CHAPTER 3

16 0 0
                                    


MATAPOS tawagan ni North ang mga mag-aayos ng basag na bintana ay binalikan niya ang dalaga at inabutan itong sinasampal ang sariling pisngi na ikinatawa niya.

'Weird but cute.'

Napapailing-iling na lang siya habang mahinang natatawa saka dumiretso sa kusina para maghanda ng meryenda nila ng dalaga.

Pagkatapos niyang maghanda ng meryenda ay siya ring pagdating ng mga mag-aayos ng basag na bintana sa bahay niya. Agad kumilos ang grupong dumating na may dala pang mga materyales para sa paglilinis at pag-aayos habang siya ay hinahanap ang dalaga na wala na sa puwesto nito nang huli niya itong makita.

"That stubborn woman," bulong niya at agad nagtungo sa kuwarto ng dalaga, nagbabaka-sakaling naroon ang dalaga ngunit wala siyang nakita ro'n pagpasok niya sa nasabing silid kaya naisipan niyang magpunta sa labas ng bahay niya---sa poolside kung saan niya ito nakita minsan na nakatayo at nakatingin lang sa swimming pool.

Hindi nga siya nagkamali ng pagpunta ro'n dahil nadatnan niya ang dalaga na nakaupo sa gilid ng swimming pool habang ang mga paa nito ay nakalubog sa tubig.

"What are you doing here?" tanong niya habang lumalapit sa dalaga at naupo sa tabi nito.

Lumingon naman ang dalaga at tiningnan siya saka ito matamis na ngumiti na pansamantala niyang ikinahinto. "Nothing. Hindi ko lang ine-expect na magkakaroon ako ng ganitong klaseng buhay at...ganyang klase ng bodyguard," saad nito at iminuwestra ang kamay sa kaniya.

"Gaano katagal ka na nakakatanggap ng death threats?" pag-iiba niya sa usapan dahil hindi niya alam ang isasagot sa sinabi ng dalaga.

"Weeks? Months? Years? Hindi ko na alam," sagot nito at nagkibit-balikat pa kaya napabuntong-hininga na lang siya. 

'What now, North? Mag-isip ka pa ng topic, hindi puwedeng maging awkward.'

"Paano mo nakilala ang mga kapatid ko?" tanong niya ulit sa dalaga.

"I don't know. Basta nakabanggaan ko lang si South sa daan malapit sa bahay ko tapos sumunod na nakita ko ay sina East at West na kasunod ni South," tugon ng dalaga habang nilalaro ang mga paang nakalubog sa tubig. "At first, I don't trust your brothers. Mahirap ng magtiwala lalo na kung maraming gustong pumatay sa akin."

"Kung may trust issue ka, bakit  pinili mong sumama at magtiwala sa mga kapatid ko?" muling tanong niya.

Napangiti naman ang dalaga. "Dahil ipinagkatiwala rin nila sa akin ang mga identity nila...or mas magandang sabihin na mga identity niyo. You guys are famous for solving cases kaya sigurado ring maraming humahabol sa inyong magkakapatid."

Tumango naman siya. "Yeah, that's why we chose this job that we have right now. This way, we can protect each other and our family. Anyway, may meryenda na sa kusina. Let's go?" pag-aya niya sa dalaga at nauna nang tumayo saka nilahad ang kamay sa harap ng dalaga na tinanggap naman nito.

Sabay silang pumasok at dumiretso sa kusina kung saan naghihintay ang nakahandang meryenda. Ngunit sa kalagitnaan nang pagkain nila ng meryenda ay bigla na namang nagtanong ang dalaga.

"Are you serious about what you said?" tanong nito na ikinahinto niya at nagtatakang bumaling sa dalaga.

"What?" balik tanong niya dahil hindi niya alam ang tinutukoy nito.

"The boundary between your personal life and work," saad nito at doon niya lang naintindihan ang tinatanong ng dalaga.

Napatango-tango naman siya saka sumagot. "Yeah, I'm serious. Ayaw kong nagugulo ang oras na para sa trabaho at oras para sa sarili ko."

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon