"Kailan ka ba titigil sa pagtakbo sa akin Aldrich Lian."
"Ehh Ikaw?! Kailan kaba titigil sa paghabol sa akin?!"
"Kuya...."
"Caleb? Anong ginagawa mo rito?"
"Narito ako upang makipagkita kay Lian..."
"Makipagkita? Kung ganoon matagal mo ng alam kung nasaan siya?"
"Kuya Chase, mamaya na natin ito pag-usapan. May nagmamasid sa atin."
Pana Estate
Beatrice May Pana
"Nasaan si Caleb?!" sigaw ni papá
"Bakit? Anong nangyari Oscar?" mahinahon na tanong ni mamá
"Si Caleb ang nagpakawala ng mga bilanggo."
"Ano?! Sigurado ka ba sa iyong mga sinabi?" hindi makapaniwalang tanong ni mamá
"Nahuli na ang mga Mage na nagpakawala sa bilanggo at umamin sila na si Caleb ang nag-utos sa kanila." paliwanag ni papá
"Bakit naman iyon gagawin ni Caleb?!" nagugulumihanang tanong ni mamá
"Papá!" napalingon kami kay Luke na tumatakbo paplapit sa amin
"Luke, anong nangyari? bakit ka humahangos?" Pag-aalala kong tanong sa kaniya
"Sila kuya...na....nariyan na at kasa....kasama nila si.... Lian." hinihingal niyang saad
"Si Lian?!" gulat na tanong ni mamá
"Sigurado ka bang ang kambal mo kasama nila?" paniniguradong ni Papá
"Mamá narito na kami" biglang dating nila kuya Chase, Caleb at ni....
"Lian! Anak ko saan ka ba nagpunta ?" pag-aalalang tanong ni mamá kay Lian
"Caleb" mariing tawag ni papá kay kuya
"Paumanhin Papá sa aking ginawa" lumapit si kuya kay Papá at lumuhod siya
"Sabihin mo kung bakit mo iyon ginawa Caleb." Utos ni Papá
"Ginawa ko yon dahil kailangan namin magkita ni Lian. Ngunit nahihirapan akong makipagkita sa kaniya. Dahil maraming mga ispiya na nakabantay sa akin at ginawa ko na rin iyon para hindi malaman na pumunta dito si Lian" paliwanag ni kuya Caleb
"Maaari ba mamaya na kayo mag-usap?" inis na saad ni Lian
"Maaari rin bang tumahimik ka Lian? Ngayon ka na nga lang ulit narito pagkatapos ng tatlong taon sisiga-siga ka pa." may diing saad ni Luke
YOU ARE READING
Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess Family
FantasíaTagLish Currently in Hiatus [Photo is not mine. Credit to the rightful owner]