Naramdaman kong yinakap niya ako sa likuran, sa may bewang ko. At naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko.
"Bat mo ako linoko?" Bulong niya, napaluhanako bigal hindi ko alam kung bakit.
"Kasi...gu..gusto ko lang..este..hin..hindi ko alam!" Sigaw ko
"Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?" Ramdam ko ang lamig niya sa tono ng boses niya, napahinga ako ng malalim. Ito na naman ba ulit?!
"Arwin? Mag-aaway na naman ba tayo? Magsisigawan na naman ba tayo? Galit ka na naman ba?" Taning ko, halos hindi nga ako makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak iyak kong toh.
"Umiiyak ka ba?"rinig kong tanong niya
"Arwin, ilang ulit na akong humihingi ng tawad. Gusto mo bang lumuhod pa ulit ako sayo?" Bigla kong sabi, at nawala ang yakap niya sakin, at naramdaman ko ang kamay nuya na humawak sa braso ko at hinila niya ako paharap sa kanya, at nagtama ulit ang aming mga mata.
"Ang gusto ko mahalin mo ako.." Sabi niya bigla.
"Ang gusto ko, kalimutan mo si Joshua, ang gusto ko ako lang, ang gusto ko akin ka lang. Kasalanan mo naman toh eh! Linandi mo ako! Pina-ibig mo ako! Ngayon nahihiraoan akong kalimutan ka..." Malamig niyang sabi, oo nga pala kasalanan ko, ilang beses ko ng narinig sa kanya yan, at alam ko..na kasalanan ko. Yinakap niya ako bigla
"Hindi ko makalimutan lahat, Deze... Hindi ko kaya at mas lalong hindi ko kayang kalimutan ka..." Bulong niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. At napayakap ako pabalik sa kanya. Humiwalay siya sa yakap bigla at hinawakan ang kamay ko tapos hinila niya ako bigla.
Hinila niya ako papunta sa tapat ng isang kotse. Binuksan niya yung backseat at pinapasok niya ako bigla, at pumasok siya sa front seat, sa may drivers seat, at pinaandar bigla yung kotse.
"Sa...san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako pinakinggan. Bakit parang kinakabahan ako? Ilang oaras ang lumipas, napasilip ako sa bintana. Parang papunta kami sa bahay ko. Sa bahay namin ng pamilya ko. Ito kasi yung natatandaan kong daanan papunta doon eh. Tapos huminto kami bigla sa tapat ng isang bahay, ang bahay namin.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya
"Ito ang gusto mo diba? Ang makauwi? Ang makatakas?" Sabi niya... Ngingiti na sana ako kaso parang ayoko. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng punto at hinila ako palabas.
" ibabalik na kita..." Malamig niyang sabi
"Bak...bakit?" Parang hindi nagloload yung utak ko, parang biglaan naman atah.
"Dito ka masaya diba? Pagod na ako, pagod na akong makita kang umiiyak, at pagod na din akong pilitin ka sa ayaw mo, pilitin ka na mahalin ako... Kahapon nung makita kitang tumaktakbo, para langmahabol si Joshua, naisip ko na gagawin mong lahat para lang makita siya ulit, nasugatan ka, muntik ka na ngang marape diba?! At naisip ko kung pano kung mas malala pa yung mangyari.."
"Arwin..." Bigla akong naluha...napailing iling ako
"Ito ang gusto mo diba?!bat ka pa umiiyak!!" Sigaw niya at itinulak niya ako bigla, dapat masaya na ako diba? Ito ang gusto ko?! Ano pa ang drinadrama ko?! Dahan dahan akong lumakad palayo sa kanya, at nung nasa tapat na ako ng gate namin, biglang umulan. Napapikit ako sandali at liningon ko si Arwin na nakatitig lang sakin
"Arwin!!" Sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya at yinakap ko siya. Yung yakap na sana hindi niya ako bitawan
"Arwin... I love you..."