Chapter 3

1 0 0
                                    

Ren pov:

Another morning and I'm here sitting at the couch, watching my best friend walking like a model infront of the tv.

"Lia pwede bang umalis ka jan sa harap, nakita mong nanonood yung tao eh." Naiinis kong sabi sakanya at hinanda na yung remote para ibato sa kanya.

"Oh come on little ren tell me what outfit is good for me." Sabi nya at nagpost pa sa harap ko na parang baliw na hindi nakainom ng gamot.

"The jogging pants and the white t-shirt will do" pagsakay ko nalang sa kalokohan nya.

"Oh i told ya the first one is more beautiful and will fit for, but still im gonna wear this cute hoodie." Sabi nya at niyakap pa nga yung sarili, parang natuluyan na ata tong best friend ko.

"Asking me a question yet you still going to wear the same thing, are you crazy?" Sarcastikong sabi ko dahil banas na talaga ako sa babaeng to hindi parin umaalis sa harap ng tv.

"Tinanong ko lang naman hindi ko sinabi na susuotin ko kung ano matipuhan mo, kaya ito ang susuotin ko whahahaha" parang baliw syang tumawa pagtapos magsabi ng walang kwentang bagay.

"Fine just get out of my sight, now!" mahinahon kong sabi and she better do what i said kung ayaw nyang magkabukol bago umalis.

Umalis naman sya sa harap ng tv pero tumabi naman sakin, anong problema nanaman neto.

"Ren..." Pabitin nyang sabi sakin. Umusog sya sakin ng kaunti tapos tumayo sa ibabaw ng sofa at talontalon doon.

"What is it again. You know, it seems like i need to take you to a mental institution" sabi ko habang nanonood.

" Kaw naman parang hindi kaibigan" pagpapacute pa nya habang umuupo pero hindi ko pinansin.

"Ano ba kasi yun, atsaka hindi ka pa ba aalis? Anong oras na oh" sabi ko at tinabig yung kamay nya nung nagtangka syang yumakap sa braso ko.

"Sure ka na bang hindi ka sasama" tanong nya kaya lumingon ako sakanya nakanguso sya sinusubukan atang mapapayag ako.

"Nope, at umalis ka na dahil hindi mo talaga ako mapapa-payag" sabi ko at sumenyas sa kanya na lumayas na sya.

"Psh, bahala ka na nga jan aalis nako, maiwan ka dito magisa" sabi nya at padabog na tumayo at naglakad pa labas ng bahay.

Narinig ko yung pagsarado ng pinto kaya alam kong nakaalis na sya, pero maya maya lang nakarinig ako ng pagbukas ulit ng pinto kaya napalingon ako.

"What?" Tanong ko, kala ko ba nakaalis nato?!

"Grabe ang sama mo talagang kaibigan, hindi ka manlang magba-babye sakin" nakasimangot nyang reklamo, tingnan mo to sya nga yung umalis ng walang sabi sabing babye tapos sakin magre-reklamo.

"Sige na umalis ka na, babye na" pagsuko ko nalang dahil hindi yan aalis kapag walang babye.

"Okay babye see you next week" nakangiti nyang sabi at nagwave pa nga talaga parang bata lang.

"Hmm, sige na tsu" pagtaboy ko sakanya. "Lock mo yung pinto ah" pahabol ko pa, baka makalimutan nanaman nya.

"Aye aye captain" sabi nya sabay salute.

Nang isara na nya yung pinto ay binalik ko yung tingin sa tv. Tumingin ako sa wall clock, alas nuwebe na pala.

Balak ko sanang bumili ng pagkain kaso tirik ata yung araw sa labas, masakit pa naman sa mata.

Siguro mamayang alas quatro nalang, manonood nalang ako magdamag tapos kain.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The UnionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon