TSOTM

7 0 0
                                    



PROLOGUE


"Dito na tayo, yah."



"Omg nakakaloka! Ang sakit sa pwet, tagal ng biyahe Jay." Sabi ni Kel pagbaba ng Van.



"Ako masakit ano ko." Singit naman ni Ian.




"Kadiri ka naman Ian." Reklamo ni ate Senia at hinampas hampas si Ian.



"Tara na nga baka magbugbugan pa kayo riyan." Kinuha ni Jay ang mga bag namin at binigay samin isa-isa.




Pagpasok namin sa The Backyard ay lumantad saakin ang mga nakasabit na ilaw sa mga puno. Meron mga nag pipicture meron din umupo roon sa tabi ng fountain. Private resort 'to, pero sabi ng staff may naka book na raw. So nakiusap kami na makisingit nalang kesa naman kasi bumyahe pa kami ang layo layo na nito sa lugar namin.




"Oy mama mo!" Kalabit saakin ni Mira.



Napalingon ako roon sa tabi ng fountain. Ngumiti ako at lumapit doon sa babae na may kalong kalong na bata.




"Ma!" Ngumiti ako at napatingin sa tatlong lalaki na nakaupo rin doon.



"Oh anak, bakit nandito ka?" Tanong niya saakin.



"Nakisingit kami ng book e, kayo pala nakatao rito." Sabi ko. Binaling ko ang tingin ko sa bata na sinusubo ang daliri.



"Hindi mo kasama kapatid mo? Ikaw lang? Ang sama mo talaga." Reklamo saakin ni mama nang makita niya kaming lahat na nandirito sa resort.




"Ma! Hindi siya sumama e, t'saka malaki na 'yon." Sagot ko sakaniya. "Eto na ba yung bunso nila? Babae 'no." Tanong ko kay mama.



"Arg fuck!" Sigaw nung lalaking bata  habang gigil na gigil mag pindot sa cellphone niya. Sa tingin ko mga 16 and above 'to.




"Haha loser! Do better, Kuya Gion." Pangaasar naman ng maliit na bata.



"Cheater! Paano ako namatay? What item did you use?" Tanong ng lalaking bata.



"I use kenetic armor kuya. Kaunti lang bawas saakin kapag tinatamaan mo 'ko." Pagpapaliwanag naman nung bata. Habang gigil na gigil din sa pagpindot ng cellphone niya.



"Sino ba riyan yung pangalawa t'saka pangatlo?" Tanong ko kay mama.



"Si Gion, pangalawa." Turo niya roon sa batang lalaki. "Eto si Garrett, yung bunso. Eto yung kalo kalong ni ate Jina mo no'n."  Turo niya sa batang maliit.



Umupo ako sa tabi ni Garrett at pinapanood ang nilalaro nilang dalawa ni Gion. Napatingin ako sa lalaki na papalapit saamin habang may hawak na bote. I think late 20s kamukha siya nila Garrett. Baka ito yung panganay.



"Yaya, eto oh pinabibigay ni ate Jina. Baka nagugutom na raw si Gale." Sabi nito at binigay kay mama ang bote. Napatingin siya saakin at umiwas din.



"Garrett, let's go, kakain na tayo." Aya niya kay Garrett. Tumayo ako upang hindi mahirapan ang lalaki. Napatingin pa siya saakin bago ako tumayo.



"Kuya ikalma mo," sigaw ni Gion. Hinatak agad ng lalaki si Garrett at pumunta sa puwesto ni Gion.



"Dami mong alam! Isa ka pa, kumain ka na rin doon." Sita niya sa kapatid niya.



"Eto na pagyari nito— matatapos na! Eto, magrereklamo nanaman." Sagot niya sa lalaki. Napairap nalang ang lalaki at naglakad na silang dalawa ni Garrett papunta sa kanilang room.



"Ah, mama, mamaya nalang baka hinahanap na ako nila kuya Jay." Paalam ko kay mama. Nginitian ko si Gale bago pumunta sa room namin.



"Sige, pumunta ka rito mamayang gabi pakikilala kita kay Madam." Habol ni mama nang makalakad na ako ng malayo sakanila.



Kumaway ako at ngumiti. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko roon ang lalaki kanina nakatingin saakin habang ang dalawang kamay nito at nasa magkabilang bulsa ng short nito.



Umiwas ako ng tingin at hindi na pinansin iyon. Nakita ko sila Kel na nag haharutan at nagbabasaan ng tubig. Habang sila Lian ay nag pipicture roon sa tabi ng swimming pool.



Tumabi ako sa puwesto nila Jay habang nag iihaw. Nagulat pa siya pero hindi na siya nag salita pa.



"Nako, nandito pala si Mayor Lim. Sila pala nag book nito, nakakahiya sumingit pa tayo ng book." Nakokonsensyang sabi ni Jeff. Habang kinakain ang bagong lagay ni Ian.



"Ikaw! Wala na makakain yung iba kinain mo na lahat!" Reklamo ni Ian at hinampas si Jeff.



"Sarap ng isaw e!" Sagot nito. Hinampas naman ni Ian si Jeff sa ulo.



"Kapal mo! Hoy maarte si Kel! 'Pag 'yon nag reklamo at kakaunti 'tong naihaw namin ni Jay ikaw sisisihin ko." Sigaw niya kay Jeff.



"Hoy tama na kayo, baka mag bugbugan pa kayo riyan." Awat ni Jay sakanila habang nag papaypay ng iniihaw.




Ang saya nila kasama. Parang gusto ko mag stay nalang kami sa ganito. Walang stress tamang chill lang. Walang gugulo saamin, magkakasama kaming lahat, nagkakasiyahan, kwentuhan, tawanan, at mga bonding naming hindi makakalimutan.



Sana soon, hindi kami magkalimutan, walang ugali magbabago sana. Kung meron itatakwil namin.







:))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Smile of the Moon ( Mayor's Son ) Where stories live. Discover now