Chapter 37

2.3K 22 2
                                    

Neradel's PoV

Hindi siya makasagot sa tanong ko. Dapat lang! Akala niya hindi ko alam na ako ang suspect niya. Excuse me! Hindi ako gaga na agawin ang boyfriend niya. Hindi niya lang ba naisip na kapatid niya ko tas magagawa ko yung bagay na'yun!! Ang kitid ng utak.

"Wala akong napala pero malapit na!" matapang din 'tong babaeng 'to!!

"How many times do I have to fucking tell you na hindi ako!!!" napasigaw na ako sa sobrang galit na nararamdaman. Gusto ko lang naman magka-ayos kami pero bakit ganito siya sa'kin? Ako yung nakakatanda sa kanya kaya alam ko kung sino ang babae ng walang hiyang Lead na'yun!!!

"Alam ko kung sino!" pag-amin ko. Alam ko hindi siya maniniwala pero atleast makatulong ako sa kanya. Kahit yun lang! Wag niya sanang ipagkait sakin yun.

"So, meron nga?" nagsimula na siyang umiiyak kaya mas lalo ko pang pinatatag ang sarili ko dahil ayoko na mapuno kami ng iyakan dito. Walang magagawa ang luha sa problemang ito.

" Oo meron! Gusto mo malaman kung sino?" I asked her. Baka naman gusto niya pero kalahati ng sarili ko ayaw kong magsabi dahil baka mas lalo siyang masaktan.

"Ate.....Huwag mo nalang sabihin. Mas lalo lang sasakit. Gusto ko ako mismo ang makakita sa kanila!" kalma lang ang pagkakasabi niya. Tumango ako at lumapit sa kanya. Yinakap ko siya at hinalikan sa ulo. First time niya akong tinawag na Ate.

"Alam ko nasan sila!" mas hinigpitan niya ang yakap niya sakin. Umupo kaming dalawa hanggang sa tumahan na siya sa pag-iyak. Naalala ko na naman kung 'pano ko nahuli sila Lead at ang babaeng pinalit niya sa kapatid ko. Magbabayad siya! Pagbabayaran niya ang ginawa niya!

Inihiga ko si Naomi ng maayos at lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa lugar kung saan ko nakausap ang importeng tao na nakapagsabi sa'kin.

************

"Sorry I'm late! Kanina ka pa?" nakaupo siya sa isang upuan at agad siyang tumayo pagkakita niya sa'kin.

"Hindi naman! Ok lang! Here take a sit!" he said then grab me a chair na agad ko namang inupuan pagkakuha niya. "So, Jan-jan? Kamusta na ang pinasusundan ko sa'yo?" I asked. Siya yung nagsabi sa'kin na nakita niyang magkasama ang hinayupak na Lead na yun at si Unknown Girl. May silbi din naman pala ang bakla. Kaya nga gusto ko sila ehh.

"Nasa Resort sila ngayon. Sa pagkakaalam ko, pagmamay-ari yun ng mga Delacroix for sure alam ni Lithium kung saan ang lugar na 'yun. Pwede tayong manghingi ng tulong sa kanya!" suhestiyon niya. Tinunga ko ang alak na nasa baso ko at ibinagsak ang baso na hawak ko. Nabigla lahat ng tao sa paligid kaya ngumiti ako sa kanila.

"That Lithium son of a Bitch! Kapatid pala sila ni Lead!! Ha-ha Anyways, nanahimik na siya kaya hindi na tayo hihingi na tulong sa kanya at tsaka ISA pa walang tutulong sa'tin!!" tumango lang siya at agad na kinalikot ang laptop niya. Humanda kang babae ka! Oras na mahuli kayo ni Naomi pagbabayaran niyo ang lahat.

***********

Naomi's PoV

Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Neradel. Baka sinabi niya sa'kin yun para mapaikot ako. Ngayon papunta na ako sa bahay nila Lead. Ngayon ang araw na uuwi siya. Kahapon pa kami nag-usap ni Neradel pero acting lang ang lahat ng iyon. Hindi ako kasing liit ng utak niya para maniwala doon.

Nasa tapat na ako ng bahay nila Lead. Mala mansiyon ang bahay nila pero ayaw ko naman magawaran ng Makapal ang Mukha kaya dito nalang ako sa labas ng bahay nila naghintay. Okay naman sakin na mamatay ako dito dahil sa lamok. Joke lang!

Ilang oras na akong naghihintay ng may pumarada na sasakyan sa harap ko. Nakaupo lang ako. May bumaba na babae at agad na tumingin sa'kin. Masasabi kong mayaman siya. Sa postura niya lang malalaman mo na agad kung anong klaseng tao siya.

Umalis ang kotse at naiwan ang matandang babae sa harapan ko. Agad akong tumayo at ngumiti sa kanya. Nag bow ako para mukhang ka galang-galang tingnan.

"Good Evening maam!" bati ko sa kanya at nginitian siya.

"Are you the girlfriend of Lead?" tanong niya. Ang straightforward naman ng matandang 'to. Tumango ako at ngumiti ng malapad sa kanya.
Tiningnan niya ako ulo hanggang paa at ibinalik sa wakas ang tingin niya sa mga mata ko.

"Why are you here?" she asked. Nagtingin-tingin ako sa paligid pero wala talaga akong nakita kahit isang tao. "Hinihintay ko po si Lead. Sabi niya po kasi na ngayon ang balik niya galing Out of Town. Ehh nagtataka nga ako ehh kung bakit hindi kayo magkasama." sabi ko. Idinikit ko ang palad ko. Kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit. Kumunot ang noo niya at may halong pagtataka din ang itsura niya.

"Anong Out of Town ang pinagsasabi mo? Nasa Resort siya may kasama siyang babae sabi niya kaibigan daw niya. I thought Gf niya yun ehh." para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Hindi umalis si Lead sa ibang bansa pero bakit? Hindi kaya nagsinungaling siya sa'kin? At sino ang babaeng kasama niya? Sinong kaibigan at bakit hindi ko alam? Saang Resort?

"Ahh ganun po ba. Saan po bang Resort?" tanong ko. Pakiramdam ko anytime iiyak na ako. Ang hirap pala ng feeling maloko noh? Hindi pa nga kami nagtatagal pero niloloko na ako sa taong mahal ko. "Sa ******* Resort ija. Dalhin mo ito at ipakita mo sa Guard 'to para makapasok ka. Magtanong ka na lang dun!" pagkabigay niya ng maliit na card sa'kin ay ngumiti siya at naglakad na papasok ng bahay. Sinulyapan ko ang pigura ng bahay at nagpasyang umuwi. Bakit ang sakit? Ano ba naman 'to? Pauwi na ako ng may tao sa harap ng bahay namin. Pagkalingon niya.

************************************
-Naomi Georfo

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon