Chapter 4

103 5 0
                                    

Chapter 4

--

"Uy, tingnan ninyo si Cindy. May bagong singsing. Ano 'yan, sismars? Mukhang lawfully wedded wife ka na, ah," pang-aasar ng kasamahan ko sa trabaho, kapwa midwife, si Kate.

"Oo nga. Kailan pa 'yan? Bago, ah," gatong pa ni Michelle, kasamahan ko rin.

Lihim na lamang akong napangiti. At least may nakapansin ng singsing ko. Hindi ko naman binabalak ipangalandakan na kasal na kami dahil secret wedding nga 'yon, pero ayoko rin naman literal na ilihim. Bahala na rin sila kung paano at ano ang kanilang iisipin.

"Ah, oo, bagong bigay," sagot ko na lamang saka muling tiningnan ang patient records na hawak ko. Kasalukuyan kasing dagsaan ang mga pasyente ngayon sa clinic. Marami kasing naka-due date ng Disyembre.

Rinig ko ang paghagikgik ni Michelle na mahina pa akong hinampas sa braso saka sinabing, "Naks naman, oh. Sana all na lang talaga."

"When ba ako makakahanap ng engineer din? Prayer reveal naman, oh," 'ika naman ni Kate.

Inismiran ko ang dalawa kong katrabaho saka itinuro ang mga buntis naming pasyenteng nakapila. "Mamaya na kayo magchismisan, mga kumare. Ang dami nating pasyente."

Just like the normal routine, I will check up on patients, take a break for lunch and snack, tapos ay trabaho ulit. Naiiling pa ako dahil mayroon kaming pasyente na thirteen years old at naka-due date ngayong buwan.

Napapaisip tuloy ako. May asawa siyang seventeen years old at mukhang mahal na mahal naman nila ang isa't isa kaya hindi ko matunugan kung forced ba siya or hindi, but yeah, napapatanong na lamang ako kung saan sila kumuha ng lakas ng loob to do coitus. No'ng nineteen nga ako ay natatakot pa akong dumakma.

"Sumasakit na?" ulit kong tanong sa sinabi niya.

"Opo," sagot naman ng bata na tila mangiyak-iyak pa habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

I sighed. Maybe early labor. Baka mas maaga siyang manganak kumpara sa due date at kung ganoon man ang mangyari, mapapa-overtime ako o straight duty na iniiwasan ko talaga. Gusto ko nang umuwi, please lang.

I directed her to our OB-GYN to check if she's actually giving birth. Napalapit na lamang ako kay Michelle na siyang tao sa front desk, kumakain ng turon.

"Be, baka manganganak na 'yong bata. Pasalo naman, oh," wika ko. I'm just hoping that she'll agree. Gustong-gust ko na talaga umuwi. "Need ko na kasi umuwi. May emergency kasi sa amin," pagsisinungaling ko.

"Hala! Kukunin ko sana 'yong pina-costumize kong kwintas ngayon sa mall, eh," sagot niya naman na ikinasimangot ko.

Oo nga pala. Nasabi niya pala 'yan. Nagpa-costumize siya ng kwintas para sa girlfriend niya. LGBTQ+ supremacy. Sinamahan ko pa nga siya sa jewelry shop. Doon din kasi nagpagawa noon ng plated bracelet si Enzo na ibinigay niya sa akin.

"Pwede naman siya ipa-hold for one week." Until I got this idea. Buti na lang, marami-rami akong pera dahil simula nang ikasal kami ni Enzo, parang nagkaroon na ako ng sobra-sobrang allowance sa asawa ko. "Ano, ako na lang magbabayad no'ng holding payment. Pasalo lang ng duty now," suhol ko.

Michelle being Michelle, gastusera pero practical, alam kong papayag 'yan. Hindi siya mukhang pera. Sadyang practical lang siya. Kahit ako, I will definitely grab the chance. Nadagdagan na sahod ko, nakalibre pa ako sa gastos sa luho ko.

"Sige."

