ang pakay natin dito!" sigaw ng kausap niya.

Naging sunod-sunod ang pagbaril nila sa tinataguan niya kaya nang sa tingin niya ay kailangan na nilang magpalit ng magasin ay siya naman ang lumabas at pinaulanan ng bala ang mga nakamotor at binaril ang gulong ng van para hindi makaalis ang mga ito.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon