Chapter 39

2.5K 49 0
                                    

Tub

"Love what are you feeling?" Nag-aalalang tanong ni Leo sa akin habang mahigpit na hawak ang aking magkabilang kamay.

Leo and I were sleeping peacefully when I suddenly woke up because I felt some stomach cramps and noticed that a hot fluid came out of me. Kaya naman ginising ko siya dahil sa pag-aakalang manganganak na ako. I am now on my thirty eighth week of pregnancy. At due date ko na, apat na araw mula ngayon. Pero mukhang mapapa-aga ang paglabas ng baby girl namin ni Leo.

Babae ang magiging anak namin, kaya naman ng nalaman ni Leo iyon ay labis ang saya niya. Nagulat na nga lamang ako ng isang araw ay nakita ko siyang abala sa pag-renovate ng isang kwarto sa bahay. Pininturahan niya iyon ng light pink na may halong purple. Kinabukasan rin ng araw na iyon ay nakita ko na lamang na puno na ng mga gamit ang kwarto. May white na crib, maliit na pink cabinet, light violet curtains at mga baby toys.

"Love, I think my water broke." Sagot ko sa kanya at saka hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.

Iginiya niya ako paupo sa couch na nasa kwarto. "I'll prepare your things." He said then kissed my hair. Habang ako ay nakaupo ay pinapanood ko lamang si Leo na nilalabas na ang bag na naglalaman ng gamit namin ni baby.

I want to get more sleep cause I know I'll need the energy when I labor. But I couldn't cause I suddenly feel contractions in my belly. Pasulpot-sulpot ang hilab ng aking tiyan kaya naman hindi ko na malaman kung saan ko ibabaling ang aking balakang dulot ng sakit. Inabutan ako ni Leo ng tubig makaraan ay hinimas niya ang aking magkabilang balikat. "Love, I'm here." Then he kissed my shoulder.

Another contraction and I decided to call Mommy. Kaagad naman silang nagpunta sa bahay kasama si Mama kahit pa alas tres ng madaling araw pa lang. "Kaya mo iyong init?" Tanong ni Mommy habang nilalapatan ng heat pack ang aking balakang. Tumango ako bilang sagot. Medyo nabawasan ang sakit na aking nararamdaman noong nainitan ang aking balakang kaya naman guminhawa ang pakiramdam ko.

Nang sinulyapan ko si Leo ay nakita kong hawak niya ang ginawa niyang checklist ng mga kailangan namin ni baby. When he saw me watching him. He drew near me and kissed my temple again. "Love, you can do it. I'm here. Okay?" He said then squeezed my hand and kissed it too.

Sabi ni Mama ay nasa early labor pa lamang daw ako kaya naman hindi pa namin kailangan pumunta sa ospital. Kaya naman ito ako ngayon sa bath tub at pinapaliguan ni Leo dahil sinabihan ako ni Mama na maglinis na ako ng katawan para handa na ako anumang oras. Nang nabihisan na niya ako ay sinabihan ko si Leo na matulog muna para may lakas siya mamaya pero hindi raw siya makakatulog nang nakikitang nahihirapan ako.

When the sunrise came, my contractions get more intense. They were about fifty seconds long that range from a minute or two apart. Kaya naman nagdesisyon na sila Mommy na dalin na ako sa ospital. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang mapahiyaw at mapaiyak sa sakit. Kaagad naman akong niyayakap ni Leo mula sa likuran. He was lifting my belly to ease the pain of my contractions.

"Save your energy, anak." Rinig kong sabi ni Mommy nang patuloy ako sa paghiyaw. Narito kami sa backseat samantalang si Mama ang nagmamaneho ng sasakyan at si Mommy ay nasa passenger's seat. With each contraction, I could feel that our little girl is already coming down and I felt the urge to push.

Nang makarating kami sa ospital ay kaagad akong nilapag ni Leo sa hospital bed. Pagkaraan ay inasikaso ako ng doktora na na kapatid ni Doc Sanchez at sinabi niyang ten cm dilated na raw ako. Hinawakan ni Leo ang aking kamay. "You're almost there, love." Bulong niya sa akin at saka dinampian ng halik ang aking tenga. Pagkaraan ay inalalayan nila ako ni Mommy papunta sa tub.

Water birth ang napili kong paraan para mailabas si baby at hindi naman ako tinutulan ni Leo. Binubuhusan ni Doc ang aking tiyan ng maligamgam na tubig mula sa tub habang patuloy ang hilab na nararamdaman ko. "Push, mommy." Mahinahong sabi sa akin ni Doc at saka tinutulak paibaba ang aking tiyan.

I took a deep breath and push for about fifteen seconds long. Nasa likod ko si Leo, hawak niya ang aking kanang kamay at nakahilig ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Mas mahabang ire, mommy." Muling sabi ni Doc. So I took a deep breath again and push. Bumilang ako sa aking isip ng hanggang tatlumpong segundo bago ko binitiwan ang pag-ire.

Kahit nakapikit ako ay alam ko nang unti-unti nang lumalabas si baby dahil nararamdaman ko na sya sa pagitan ng aking mga hita. "Konti na lang, mommy." So I started counting for another long push.
Nasa sampung segundo pa lamang ako ng pagbibilang ay narinig ko na ang pag-iyak ng aking anak.

Binalutan kaagad ni Doc si baby ng puting tuwalya at saka siya ipinatong sa aking dibdib. I cried silently as I felt her on my chest. She is so tiny, so warm and delicate. Nilingon ko si Leo at nakita kong lumuluha na rin siya tulad ko. "Thank you, love." Pagkaraan ay nilapatan ni Leo ng halik ng aking labi.

Sumunod ay ang aking noo at buhok. "I love you, Nadia." Nang maihiga na ako pabalik sa kama ay nakita kong inabutan ni Doc si Leo ng medical scissors para siya ang mag-cut ng umbilical cord. I smiled when I saw how excited he was, holding the scissors in his hand. Nang naputol na iyon ni Leo ay iniwan na kami ni Doc at pinagpahinga na niya ako.

My baby and I spent the next hours bonding skin to skin. I felt my heart melted as I watched her latched on me for the first time.Nang nabigyan ko na sya ng sapat na gatas ay tinawag ko si Leo. "Love, buhatin mo siya." Kaagad naman akong nilapitan ni Leo at maingat niyang kinuha si baby sa akin.

"My baby girl..." He uttered weakly then he caressed her tiny arm using his thumb.

"I love you, baby." He said real soft. I smiled at him and wiped my tears.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon