MADILIM NA sa labas pero nasa opisina parin ako at nakasubsob sa trabaho. Natambak ang trabaho ko rito dahil ilang araw akong lumiban. Hirap na hirap na naman tuloy akong habulin lahat ng nasa schedule ko.
Nag-offer naman si Dada na maglaan ng pansamantalang mamamahal pero hindi kasi ako mapapanatag kung sa iba ko iaasa ang kumpanya. Kahit tuloy mahirap pagsabayin ang pamamahala at pagiging agent ay ginagawa at kinakaya ko na lang.
"Madam, anything for dinner?" ani ni Annie na nakasilip sa glass door ng opisina ko.
"Ahm, hindi na muna Annie. Just give me another cup of coffee." Sagot ko sa kaniya kaya pumasok ito para kunin muli ang mug ko.
Ipinagpatuloy ko parin ang trabaho nang lumabas si Annie. Masyado ata akong natutok sa trabaho kaya hindi ko napansin na pumasok siyang muli hanggang sa may nalapag na mug sa tabi ko. "Thanks Annie." I said without looking at the one standing beside me.
"Annie? Do I smell and feel like your secretary, my love?" biglang ani niya kaya napaangat ako ng tingin. Napatayo at napalayo ako nang makitang si Zealous pala ang naglapag ng kape sa tabi ko.
"What? No kiss or hug now? Are you that busy?" pagmamaktol nito at pinagpalit-palit nito ang masamang tingin sa akin at sa mga gawain kong nagkalat sa mesa. Agad tuloy akong tumalon palapit sa kanya at iniyakap ang mga braso sa leeg niya at mga hita sa beywang niya. Okay lang naman na gawin ko iyon dahil hindi naman ako naka palda ngayon.
"Sorry." Bulong ko sa leeg niya at ginawaran pa iyon ng ilang halik.
"It's fine. I just got worried because you didn't send me even just one text today." Sagot niya habang hinihigpitan ang hawak sa akin para hindi ako mahulog.
"I'm just busy finishing my backlogs. That's why I couldn't text you the whole day." I explained while my face was still on his neck.
"Can you ditch those back logs now and spend time with me instead?" bulong niya malapit sa tainga ko kaya napalayo ako sa kaniya para matitigan ang reaksyon ng mukha niya. He's now using his "paawa effect" on me and he knows really well that it's my weakness.
"Zea, I have to..." I didn't finish what I was about to say when he pressed his lips to mine, giving me a peck that lasted for a few seconds.
"Lariannie told me you didn't have lunch and still didn't have dinner. You even only asked for cups of coffee. Do you want me to feel bad and be mad at you?" he said, and from the look in his eyes, I knew he was trying to manipulate me again to be with him instead of spending my time with this ton of work.
"Zea, you know I really have lots of backlogs. Don't do this to me right now love." Seryosong ani ko sa kaniya ngunit mas naging seryoso ang tingin nito sa akin.
Iniiwas niya ang tingin niya sa akin, napabuntong hininga at dahan-dahan akong inilapag sa sahig. "Okay then, I won't bother you for now. Finish your work." He sadly said, gave me a kiss on my cheek and turned his back to leave my office.
I instantly panicked when he started walking away from me with sunken shoulders. Napahilamos na lang tuloy ako sa mukha sabay shutdown ng laptop ko at hugot ng sling bag at cellphone ko. "Hoy Zealous Youndrei Del Mundo Minreal!" sigaw ko sa kaniya nang mabuksan na niya ang glass door.
"What?!" masama ang loob na sigaw niya pabalik sa akin kaya agad akong tumakbo palapit sa kaniya at ipinulupot ang braso ko sa braso niya.
"Come on, let's go out on a date. My treat." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi. Natawa ako nang biglang umaliwalas ang mukha niya. Kung wala lang siguro si Lovie rito ay nagtatatalon pa ito na parang bata. I know Zea, he may be inches taller than me but he acts like a little child sometimes.
BINABASA MO ANG
AS 01: Agent Uno | Cathleen Valecerina
RomansaI've been waiting for this for two decades, but I've also loved you for that long. Looking at what we're about to go through, can we stay inseparable as I do what I must, my love?