Confession of an NBSB (Author’s Diary) – Book One
Written By: KudouScarletNurarihyon/MWM
1st CONFESSION: Background Introduction
First and foremost, before we dig into deeper parts of my lovelife, I would like to introduce myself first. I’m Mareygie Magallanes, ganda nang name ko noh? Kasing ganda nang nagmamay-ari nang pangalan. Bwahhaaahahh…
Okay, heto na talaga, magpapakilala na ako nang matino. Mareygie Magallanes name ko. Then dahil sa maka-anime ako eh I translated my name into anime-name combinations. Kudou Scarlet Nurarihyon. Kudou, galing sa Detective Conan, adik na adik ako nang conan eh. Scarlet, galing naman sa Fairy Tail, si Erza Scarlet, siya kasi idol ko eh, astig kasi, kasing astig ko, bwahhahahah.. Tapos ang Nurarihyon naman eh galing sa Nurarihyon no mago or in English eh Rise of the yokai clan, uhm, wala lang, type ko lang surname ni Rikou Nura, unique eh. Hihihihh..
Actually, before naging Kudou Scarlet Nurarihyon ako eh naging Kudou Hitsugaya Scarlet muna ako. Hitsugaya, galing naman sa Bleach, si Hitsugaya Toushiro, yung Captain nang 10th Division nang mga Gotei 13, type ko kasi siya eh. Hindi ko rin malaman kung bakit ko pinalitan nang Nurarihyon, wala lang, type ko nga lang di ba? Kaya ayun, yun na talaga ang screen name ko ngayon.
Finish narin tayo sa name ko. Ano na ba yung kasunod? Hmmmmm… *isip* *isip*
*lightbulb* Ah! Alam ko na.
I’m 19 years old na pala ngayon, tanda na noh? But, just look at me now, still looking young and cute. Sabi nga nila, para lang daw akong elementary sa mga first impressionist. Oh diba? Bongga ko noh? Sa’n ka ba makakakita nang 19 years old na looking as cute as elementary pa? Eh di, ako lang. Cute ako eh, di na mababawi yun. Kapal ko noh? Totoo naman eh. Mamatay nalang kayo sa inggit.
College narin ako, actually, fourth year college na. Tanda ko na talaga. I’m taking Bachelor of Science in Pharmacy. Intrigue kayo? Yun yung mga nagtitinda nang mga gamot sa tabi-tabi, kaya matakot kayo sa akin dahil yung mga kagaya namin eh related sa mga arbularyo. Bwahahaahhah.. Pero joke lang yun. Joker ako eh. Pero natatawa kayo noh? Sus! Denial kayo hah. Aminin na kasi na magaling akong mag-joke.
Pero, di nga, mga gamut talaga tinitinda namin, minsan pa nga nangbibigay lang. Inquire nalang kayo sa akin kung kailangan niyo nang ‘LOVE POSION’, marami ako niyan. May ginamitan ako eh. Bwahahah.. Yan yung talagang joke. Di ako ganun noh. Kahit ganito lang ako, mas gusto ko pa rin naman na magustuhan ako nang taong mahal ko in a reason na talagang na ‘FEEL’ lang talaga niya, yung hindi rin niya namalayan na in-love na pala siya sa akin. Gaya lang nang nararamdaman ko sa mga crushes ko. Bigla-bigla nalang, parang mga ihip lang nang mga malalakas na bagyo, na hindi mo nalang kayang pigilan yung puso mo na dumo-‘dugadug dugadug dugadug dugadug’ pag nandyan na.
Bored na kayo? Sorry, napasarap kasi yung kwento ko sa inyo about my background eh. Heheh.. Gomen-nasai.(I’m Sorry)
So heto na, heto na talaga, start na tayo. Ready na ba kayo? If so, please fasten you’re seatbelts as we we ready for take off into my romance wonderland. Ano ‘to? Alice in Wonderland? Ahhahahh.. Joke yun. Natawa kayo noh.
Masyado kasi kayo excited eh. Nakaka-excite ba story nang lovelife ko? Curious much? Mga intrigera kayo hah.
Okay. Let’s take off…………………………………………………………
.
.
.
.
.
..
.
.
.
Oooppsss.. Technical error. Warei.(My bad) Ibang button yung na-press ko eh, kaya hindi tayo ngayon sa present mapupunta…………………….
Sa past tayo ngayon mapupunta. So stay put lang kayo hah?
.
.
.
.
.
.
Please relax and enjoy you’re watching.
.
.
NEXT CHAPER na talaga yung simula. Hinanap ko pa diary ko eh. :P
BINABASA MO ANG
CONFESSION OF AN NBSB (Author's Diary)
HumorKUDOU says: Pag lumingon ka, akin ka. Pero hanggang saan aabot ang ganung klaseng routine? Sa ganun bang paraan makukuha nang yung ina asam-asam na 'LOVE'? O untill the end, still NBSB ka parin? Abangan niyo ang napaka-kulit na lovestory nang ating...