CHAPTER FOUR

1 0 0
                                    

Xia's POV 

Nakatingin ako sa kaniya at siya naman ay nakangiti sa akin. Napakaganda ng ngiti niya na para bang nasa kaniya na lahat. Well, nasa kaniya na naman lahat, maliban ako. EH.


Nakangiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako sa kaniya dahil nakakahawa siya. 


Parang ang saya saya ko nang makita ko siya sa harap ng pintuan ko. Kanina lang namomoblema ako kung paano kami maguusap ulit pero ngayon hindi na kasi siya na naman ang nagfirst move. Feeling ko ayos na ulit kami kahit hindi naman kami naging sira.


"May ginagawa ka ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Parang aayain na naman niya ako sa kung anong bagay at sobrang excited siya. Naeexcite na rin tuloy ako.


"M-Me-Wala naman." Imbis na sabihin kong meron, wala nalang ang sinabi ko. Dahil sa excitement na nasa mukha niya, parang gusto ko nalang sumama sa kaniya.


Tsaka para bonding moments ulit kami ni Mark hehehehe


"Pwes ngayon meron na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. 


Tumatakbo kami ngayon ni Mark habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero mukha siyang excited kaya naeexcite na rin ako. 


Habang tumatakbo kami, napatingin ako sa kaniya at sobrang saya niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero masaya akong masaya siya.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang tumatakbo kami, hawak pa rin niya ang kamay ko. 


"Sa tambayan." Sagot niya sa akin.


Muli akong napatingin sa kamay naming magkahawak. Bigla ako nakaramdam ng kakaiba sa puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito pero ngayon ko lang siya naramdaman. Kahit na may past relationship ako, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Pakiramdam ko ay tumitigil ang ikot ng mundo at sa kaniya lang ako nakatingin.


Ganito ba ang feeling na inlove?


Ayokong isipin na in love na ko kay Mark, pero pakiramdam ko ganon talaga ang nararamdaman ko. Ilang araw pa lang kami magkasama ni Mark, ayos lang kung magkacrush ako sa maliit na panahon, pero ang sabihing in love ay hindi pa dapat. 


Pero kung mararamdaman ko mang in love na ako, hindi ko na pipigilan.


Maya maya ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Napatigil ako nang makita ko ang pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung kailan ko ito nakita pero parang pamilyar siya. Baka ay pamilyar lang dahil common ang itsura ng place na ito.


Nakatingin ako ngayon sa Tree House. At sa paligid nito ay may mga parang palaruan. Meron ditong mga duyan at mga slides na luma na. Meron din ditong parang palaruan na inaakyatan ng mga bata, meron ding mga mesa at upuan. 


Hindi ko alam na may lugar na ganito dito. Manghang mangha ako sa nakita ko ngayon. At tuwang tuwa rin ako. Para akong bata ulit. 


Agad akong tumakbo roon at pumunta sa duyan. Sa lahat ng laruan sa palaruan, duyan ang aking favorite. Nang makapunta ako rito ay agad akong nagduyan. Tuwang tuwa talaga ako na pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Ngayon nalang ulit kasi ako nakapunta sa ganito na para bang wala akong problema.


Pagkatapos ay pumunta ako sa may mataas na inaakyatan ng bata at tinawag ko si Mark at lumapit siya sa akin. Hindi siya umakyat pero nakangiti siyang nakatingin sa akin mula sa baba. 

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon