CHAPTER 4

13 0 0
                                    


KINABUKASAN ay nagtatakang nakatingin si Ayanie kay North na mukhang puyat dahil sa hitsura nito.

"Good morning," bati niya sa binata na nakatingin lang sa laptop nito.

"Morning," tipid na tugon nito na abala pa rin sa harap ng nakabukas na laptop.

Dumiretso siya sa kusina at nakitang malinis pa ang paligid.

'Mukhang hindi pa siya nag-aalmusal.'

Nagsimula siyang maghanap ng mga pagkaing puwede niyang iluto para sa almusal nila ng binata at ang nahanap niya ay bacon, itlog at ang tirang kanin.

Pinrito niya ang bacon at itlog saka isinangag ang tirang kanin. Ilang minuto pa ay natapos na siya kaya inihain niya na ang mga niluto sa mesa saka binalikan ang binatang abala pa rin sa ginagawa nito.

"North, breakfast is ready," saad niya ngunit 'di siya pinansin ng binata kaya nilapitan niya ito at pinitik sa tainga na ikinalingon nito.

Pansamantala siyang natulala dahil sa paglingon nito. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't-isa na ikinahinto niya at napalunok na lang.

"Ayanie," bulong ng binata na hindi niya matugunan dahil nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa guwapong mukha ng binata.

Sunod na naramdaman niya na lang ay ang paglapat ng malambot na bagay sa labi niya at nang matauhan ay wala na ang binata sa harap niya.

Napakurap-kurap siya saka napahawak sa labi niya.

'Hinalikan ako ni...North?'

Tulala siyang naglalakad papunta sa kusina at nadatnan ang binata na nakatulala rin habang nakatingin lang sa mga pagkain sa harap nito.

Napailing-iling siya saka tumikhim bago naupo sa kaharap na upuan ng binata at nag-umpisang maglagay ng pagkain sa dalawang plato---tig-isa sila ni North.

Nagsimulang kumain ang binata at pansin niya ang pagmamadali nito na ipinagtaka niya. Nang matapos ito ay agad itong bumalik sa kinauupuan nito kanina sa harap ng nakabukas pa rin na laptop nito.

'May mali ba sa ginawa ko? O dahil sa nangyaring...kiss?'

NAPAPASABUNOT na lang sa sariling buhok si North dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang paghalik sa dalaga.

'Bakit ko ba ginawa 'yon? Fvcking sh*t! This feels fvcking awkward!'

Biglang nag-ring ang phone niya at nakitang si East 'yon kaya agad niyang sinagot, "Hello?"

Narinig niya ang gulo sa kabilang linya na ikinakunot ng noo niya.

"East, what's happening?" tanong niya dahil maingay pa rin.

"Brother-dear, why did you kiss her?!"

Nailayo niya ang phone sa tainga niya dahil sa sigaw ni East. Pero gano'n na lang ang gulat niya at sunod-sunod na napamura nang ma-realize ang sinabi ng kapatid.

"Matatalo ako sa ginagawa mo!" rinig niya ang sigaw ulit ni East mula sa kabilang linya.

"Matatalo?" puna niya sa sinabi nito. "What do you mean?"

Matagal na tahimik ang kabilang linya bago sumagot ang kakambal, "Nevermind. Just...don't do it again, brother dear." Saka nito pinatay ang tawag.

Napatingin siya sa mga CCTV sa bahay niya at ipinakita ang gitnang daliri na siguradong nakikita ng mga kakambal niya.

Hindi nga siya nagkamali dahil nakatanggap siya ng tatlong mensahe---isa-isa mula sa mga kakambal niya na iisa lang rin ang nilalaman.

'Fvck you too, brother-dear!'

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon