Chapter 3 (Part 2) - Pagkikita

88 17 7
                                    

ANG NAKARAAN: Hindi pa rin umaalis ng taxi bay si Naomi, inaantay ang pagdating ni Andrew. Nang may napansin siyang mga tao na tila nakatingin sa kaniya. Hindi niya ito pinansin noong una. Ngunit nang papalapit na ang dalawang tao sa kaniya, doon na siya kinutuban. Kaya naman napilitan siyang umalis ng taxi bay at naglakad. Pero sa bawat hakbang niya ay sumusunod ang dalawa. Kaya naman lalo niyang binilisan ang paglalakad. Halos mapatakbo na siya nang binilisan rin ng mga lalaking yon ang kanilang pagsunod sa kaniya. Palingon-lingon siya sa kaniyang likod habang naglalakad ng mabilis. Biglang bigla ay bumangga siya sa isang lalaki sa harapan niya. Siya ay nabuwal at tila ba'y natapilok.

"Aray ko...." Tinignan niya kung napilayan siya. Pagkatapos ay unti-unti siyang tumingala. Nakita niya ang isang lalaking naka-sando at shorts lamang. Subalit nanlaki ang kaniyang mga mata nang malita niya na may hawak siyang patalim sa kaniyang kaliwang kamay. Sinubukan niyang tumayo subalit nagulat siya na nasa harapan na rin niya ang mga lalaking sumusunod sa kaniya. Hindi na siya halos makagalaw sa kaniyang pwesto.

Ang malamig na hanging dumadampi sa kaniyang balat ay tila lalong lumamig. Nabalot siya nang takot nang mga panahon na iyon.

**************************************************

"Sino kayo?! Ano'ng gusto niyo sa akin?!" Tanong niya sa mga lalaki. Subalit hindi sumagot ang mga ito.

Sinubukan ni Naomi na tumayo at tumakbo, subalit hindi niya nagawa sapagkat sapagkat ang kaniyang mga paa ay halos mangatog sa takot. Dahil dito ay nahablot ng isa sa mga lalaking iyon ang kaniyang buhok. Napasigaw sa sakit si Naomi. Habang nagtatawanan naman ang mga lalaki. Umaalingasaw ang amoy ng alak sa mga lalaki. Halatang lasing, at may tama ng droga.

Samantala, halos mapagod na sa kakaikot sa buong parke si Justin, pero wala siyang nahanap na Jeepney. Nakapagtataka sapagkat lagi namang may mga bumibiyaheng jeepney sa mga oras na iyon kahit na paunti-unti, ngunit ngayon lang yata hindi nagkaroon.

Nagpasya na sana siyang maglakad pero narinig niya ang sigaw ng isang babae. Nagtaka ang binata. Napalingon siya sa gawing iyon, sinundan ang boses, at nakita niya si Naomi, na noon pa lamang niya nakita. Nagulat siya sa kaniyang natunghayan. Ang mga lalaki ay nakapalibot kay Naomi, ang isa sa kanila ay tila mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang buhok. Habang ang babae ay nagmamakaawa na pakawalan na siya.

"Maawa na kayo....." Luhaang pakiusap ni Naomi. Halos mabasag ang kaniyang boses sa takot. "Ibibigay ko sa inyo ang mga gamit ko.... pakawalan niyo lang ako...."

Nagtinginan ang mga lalaki, saka tawanan. Nagsalita ang humihila sa kaniyang buhok. "Talaga?"

"Oo...." ani Naomi.

Muling nagtawanan ang mga lalaki. Hinaplos ng isa ang mukha ni Naomi. "Wag kang mag-alala." aniya. "Hindi naman gamit mo ang gusto namin, eh.... Ang gusto namin...... IKAW!!!"

Lalong bumilis ang tibok ni Naomi sa takot, habang lalong lumakas ang mga halakhakan ng mga lalaki.

Narinig lahat nang ito ni Justin. Bahagya siyang umurong. Katulad ni Naomi, nakaramdam rin siya ng takot. Baka kasi pag makita siya ng mga lalaki, ay siya naman ang pagdiskitahan. Doon ay nagpasya siyang unti-unting maglakad papalayo. Subalit....

"Maawa kayo!!!! Saklolo!!!!"

Narinig niya ang pagmamakaawa ni Naomi. Tumigil siya sandali at nag-isip ng malalim. Bigla niyang naalala ang lahat - ang kaniyang nakaraan. Kung paano siyang sinaktan ng mga kapwa niya kabataan noon. Kung paano siyang pagtawanan ng mga dati niyang katrabaho. Kung anong sakit ng mga salitang binitiwan nila laban sa kaniya.

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon