MATINDING kaba ang bumalot sa puso ni Keen nang hindi niya pa rin matagpuan ang dalaga sa ilalim ng dagat. Kanina pa siya hanap nang hanap sa ilalim pero hindi pa rin niya ito makita. Dumating na lang ang mga bantay dagat na tinawagan ng mga kaibigan niya para tulungan siyang hanapin si Tryna at para na rin hindi makalapit sa kaniya ang mga piranha na kanina pa naghahanap ng timing na dumugin ng mga ito. May sugat na nga siya sa binti dahil nakagat siya ng isa sa mga piranha kanina no'ng pumanhik siya sa ilalim ng dagat.
"Fvck! Where the hell is she!" puno ng pag-aalalang sigaw niya nang maiahon ang ulo mula sa dagat.
"Azzarry, bilisan mo! Nahihirapan na ang mga bantay na pigilan ang mga piranha!" rinig niyang sigaw ni Kimwell.
"Damnit! Tulungan na nga lang natin siya!" sigaw ni Roshan saka tumalon sa dagat.
Napapamura na rin ang iba pang mga kaibigan niya saka tumalon para tumulong maghanap kay Tryna. Nakahinto ang barko kung kaya't nakadungaw na rin ang iba pang mga sakay ng barko.
"Fvck it!" hindi mapakaling mura habang napapahilamos ng mukha.
Muli siyang lumusong sa dagat at hinanap ang dalaga. Napamura pa siya sa isip nang may piranha'ng sumalubong sa kaniya. Mabilis na lumangoy siya palayo at pumunta sa kalalim-laliman ng dagat.
He's a seaman so no worries to swam that deep because he's an expert with it. He can swim under the sea within 3-5 minutes without breathing.
Napahinto siya sandali nang may makitang parang taong nakalutang sa bandang kaliwa niya. Mabilis na lumangoy siya papunta roon at nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng makita kung sino iyon.
'Tryna!'
Nasa kalagitnaan pa siya nang paglangoy nang may biglang kumagat sa kaniyang binti. Nang lingunin niya iyon, isang mabangis na piranha. Gusto niyang mapasigaw sa sakit pero tiniis niya. Gamit ang isang paa, sinipa niya ito dahilan para mabitawan nito ang kaniyang binti.
'Shit, it hurts!'
Kaagad na lumangoy siya palapit kay Tryna na wala ng malay at namumutla na. Mabilis niyang kinabig ang dalaga sabay yakap bago inilapit ang labi niya sa labi nito para bigyan ng hangin. Hindi gumalaw ang dalaga kahit na ilang beses na niyang binigyan ng hangin, niyugyog niya ang balikat nito pero ayaw pa rin.
Tinambol nang matinding kaba ang kaniyang dibdib saka mabilis na lumangoy na yakap si Tryna sa beywang. Napaatras siya bigla nang matanaw ang grupo ng mga piranha sa 'di kalayuan.
'Fvck!'
Lumangoy siya sa kabilang deriksyon subalit agad na nakatunog ang mga piranha dahilan para mabilis na lumangoy ang mga ito papunta sa gawi nila. Hindi niya alam kung ilang beses siyang napapamura sa isip habang mabilis na ikinukumpay ang mga kamay at paa upang makalayo sila sa mga piranha.
Hindi pa rin nagkakamalay si Tryna na labis niyang ipinag-aalala. Mapapatay talaga niya ang sino mang taong dahilan nang pagkahulog nito sa dagat kanina. Impit na napadaing siya nang may biglang kumagat na naman sakaniyang braso. Ganun na lang ang pagkagitla niya nang makitang halos makalapit na ang mga piranha sa kanila. Agad na nagkalat ang dugo mula sa kaniyabg braso dahilan para mas lalong ma-trigger ang mga itong lumapit sa kanila.
Itinulak niya palayo si Tryna nang kaunti na lang ay dudumugin na siya ng mga piranha. Wala siyang nagawa kundi hubarin ang suot niyang tuxedo at ginawang pain. Napaigik pa siya nang makabenta ang isang prinha't nakagat na naman siya sa kabilang braso. Sa galit ay dinampot niya ang piranha at walang pasabing pinilipit ang ulo niyon saka hinati ang katawan sabay hagis sa malayo.

BINABASA MO ANG
ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)
Roman d'amourWARNING ⚠️: Rated SPG(R18+) Keen Mark Azzarry, was a scheming playboy who loves playing dirty flame with girls. He's a seaman and a cunning man when it comes to business. No one dared to trick him except his set of friends who always their when in n...