See? I'm just grateful of having Michelle in my life. "Thanks, Mitch. You're the best."

"Basta 'yong bayad, ah."

And with that, I escaped the straight thirty-six hours duty. Gladly! Mahirap din i-handle mga minor na nag-la-labor. They are kind of noisy. Maybe because their body is not yet capable of handling that extreme pain of labor. Napapatanong na nga lang ako kung completely developed na ba sila, pero bahala na. Their body, their choice, their decision.

The reason why I am excited to go home is because after almost two weeks of being separated with Enzo, uuwi siya ngayon sa aking munting apartment. Regarding sa bahay, I don't really know. Gusto ni Enzo na magsama na kami, but I'm kind of hesitating. Ayokong tumira sa condo niya. Baka bigla siyang bisitahin ng mga kamag-anak niya at maabutan ako roon. No on the hell way.

"Keep the change, kuya," sambit ki sa tricycle driver at nagmamadaling pumasok sa aking apartment. Plano ko kasing maglinis pa sana ulit at magluto (kahit sinaing lang dahil hindi naman ako magaling magluto) para pagdating ni Enzo ay kumportable naman siya.

Pero parang ako yata ang umuwing kumportable. Paano'y pagdating ko'y nandoon na siya. Nakabukas na ang humidifier at nakahanda na ang lamesa. Mahahalata ko namang galing siya sa banyo dahil naabutan ko siyang sinasara ang pinto no'n habang nagpupunas ng paa.

"Welcome home," he greeted with a weak smile.

Naningkit ang mga mata ko dahil doon. Agad ko siyang nilapitan at sinipat ang kaniyang leeg. "Oh, may sinat ka. Bakit? Anong nangyari sa 'yo?"

Umiling ito't niyakap ako. Partida'y wala pa akong ligo niyan. "Wala naman. Pagod lang siguro. Medyo masakit din ang dibdib ko."

"Siguro'y nagpapalipas ka na naman ng gutom. Sabi ko sa 'yo, huwag kang magpapalipas, eh," sermon ko.

"Hindi, ah. Kaya nga ako nagluto na agad para 'di tayo parehong gutumin," sagot niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Naningkit ang mga mata ko habang pinakikiramdaman kung paanong pinaglalaruan nito ang dulo ng buhok ko. Parang may mali. Parang hindi 'to si Enzo.

"May kasalanan ka ba?"

Natawa ito bigla saka sinabing, "Wala, ah. Nangungulila lang ako sa 'yo."

I smirked. Look what we got here. "Paanong pangungulila muna?" pang-aasar ko.

"Tara sa kwarto," he whispered in my ear and suddenly bit my earlob. Nahampas ko tuloy siya sa likod dahilan para mapaangal siya. "Gagi, humihilab na nga ang tiyan ko, hahampasin pa ako."

"Ay, hala sorry. Ang manyak mo kasi."

"At least ikaw lang minamanyak ko. Sinabi ko lang namang nangungulila ako sa asawa ko, eh."

"Dalawang linggo lang tayong 'di nagkita."

"Ni-la-lang mo 'yong dalawang linggo? Unang araw pa lang, gusto ko na agad umuwi."

"Ah, talaga ba? Sana pina-billboard mo." Napatawa na lamang ako nang humiwalay ito sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Oh, joke lang. Ito na. Tanggalin na natin 'yang pangungulila mo."

Bigla na lamang akong natigilan sa pang-aasar nang mapansin ang pamumutla ng kaniyang mukha. Hindi ko tuloy mawari kung ano, pero napapansin ko talagang pumayat siya na ewan.

Maya-maya ay bigla siyang napangiti. "Teka lang. Nasusuka ako. Ansakit talaga."

I thought he's just having some normal heartburn. Akala ko'y may nakain lang siya  kaya siya nasusuka't umaatake na naman ang sakit niya na talagang gastritis.

I never thought that it will change our lives... forever.

--

asereneko.

FS #6: Something We Got To Give Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon